Chapter 1: Touch me

69 1 0
                                    

Liliday's POV

Para akong na culture shock dahil sobrang ingay ng music halos lumabas ang puso ko sa sobrang lakas ng bass. Ilang taon na rin akong hindi nakalabas at magpunta sa mga ganito. Nanunuod lang ako sa may gilid ng bar ng mga sumasayaw. Kasama ko naman ang mga friends ko nasa dance floor sila sumasayaw kasama ng mga dates nila. Naisipan kasi ng friend ko na si Kristel at Charm na mag-triple date daw kami. Ako na walang jowa versus sa may mga jowa lugi talaga ako. Galing akong sa long time relationship na si Miguel kaso after 10 years, sawi ang lola mo. Kaya halos ang tagal ko maka-move on. Almost 3 years din kaya naninibago ako sa mga labas-labas na ganito.

May pinakilala sa akin ang mga impakta kong friends. Si Tyler. Kaso shuta talaga, wala man lang imik niyaya ko naman na sumayaw kami nahihiya daw siya. Hay nako napakatuod. Nakakaboring tuloy. Kaya nagpaalam ako na mag-c.r. na lang muna para hindi mapanis laway ko. Dahil ang tipid din magsalita 'yung Tyler.

Nang matapos ako mag c.r. nakita ko naman si Tyler na may kausap na babae sa may bar area may kanya-kanyang drinks na rin sila. Ngumisi sa akin si Tyler at nagbaba ng tingin ng bahagya at parang nahihiya.

"Uhm, Lily si Cherry nga pala classmate ko sa design and communication." Pakilala ni Tyler sa babaeng kausap niya. Pasigaw ito dahil sobrang lakas ng tugtog.

Nagtaka naman ako kasi ang alam ko working na siya sa isang architect firm. Ito kasi ang pakilala ng mga friends ko. "Classmate?" Tanong ko malapit sa tenga niya.

"Oo. Sana 'wag kang magalit. College student pa lang ako."

Kaya naman pala hindi makarelate sa topic namin at walang imik noong nasa kotse kami ng bf ni Kristel.

Nakipag kilala naman ako kay Cherry kasi mukang mabait naman siya na bata. Hay ganito na ba ako katanda? 28 y/o pa lang naman ako at nasa kalendaryo pa. Okay din naman kausap si Cherry at nagsasalita na rin itong si Tyler. Feeling ko tuloy baby sitter ako ng dalawa. Pero isinantabi ko ito. Madaldal si Cherry madaming topic kaya hindi na ako na boring.

"Wow! Duktor ka pala ate." Manghang sambit ni Cherry.

"Duktor sa hayop." Nakangiting sagot ko. At binigay ko ang calling card ko. May maliit lang ako na clinic para mapromote ang business ko nag calling card pa rin ako. Old-school still better kahit na may social media.

"Atleast doctor pa rin. May title pa rin." Masayang saad nito at tinanggap ang card na inabot ko.

Nagtatawanan kami dahil tinutukso namin si Tyler. At biglang may lumapit kay Cherry at inakbayan siya. "Hey babe, wanna get outta here?

"Yes, without you!" Sagot ni Cherry at tinabig ang pagkakaakbay nito saka bumaba ng stool bar at kumapit sa akin. Sumenyas din siya na umalis na kami doon.

Nang akmang aalis na kami hinarangan kami ng makulit na lalaki. "Sama mo na ate mo. Goods 'yan threesome. Parehas naman kayong maganda at sexy."

Nang aakbayan niya na ako, I grabbed his arm, tripped his feet at binalibag ko siya. "Judo team ako noong College. Kaya 'wag kang gaganyan sa akin."

"Aray!" Namimilipit sa sakit ng likod sigaw ng lalaki.

"Wow ate lalo akong humanga sa'yo grabe!" Maligayang saad ni Cherry. Ginaya ang ginawa ko kanina. She is mocking the guy habang nilabas na siya ng bouncer. "Kala mo ah! 'wag mong ini- small ang ate ko!" Kunyareng minamasahe pa ako ni Cherry sa likod.

"Cherry!" May tumawag sa kanya at hinigit siya. Madaming tao at sobrang dilim din hindi ko na namukaan 'yong lalaking hinatak siya at nilayo sa amin. Nagpaalam na ang dalaga. Mukha naman kilala niya 'yong lalaking tumangay sa kanya. Kasi sigaw niya sa amin, "Bye na ate, tatawagan kita!"

Guns & Romance: Rigel Monreux (Mafia Series 1)Where stories live. Discover now