Chapter 30: Alapaap

10 0 0
                                    

NAPAKURAP- kurap si Menggay sa sobrang haba ng pila sa may grooming area ng clinic nila. Lahat ay mga kababaihan dala ang mga alaga nilang mga aso. Parang pila sa MRT ang haba ng pila. Okay medyo o.a na ang pila sa MRT pero mahaba ito parang sa ATM kapag araw ng sweldo.

Ang mga babae na dala ang mga alaga nila ay kilig na kilig kapag nasusulyapan ang groomer. Halos hubaran ng mga titig ng mga ito ang lalaking groomer ng mga hayop.

"Doktora, saan niyo po nakuha 'yang si Epi?" Tanong ni Menggay.

"Kaibigan ng dad ko. Kumusta pala ang bakasyon mo sa probinsya niyo?"

"Ayos lang doktora. Nasulit namin ng magulang ko at mga maliliit kong kapatid ang mga araw nandoon ako sa Guinsorongan."

"That's good!" On her wedding week she send Menggay to their province. May isang linggo na rin sila nagbukas ng clinic nila. Veterinary rin ang kinukuha ni Menggay hindi pa ito makatapos dahil kulang sa budget pa daw siya. Dati pa nagpresinta si Lily na paaralin siya. Kaso ang sagot niya kailangan niya ng trabaho para sa nag-aaral niyang kapatid na si Yosef. Kapag natapos daw si Yosef at nakasampa ng barko doon niya ipapatuloy ang kurso niya.

"Meggay, have you thought about my offer?"

"Doktora, kailangan kong dumiskarte talaga ng pera eh."

"Si Kuya Rigel mo na daw bahala sa pag-aaral mo at ako na ang bahala sa pamilya mo. Tanggapin mo na ang offer namin. Hindi habang buhay narito ka Melinda. Kailangan mo mag- grow."

Napatingin si Menggay sa ibaba. "Doktora nahihiya kasi ako. Ayaw ko ipaako ang pamilya ko sa iba. Hangga't kaya ko po tutulong ako sa kanila."

"Maria Melinda Gomez panahon na intindihin mo naman ang kinabukasan mo. Pag-isipan mo."

Hindi naman nakasagot si Menggay dahil napukaw ang atension nilang lahat sa isang babae na nilalandi si Epi ang pet groomer nila.

"Epi, ilan taon ka na? Single ka pa ba?" Habang masuyong nilalaro-laro ang kwelyo ng polo shirt nito na sumisilip ang matipunong katawan nito sa suot. Puno rin ito ng magagandang tribal tattoo sa katawan at sa may batok ay ang insignia na tattoo nila. Ang Bakunawa. "Ako kasi single pa."

"Kapitana?" Pukaw ni Lily sa ginang.

"Single pa ho kayo Kapitana?" Malaking tanong ni Menggay.

"Oo, geographically single." Nakangiti na nakakaloko ang ginang.

Napangiwi naman ng ngiti si Epi na hindi pinahalata sa Kapitana. Tinuon niya ulit ang ginagawang pag ipit sa buhok ng Shih Tzu nito na ang pangalan ay Coco.

"Single pa 'yan si Epi, Kapitana. Kailangan niya rin po ng basketball shoes size 14." Nanunudyo na sabi ni Lily.

Nanlaki ang mga mata ng Kapitana. "Ang laki naman ng paa mo Epi. Patingin nga!"

Humagalpak ng tawa sina Lily at Menggay. Wala naman imik si Epi at patuloy lang ito sa ginagawa niya.

Humahangos naman si Bagwis na pumasok sa loob ng clinic ni Lily. Ang mga babaeng naghihintay sa loob ay sabay- sabay ang tingin kay Bagwis. Susulyapan mo talaga sila ng tingin dahil papasa sila maging macho dancer ng isang gay bar. Matitipuno ang mga katawan at magagandang mga lalaki talaga. Bad boy image din dahil puno sila ng mga tribal tattoo sa katawan. Kung mahilig ka sa tall, dark and handsome sina Epi at Bagwis ang pasok sa taste mo. Sinadyang itaas ni Bagwis ang kamay niya at sa palasingsingan nito ay may singsing siyang suot. Kinawayan niya si Lily. Parang nadismaya naman ang mukha ng mga babae na naroon dahil sa nakita. Ginalaw ni Bagwis ang ulo niya na sinesenyas na gusto siya nito kausapin ng mag-isa. Naintindihan naman agad ito ni Lily kaya nagpunta sila sa may pantry area sa clinic niya. May kalakihan rin ito. May lababo, microwave oven, electric stove, at fridge para itong normal na kusina sa bahay. Sa gitna may high table at high stool na anim ang pwedeng umupo.

Guns & Romance: Rigel Monreux (Mafia Series 1)Where stories live. Discover now