Chapter 4: Marry me

35 1 0
                                    

"Where's my phone?" Malaking tanong ni Lily.

"You will get your phone once you are allowed to go back to your place."

"So prisoner pala ako dito?"

She's starting to make Rigel annoyed. Dahil marmol ang sahig nito, kinakaskas niya ang flipflop niya habang naglalakad ng back and forth sa harap ng binata. Gumagawa ito na matinis na rubber na ingay.

"Stop it." He sighed.

Hindi siya tumigil na asarin ang binata. Lumalakad lakad pa rin siya at hindi niya napansin na nabangga na siya sa matigas nitong katawan. Mapapaupo sana si Lily ngunit nasalo ng binata ang likod niya.

"I said to fucking stop!" Magkalapit nanaman ang mukha nila.

Fuck me! Fuck! Fuck! Mi cazzo! My beastfriend! Kumalma ka!

"Give my phone back!"

"Don't fucking provoke me. Baka kung ano pa magawa ko sa'yo."

"Ano'ng gagawin mo sa akin?"

Bumugtong-hininga ang binata dahil sa kakulitan na pinapakita ni Lily. Kaya nakaisip ito marahil naboboring lang ito. Kung kailangan magpigil gagawin ito ni Rigel. Ayaw niya naman pilitin ang dalaga. Oo isa siyang mafia at sa isipan ng iba isa siyang sindikato at masamang tao pero hindi siya isang rapist.

"Wala ka pa lang damit. Mamili tayo ng mga gamit mo dito."

"Eh kung kunin na lang natin kaya ang gamit ko sa bahay?"

"Negative."

Ngumuso si Lily kasi hindi niya maisahan 'tong lalaki na 'to. Gusto niya mag mukmok dito at ayaw na niya paunlakan ang binata pero nabo-boring na siya. Wala rin siyang cellphone ayaw din siyang pahiramin ng laptop ng mokong na binata.

"Don't worry. Pinapunta ko na mga tao ko para ayusin ang bahay mo at i-check na rin kung pwede ka nang umuwi. Kaya please dumito ka muna. At 'wag mo naman sana iwan ang may sakit mong hayop sa kagwapuhan na pasyente."

"Ay ang taas ng tingin sa sarili eh." Naningkit ang mata ng dalaga.

Nasa ibaba lang naman ang mall kaya mabilis lang sila nakarating dito. Kahit nasa loob sila ng hotel madami pa din silang kasamang bodyguards. Pumasok si Rigel sa isang mamahaling bilihan ng damit. Binati ang binata ng mga empleyado doon. Dumating si Grace na isang fashion consultant ng store. Pinilian niya si Lily ng mga magagandang damit. Ilan ay mga pang araw araw na kasuotan na nagkakahalaga ng ten thousand pesos pataas. Halos hindi makapaniwala ni Lily na makakapagsuot siya ng mga mamahaling damit na ganito.

Ang ganda ng hubog ng katawan ni Lily sa bawat damit na ipasuot sa kanya. Halos lahat bagay na bagay.

"Ang ganda niyo ma'am kahit simpleng damit nagiging susyal kapag sinuot n'yo." Sabi ng empleyado.

May pinasuot si Grace kay Lily na isang gown at napaganda ng hubog ng katawan dito ni Lily. Para siyang diyosang si Aphrodite. Namangha si Rigel nang makita niya si Lily. Nag- lip mouth pa ang dalaga ng "boner" at turo pantalon ng binata at kagat sa labi nito. Binasa naman ni Rigel ang pang ibabang labi niya. Punong-puno siya ng pagnanasa at gusto niya nang hilain ang babae sa isa sa mga dressing room doon.

Kailangan magpigil ni Rigel. Masakit pa rin ang balikat niya at sariwa pa ang sugat nito galing sa tama ng bala. Pero kapag nagpakita ulit ng motibo ang dalaga sa kanya baga hindi na talaga siya makapagpigil.

"We will be attending a party later." He informed.

"Mr. Monreux hindi pa magaling ang sugat mo."

"Kaya nga isasama kita para may maggagamot sa hayop ng kagwapuhan mong date." Sabay kindat.

Guns & Romance: Rigel Monreux (Mafia Series 1)Where stories live. Discover now