Chapter 9: Cry with me

13 1 0
                                    

Nag bonfire ang mga magkakaibigan sa dalampasigan ng Khai Island. Nagdala ng guitara si Gavin at tumutugtog ito ng 'Sweet Child of Mine' masayang kumakanta naman silang lahat. Matapos si Gavin. Kinantsawan naman nila si Damon na siya naman ang susunod.

"Damon! Damon!" Papuri ng dalawang kapatid.

NANG kinuha ni Damon ang gitara nag strum muna ito at inayos ang tono. Halatang marunong ito mag-gitara. Nag-pluck siya ng ilang strings at may nabuo nang melody dito. At nagulat silang lahat nang ang ganda ng boses nito at kinakanta ang 'She will be loved by Maroon 5'

Napapasabay sila sa chorus. At mataman naman tumitingin si Damon kay Lily. Para sa binata dedicated ang kinakanta niya kay Lily kasi bagay na bagay ito sa nararamdaman niya para sa dalaga. Matapos ang kanta ni Damon. Nagharutan na ang dalawa na sina Kristel at River. Napili naman maglakad-lakad sina Charm at Gavin. Naiwan nanaman sila.

"Ang galing mo kumanta at mag gitara."

"Nasa alternative rock band ako noong high school. Gusto ko kasi noong maraming chicks. Alam mo na nag-uumpisang mag- explore." Ngiti niya.

"Nakakamiss nga maging bata ulit."

"Oo nga. Pero ngayon pwede na tayo gumawa ng bata." Pilyong sabi ng binata. Naghalakhakan naman sila at nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin ng dagat.

"Sarap mo talagang batukan."

"Mas masarap kaya ako."

Nagkulitan nanaman ang dalawa habang nagiihaw ng hotdog at marshmallow. Naupo sila sa buhanginan na may sapin. Naglakas ng loob na si Lily na tanungin si Damon kung ano ba talaga ang nangyari sa pagitan nila ni Rigel.

"Bakit ang init ng dugo sa 'yo ni Rigel?"

"Ah, 'yon ba." Tumahimik ang binata ng sandali. Bumuntong hiniga pa ito bago ipagpatuloy ang sasabihin. "Nangyari ito 5 years ago. I saw Lucilla. So innocent and vulnerable. She's wasted and broken. He asked for help. Hindi ko malilimutan ang sinabi niya sa akin, 'can you please take me with you?' So, without hesitation sinama ko siya. Hindi ko alam na isa siyang Monreux. Kaya nagkaroon ng gulo sa mga Harell at Monreux. Ang bilis ng pangyayari. We're so inlove and carefree that time. We are so happy when we found out that we're pregnant." Tumingin siya kay Lily na nakangiti. Nginitian naman ito ng dalaga pabalik. "And..." Hinilamos ng binata ang mukha niya gamit ang mga palad niya bago magpatuloy. "When that Katana from the Huffman killed my child. Hindi ko sila mapapatawad. Babarilin ko na sana si Katana pero..." Nakita ni Lily na lumuluha si Damon. "Alam mo 'yon? Yong feeling na you are in rage and out of control. It's like you are left out of the dark noong ikaw ang may kasalanan kung bakit namatay ang pinakamamahal mo. I dunno what she's thinking kung bakit hinarangan niya ang bala to save the girl na tumarantado sa kanya! Na pinatay ang anak namin! At ang masakit sa lahat bumagsak siya sa bisig ni Rigel. Sa huli, si Rigel pa rin ang mahal niya. Ang sakit sobra. Sana ako na lang ang pinatay nila."

Niyakap ni Lily si Damon. Dahil humagulgol na ito. "She told me kung bakit siya sumama sa akin. She saw Rigel and Katana making out."

Nainis pa lalo ang dalaga kay Rigel kasi puros kasinungalingan ang mga sinabi nito sa kanya. Hinimas himas ni Lily ang likod ni Damon para pakalmahin.

"In our darkest hour, there will be someone who will hold the light for you. And get you out from there. Hindi palaging mag-isa ka lang." She said.

Kumalma si Damon. At pinunasan ang mga luha sa mata at sobrang nahiya ito kay Lily.

"Nakakahiya!" Sabi ng binata. Habang nagpupunas ito ng mga luha at sipon nito.

"Thank you for showing me this side of you." She said in a very appreciative tone.

Guns & Romance: Rigel Monreux (Mafia Series 1)Where stories live. Discover now