Chapter 14: Meeting

16 0 0
                                    

DUMATING ang araw na susunduin na ni Lily ang kanyang family para saksikhan ang kasal nila ni Rigel. Mas maaga naman itong dumating tulad ng nabanggit ni Rigel. Masayang sinalubong niya ang magulang at kapatid na si Rowan.

"Mom, dad!" Kaway niya sa mga ito. Nagyakapan nang magawi na sila sa dalaga.

"Ikaw, come here!" Masaya at nakita ulit ang ate niyang si Lily. Niyakap naman niya pabalik ang kapatid niya na si Rowan. "I miss you my ateng amazona." Natawa naman si Lily kasi lagi nito ka sparring dati ang kapatid niya sa Judo at lagi itong talo kay Lily. Kaya amazona ang tawag niya.

Lulan ng kotse pumunta na sila sa The Horizon Hotel. Nagpahinga lang sila sandali at bumaba na rin sila sa banquet room na pinahanda ni Rigel para sa dinner sa pamilya ni Lily.

Naroon na ang mga kapatid ni Rigel nauna na sila dahil medyo na late ang schedule ng baba ng eroplano ng family ni Lily kaya pinauna na niya ang mga ito.
Nang dumating sila nakipagkamay si Rigel sa tatay ni Lily na si Retired General Joselito Aguas. Niyakap naman siya ng nanay ni Lily na si Dr. Lilliana Thompson- Aguas. Nakipag kamay din sa kanya si Rowan ang kapatid ni Lily. Napagusapan na nila dati pa ito na retired general ang kanyang ama pero ayos lang naman daw ito kay Rigel. Maingat si Rigel sa mga transactions niya kaya hindi niya ito kinababahala.

"Lily hindi mo naman sinabi na magagandang lalaki pala ang mga kapatid ng mapapangasawa mo." Bungad na sabi ng ina ni Lily.

"I'm Janus Monreux, Dr. Aguas. Ako ang pinakagwapo sa kanilang lahat." Pakilala ni Janus.

"Oo napansin ko nga." Humalakhak ito. "What do you do Janus?"

"I'm a gangster." Pagbibiro nito.

"Well, if that's the case it's my first time meeting a gangster." Naghalakhakan sila.

"Biro lang po. I own a tech company. I own JadaTech." Sabi ni Janus.

"Wow! Ikaw ang may-ari ng JadaTech." Manghang mangha na sabi ni Rowan na kapatid ni Lily.

Hindi na nagulat si Janus dito kasi kilala naman talaga ang kumpanya niya maging sa ibang bansa. Dahil ilang mga games na rin ang nilabas nila at lahat ito nag hit. Maging mga gaming pc at cellphone naglabas din sila na supported ang mataas na specs ng games nila. Dito kilala sila.

M.I.T. graduate kasi si Rowan. "Computer Science, right?" Tanong ni Janus

Tumango si Rowan.

"Oh, wow! Ate Lily ba't hindi ka nagkukwento about your interesting family. A retired General, A Doctor and an M.I.T." May emphasis sa M.I.T. Dahil alam ni Janus kung Graduate ka sa M.I.T. sa government ang bagsak mo. Lalo na Computer Science pa. Tingin naman siya sa mga kapatid niya. Kasi bistado silang lahat kapag nalaman na isa silang Mafia Family.

Binasag naman ni Vincenzo ang usapan nila sa pag linis ng lalamunan nito. "Hello, I'm Vincenzo Monruex." Nag sunuran na rin magpakilala sina Primo, Andreas, Sebastian, Orion, Cherry, Cressida at Celeste. Ang tanging wala doon ay si Akio dahil nagtatago ito.

Nag- excuse naman sa kanila si Rowan dahil may tinanggap na tawag ito. Mainit naman ang mata ni Janus sa kapatid ni Lily.

"Tigilan mo 'yan bro. The guy is familiar. Hindi ko lang alam kung sino may hawak sa kanya." Bulong ni Primo. He's talking about part of a tracker division at THOA or The House of Anubis.

Hindi pa rin kampante si Janus sa sinabi. Masayang nag-usap usap ang mga tao sa hapagkainan dahil na rin sa daldal ng ina ni Lily naging maayos ang salo-salo.

***

Nagsiuwian na ang lahat. Bumalik na sa penthouse nila si Rigel at Lily. Inilapag ni Rigel ang isang baso ng gatas sa bedside table malapit sa pwesto ni Lily.

Guns & Romance: Rigel Monreux (Mafia Series 1)Where stories live. Discover now