Chapter 24: Wig

6 0 0
                                    

BUMALIK NA sila Lily sa kanilang bahay sa Meadowstone Village. Tapos na sila mag-breakfast at naglalaro sila ni Devon Rex sa may salas. Nang dumating si Rigel at sumali sa kanila, napansin naman ni Lily ang biglang pagbabago sa ugali ni Devon Rex nang makita ang asawa niya na si Rigel.

Sumiksik ang bata kay Lily.

"Hey champ, let's play?" Masuyong ngumiti si Rigel kay Devon Rex saka inaabot ang maliit na bola na pang basketball. Pinatalbog- talbog ni Rigel ang bola para ma engganyo ang bata na sumama sa kanya. "Come!"

"My love he's scared. Bakit kaya? Pa'no ba siya napulot ni Indigo?"

"Actually napulot namin. Misyon ko lang iyon kaso naroon din si Lord Ren." Huminga siya ng malalim. "I am sorry, I am not being honest again. Kukunin ko sana siya kaso inalala kita. Kaya si Lord Ren na lang ang kumuha sa kanya at dinala namin dito sa Pilipinas."

"Okay lang my love. Adopting is a big responsibility, and I know Indigo and Hyacinth will  be responsible parents to this child. Kaya mabuti na naroon siya sa poder ng team Lord Ren. I am happy na hinihiram ko si Devon Rex kasi natutuwa ako dito sa batang 'to ang tabaching- ching kasi." Pinanggigilan ni Lily si Devon Rex pero masama ang mood nito at yumakap ng mahigpit kay Lily.

"My love, do you think he needs to go to the doctor? Mukhang na trauma siya. Sa babae lang kasi siya lumalapit. Kay Indigo lumalapit siya akala kasi babae siya. Saka I think this child is around three to four years old dapat nagsasalita na siya." Sabi ni Lily.

"Okay, I'll tell Indigo about this."

"I have an idea my love. Let me do an experiment." Gamit ang malakas na boses tinawag niya ang maid nila na si Tinay. "Tinay, pakikuha nga ang wig ko sa kwarto."

"Yes ma'am."

Kumunot naman ang noo ni Rigel. "Wig bakit?"

"Relax lang my love. I just want to make sure kung totoo ang theory ko na sa babae o may mahabang buhok lumalapit si Devon Rex."

Dala na ni Tinay ang wig at inabot ito. "My love kunin mo at suotin mo."

Sinunod ni Rigel ang pinagawa sa kanya ng asawa. Paglabas ni Rigel humagalpak ng tawa si Lily. Ang cute kasi ng asawa niya. Mukhang baklang maton. Hindi naman homophobic si Lily pero natatawa talaga siya sa ayos ng asawa niya. Gusto niyang lagyan ng lipstick ang asawa at suotan ng pang babaeng damit to complete his get up. Yung wig na suot ng asawa niya ay ginagamit niya sa pang design ng clinic niya noong sumapit ang Holloween. Pakulo ito ng baranggay nila na magdesenyo ng Holloween theme sa mga establishments dahil may mga bata na makikipag trick or treat.

"Ba't ka natatawa?"

"Look yourself in the mirror. Mukha kang baklang maton."

"Ang lakas mo mang bully my loves." Lumukot ang mukha ni Rigel.

Humahagikgik si Lily nang lumapit si Devon Rex kay Rigel at tumigil si Lily. "See my theory is correct. Natrauma siya sa lalaki."

"Maikli naman buhok ni Hyacinth ba't lumalapit siya kay Hyacinth?" Kinarga na ni Rigel si Devon Rex.

"I don't know? Baka na sense niya na babae si Hyacinth?"

"Let's play? You want to play, Champ?" Gamit ang malumanay na boses ni Rigel kinausap niya si Devon Rex. Naiintindihan ang salitang play kaya tumango ang bata.

"He really need to see a doctor, My love. Kawawa naman si Devon Rex gusto ko magkaroon siya ng maayos na buhay. Kailangan din niya lumakas para pag malaman niya ang katotohanan tungkol sa kanya may sapat siyang lakas na harapin ito."

"I adore your intension to this kid, My love. You will be a good mother to our future kids."

"Kids ba talaga gusto mo?"

Guns & Romance: Rigel Monreux (Mafia Series 1)On viuen les histories. Descobreix ara