Chapter 34: Kahimanawari

7 0 0
                                    

NAKASALUBONG ni Lily si Hyacinth sa may hallway at pababa na sila para mag breakfast.

"Good morning Lily." Bati ni Hyacinth sa kanya.

"Good morning. Ikaw lang mag isa? Tulog pa si Lord Ren?"

Nahalata ni Lily na ilag ang ngiti sa kanya ni Hyacinth. Something is off. "Oo, napagod ko kagabi." Humalakhak si Hyacinth. Lily is not insensitive. She knew something's going on between the two. Napansin niya ito noong nasa Taiwan pa lang sila.

Inakbayan ni Lily si Hyacinth. "Babe, I am here to talk about whatever that is. Tell me once you are ready. But let's have breakfast first. I'm hungry! Hirap ng dalawa ang pinapakain." Matamis na ngumiti si Lily sa kanya. Sabay na silang bumaba.

Nadatnan nila si Mamey Yana na abala naghahanda ng breakfast kasama ng maraming tagasilbi nila pati si Mang Dante ay umaalalay rin. Ang mga pagkain ay napakarami at nakahain na ito sa mahaba at malaking lamesa nila Lily. Kahit naman noong bata pa ay sanay na si Lily na maraming tao sa kanila at madalas na host ang parents niya sa mga parties. Pero ang alam niya lang talaga ay police work ang mga ito ng kanyang daddy.

Magkasabay naman bumaba si Rowan at si Lucky boy. Nag-uusap pa sila at tumigil nang makita nila sina Lily at Hyacinth. Mukhang about sa babae ang pinag-uusapan nila.

"Kids let's eat. Dali." Aya sa kanila ni Mamey Yana. "Huwag na natin antayin ang mga matatanda. They are at the forest and hunting."

"Mamey, kanina pa sila gising?"

"Yeah. Sumama sina Lord Ren at Fabio sa kanila. Pati ang mga henchmen ng asawa mo at butler ni Lord Ren."

"I see." Napatingin si Lily kay Hyacinth na nagbabang tingin naman. Dahil napatanong si Lily sa isipan niya, bakit kailangan magsinungaling ni Hyacinth?

"Si Epi naroon rin para gawin ang ritual sa pag butcher ng Deer para makain nila ito. Hinahanda na nila Diwa at Bagwis ang mga gagamitin doon sa slaughter house. Alam mo naman they don't eat non-kosher food."

Actually, hindi hunting season ngayon, pero kanila Lily naman ang forest. May mga forest rangers sila na naroon at nag-aalaga at sumusubaybay sa mga wild animals sa forest nila. Pero pwede naman mag- hunt ngayon ng kaunti para lang sa mga bisita nila.

Tumango- tango si Lily at naghila na sila ng upuan para mag-umpisa na sila mag-almusal. May Filipino breakfast na nakahain at may American breakfast rin na pancakes na may kasamang bacon or chicken para sa mga hindi kumakain ng baboy. May mga alagang hayop sila Lily sa kanilang maliit na farm kaya meron silang slaughter house. Kumpleto sila ng mga barn para sa tirahan ng mga hayop dahil ngayon at taglamig sa kanila.

"Kumain lang kayo diyan." Sabi sa kanila ni Mamey Yana.

Sumabay na rin sa kanila sina Abyssinian at Princess Maine na kabababa lang. Binati sila nito ng magandang umaga. Naroon din si Devon Rex pinapakain ito ni Mamey Yana at may nakaalalay dito na isang yaya. Malamig sa labas pero ang kumportable ng bahay nila Lily at tama lang ang pinapalabas ng heater sa loob ng bahay nila.

Naghila na rin ng upuan niya si Rigel at hinalikan ang sentido ni Lily bago tumabi sa asawa. Masayang binati naman ni Lily ang asawa at pinagsandukan ang asawa ng sinangag.

"Where are the Tatangs?" Hanap ni Rigel sa mga matatanda.

"Kapag narinig ka ni Dadey na tinatawag mo siyang Tatang, magagalit 'yon." Sabi ni Lily dito.

Umiling si Rigel. "Sabi ni Dad tawagin ko daw sa mga old boys ay Tatang."

"Wow! Nagpapatawag na si Dadey ngayon ng Tatang?" Malaking tanong ni Lily.

Guns & Romance: Rigel Monreux (Mafia Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon