Chapter 33: Hydrangea

5 0 0
                                    

Last mission for Wave Lilac when they had their refresher training in The Hydrangea. The House of Flowers. Kahit may posisyon ka na sa organisasyon ay pwede ka pa rin mag-training dito. Para sa mga katulad nila na may edad ay pwede sila kumuha ng refresher course. Nasa college na sina Lily at Rigel dito. Wala pang alam si Lily dito tungkol sa dadey niya. Ang alam niya ay pulis ang tatay niya. Anyway, bitinin ko muna kayo dahil papasok na ako sa bagong kumpanya. Hamak na hampaslupa lang tayo. Kaya need mag banat ng bones. Magiging slow update nanaman ito. Sensya na po. Pero pilitin ko matapos ito. May draft na ako kila Janus (revised),Orion, Indigo, Hermes, Fabio, Logan and Damon. Pati kay Cherry Monreux na sikretong gagalaw para sa killing spree niya syempre dahil sa love. Anytime pwede ko ilabas ang kanila pagtapos nitong kila Lily and Rigel at mabibilis ang updates nito. Pati ang Prolegomenon. Masasaksihan niyo ang kwento ng mga parents nila doon. Don't also forget my collab with MidnightFlameX. Subaybayan niyo rin ito. Fist bump! 👊

***

The year 2005 (last mission) Wave Lilac

"NANDITO na si Kidlat, ang tracker ng groupo.
Nandito na si Lord Tiger, ang lider kunwari naming bibo.
Nandito na si Mang Joe, ang isa pang mukhang multo.
Nandito rin si Hero, mukha siyang maligno. Mag papatayan dito. In five, four, three, two, one!
Pasok Dengdeng!"

"Derede, deng, deng, dere, de, deng, deng..." Nagtunog electric guitar sa intro ng kantang ginagaya.

"Hoy Vinusto. Can you just be serious for once?" Naiinis na ang boses ng isang babae na dinig nilang lahat gamit ang earphone piece. "You're so annoying!"

"What? It's boring. At kakapakinig ko lang nito kanina. It's a new wave song."

"Tanda mo na oi! May pa new wave song ka pa diyan!" Si Hero ang nagsalita.

"Ang gugulo niyo!" Awat ng babae sa communicator nilang anim na lalaki.

"Pakitang- gilas kasi 'yang si Venus sa'yo. Binasted mo kasi. Kaya nabaliw na." They all heard Hero chuckled.

"Weh! May nagsasalitang maligno. Ang boring niyo kasi. Inaantok ako rito sa pwesto ko."

"Bago pa lang ng kanta may parody na agad. Siningit pa ako, tunog gitara naman." They all hear Denver's sentiments.

"Well, that's Venus crazy as fuck."

"Target has arrived. Get ready!" Anunsyo ni Kid sa lahat. Kinatigil din ito ng mga nag- L.Q. na mag bromance na sina Venus and Hero.

Sinipat ni Lord Tiger sa teleskopyo doon sa may sniper gun niya. Nakita niya ang target. "Get ready V."

"Yes on it."

Naglalakad si Venus na parang wala lang doon sa target. Pero huminto siya. Hindi siya nakarating doon sa target dahil parang sinadya na may humarang sa kanya dahilan madistract siya. Matapos ay bigla na lang siya napaluhod.

"Fuck!" Narinig pa nilang lahat na mahinang napamura si V.

"V update!" Pilit na pinagsasalita ng babae si Venus.

"He's down! We need plan B, Freesia." Sabi ni Joe.

Nakita nilang lahat na napaluhod si V at sapo nito ang kanang binti at umaagos na ang dugo niya. Pilit parin siyang tumayo at sa gilid na may pwede magtago ay doon siya nagpunta. Saka doon siya naupo. Dahil baka ay paputukan ulit siya at doon matuluyan na siya.

"Sino bumaril sa kanya? Puta!" May pag-aalala sa boses ni Hero.

"Scanning the area." Sabi ni Kid. Bago pa man ang mission ay nag- install na sila ng CCTV camera sa area. Actually, madali lang sa kanila na install ito dahil General pa rin si Joselito Aguas ng panahon na ito. Mas pabor pa nga dahil sumasabay na rin ang technology ng Pilipinas sa ibang bansa. Dahil na rin sa organization nila. Kaya madali lang si Kid nakapasok sa system kasi siya nag- install nito.

Guns & Romance: Rigel Monreux (Mafia Series 1)Where stories live. Discover now