Chapter 8: Lie to me

19 1 0
                                    

"Fuck you, Rigel!" She growls in anger.

Binalibag niya ang dalaga sa kama na naroon sa dungeon nila at itinali ito sa isang orion handcuff. Nakataas ang dalawang kamay nito. Dahil naka plunging neck line ito nagumpisang dilaan ni Rigel ang dibdib nito kung nasaan ang puso. Sabay himas sa mayamang dibdib ng dalaga. Humalinghing naman ang dalaga bilang tugon. Hinalikhalikan ng binata ang leeg niya. Nag magtatama na ang mga labi nila, nagsalita si Lily.

"I met a girl. Her name is Katana Huffman. Familiar?"

Tinigil ng binata ang ginagawa niya. "What about her?"

"I dunno? She said to ask you about the ring you gave to me."

Huminga ng malalim si Rigel. At pinakawalan si Lily sa pagkaka- handcuff nito.

"Nakakawala ka ng gana." Sabay umalis sa kwarto.

Sinundan naman ito ni Lily at nasa labas na ito sa gilid ng pool nakatayo at may hawak ng baso ng whiskey. Nagsindi na rin ito ng sigarilyo.

"May kailangan ba akong malaman?" Malaking tanong ng dalaga.

Hindi umiimik si Rigel at humithit muli ito ng sigarilyo. Malamig ang simoy ng hangin sumasabay sa saliw ng hangin ang maxi dress ni Lily at sumisilip ang ang mapuputing binti nito.

"Si Lucilla." Matipid nitong sambit.

Narinig niya na kay Damon ito. Tinawag niyang Lucilla ang baril niya.

"She was my first love." Pag-aamin nito.

Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Lily sa kinatatayuan niya ngayon dahil sa narinig sa binata. Napaisip tuloy siya na puros kasinungalingan lang pala ang pinakita nito para angkinin siya. At pakitang tao ang lahat na siya lang ang natatangi nito. Gustong bumagsak ng mga luha niya pero hindi nito magawa. Sa isip ng dalaga'y ano'ng dahilan bakit luluha siya? Para maging talunan dahil second place lang pala siya? At nagsinungaling ang binata sa kanya. Tataas nanaman ang ego ng binata kung ipapakita niya ang pagluha niya. Nanatiling tahimik si Lily. At pinahintulutang magkwento si Rigel. Dahil alam naman niya sa sarili niya deserve niyang malaman ang totoo.

"Inampon siya ni papà noong 7 years old pa lang siya. Halos sabay kaming lumaki thinking we are blood related. Pero noong nagka-isip na kami. Bigla na lang nagbago ang tingin namin sa isa't isa. We were so inlove. Ganoon din siya sa akin. Pinaghiwalay kami ni papà dahil sa mata ng tao mali ito dahil magkapatid kami. My father arrange marriage to the Huffman to build family ties between them. Hindi ito kinaya ni Lucilla. They ruin the wedding at hindi natuloy ang kasal namin. Dahil nakipagsabwatan si Lucilla sa mga Harell. Specially to Damon. Ako ang may kasalanan kung bakit siya naging gano'n. We..." Lumuha si Rigel. Ngayon niya lang nakitang humahagulgol ito. Hindi alam ng dalaga kung dadamayan niya ba ito. Dahil naguguluhan pa rin ang isip niya.

"We were so in love. Pero nagbago siya. Ako ang dahilan kung bakit wala na siya ngayon. Ako din ang dahilan kung bakit hindi na matapos ang alitan sa pagitan ng mga Harell. Nabuo ang truce sa ngayon dahil kay Lucilla."

"Kaya mo ba hindi mo ako pinapakilala sa papà mo dahil natatakot kang mangyari nanaman ang nakaraan?"

Tumango si Rigel. Lumuluha pa rin ito.

"Hawig mo siya Lily. Para ngang nabuhay siya muli sa'yo." Pag- amin nito.

"The portrait?"

"That's Lucilla."

Hindi na talaga kaya ni Lily ang mga naririnig sa binata. Kaya kinuyom niya ang mga palad niya at sinimuraan ang binata. Halos masuka ang binata sa ginawa nito. At napaluhod ito sa tapat niya. Hawak hawak ang tiyan.

Guns & Romance: Rigel Monreux (Mafia Series 1)Where stories live. Discover now