Chapter 17: Greet Me

14 1 1
                                    

KINABUKASAN, tanghali na nang makarating si Daryl sa barracks nila. May bahay para sa kanila na hindi kalayuan sa main house ng boss nila ni Rigel. May sarisarili silang mga kwarto dito pero common na ang lahat. Nadatnan ni Daryl si Julian na nagkakape at mukhang kagigising pa lang. "Oh? Hindi ka pumasok?" Bungad na tanong ni Daryl.

"Pinag-leave tayo ni boss Rigel. Sila Matt, Geo at si mang Andoy muna sinama ni bossing."

Umupo si Daryl doon sa may stool and shoe cabinet. Nagtanggal si Daryl ng sapatos niya. "Ah ganun ba?" saka marahas na huminga at napasandal sa dingding.

"Nako lobatt ka na. Charge ka muna." Isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi ni Julian. "Mukhang napalaban ka talaga. Na-savage mo ba?"

Ngumisi naman si Daryl pabalik sa binata. "Di lang 'yon. Legendary." Sabay humalakhak ang dalawa.

"Gagi ka talaga! Nakailang rounds kayo?"

Pinatong ni Daryl ang hintuturo niya sa labi niya. "Shhh... I don't kiss and tell."

"Fine! Kung ayaw mong sabihin bala ka dyan!"

"But I already have a fiancée." Nangingiting untag ni Daryl.

Hindi makapaniwala si Julian sa narinig. "Woah! Di nga?!"

Ngumiti lang si Daryl bilang sagot kay Julian. Naglakad si Daryl papuntang kwarto niya na nasa ibaba lang ito. Malapit ito sa may salas at ang kay Julian naman ay nasa itaas. Napagod siya ng sobra dahil sa ginawa nila ni Val. It was an amazing night! Sabay niyakap niya ang squirtle na stuff toy. Hinalikhalikan pa niya ito saka natulog.

"Hello party peeps!" Bati ng isang pamilyar na boses. Napaanggat naman si Julian at sinundan ang boses. Napangiti si Julian doon sa tao na nasa pinto ng barracks nila.

"Tang'na ka! Kailan ka pa nandito!" Pumunta siya doon sa lalaki at umakbay dito. "Nǐ zài gàn shénme a?" (What the fuck are you doing here?)

"Fuck you too, Julian. Na-miss kita!"

"Tang'na ka talaga Ā Yūe!" Julian said excitedly.

"Wyatt. Nasa Pinas tayo. Nasaan na si Daryl?"

Nakakalokong tumingin si Julian kay Wyatt. "Tulog. Pinagod ng babae kagabi. Kakarating lang ngayon."

They are classmates in Hydrangea China. A secret training center for assassins, bounty hunters and henchmen. This is connected to The House of Anubis to serve and protect the Lords and the mafia boss of this organization. Wyatt Isaac Zhang is the Lord's butler. He is also a skilled fighter. He is Lord Ren's all around wingman.

"Weak!" Parehas na humagalpak sa tawa ang dalawa.

"Nga pala kailan ang solitaire natin?" Solitaire (Bounty hunting)

"Nagsusungit ngayon si Lord Ren. Pero baka mamaya mawalan na 'yon ng period at magbigay na ng baraha."

"Sige. Handa ko na ang mga gagamitin sa pang walis." (Weapons)

***

MABILIS NA PINAGBUKSAN ng maid nila Lily ang tao na kanina pa nag-door bell. Hinatid na kasi ang wedding gown niya. Nang bumaba si Lily, nagtungo siya sa salas dahil naroon na ang naghatid ng wedding gown.

Nagulat naman siya dahil isang tao lang ito at isang dalaga o binata? She's confused. Nilapitan niya ito at magiliw na ngumiti. Shoulder length ang buhok nito at naka layered cut. Naka jeggings pants ito at naka frenchy crop straight jeans ito at naka tuck-in and printed loose drop front blouse. Ginawa nitong headband ang mamaling sunglasses.

Binati agad nito si Lily.

"Hello madam." Malumanay na sabi nito.

Confused sa gender preference nito si Lily kasi matangkad ito at lalo pa nagpatangkad sa kanya ang suot nitong red stilleto.

Guns & Romance: Rigel Monreux (Mafia Series 1)Where stories live. Discover now