Chapter 15: Stand by me

18 1 0
                                    

EXCITED si Lily puntahan ang ang bago niyang clinic. Kaya maaga siya nag- ayos ng sarili ngunit nang papaalis na ay nakaramdam siya ng masama sa tiyan niya dahilan ng pagduwal nito. Mabuti'y naroon pa si Rigel para alalayan siya.

"Ayos ka lang? 'Wag ka na kaya muna umalis." Himas-himas ang likod ni Lily.

Umiling si Lily habang nasa lababo at umuubo pa din. "Puntahan ko ang clinic." Sabay nagmumog ito at nagpunas ng tubig sa bibig gamit ang napkin paper.

Kinuha ni Rigel ang napkin paper at siya nagpatuloy mag punas kay Lily. "Paano kung sa daan ka abutan ng ganito?" Pag-aalala niya. Tinapon na ang paper napkin sa basurahan.

"Morning sickness lang 'to, my love. Wala na 'to mamaya." Nilagay ang braso sa balikat ng binata.

Matamnan sila nagkatitigan. "I'm really worried. Ayaw ko may masama na mangyari sa'yo."

"Tatawagan ko si Cress and Cherry to drop by. Para 'wag ka na mag-alala. Sama ko rin si Julian para matuwa naman at makita rin niya si Menggay." She said while sweetly smiling.

"Sige."

Hinalikan ni Rigel si Lily ngunit sandali pinigilan niya ito. "Galing ako sa pagsusuka, my love."

"Sus, parehas naman lang tayo ng breakfast. Ayos lang 'yan." Walang ka arte- arteng hinalikan muli niya si Lily. Nang kumalas si Rigel nagsalita muli ito. "I will be having a meeting later with Damon Harell."

Medyo nagulat si Lily. "Is it about me?"

"No, it's about Janus and Celeste. Don't worry my cousin will be there too. Para pumagitna."

"Okay, my love. About your birthday celebration pala? Okay lang ba dito na tayo mag celebrate?"

"Oo naman, Ikaw na bahala doon."

Nagkanya- kanya na sila ng lakad. Pumasok si Lily sa kanya new animal clinic at mas malaki ito kaysa sa clinic niya. Kumpleto na rin ng gamit ang clinic at bubuksan na lang. Kinuha ni Lily ang kanyang lab coat. Maayos itong nakatupi at nakapatong sa lamesa. Masayang sinuot niya ito. Natuwa siya kasi nakalagay ang pangalan niya sa coat Dr. Lilyday Aguas-Monreux. Official na talaga at ikakasal na nga siya kay Rigel. Mayamaya pa ay tumunog ang bell ng pinto niya senyales na may tao.

"I'm sorry we are not yet -"

Hindi natapos ni Lily ang sasabihin nang makita niya kung sino ang nasa may pinto. May dala itong fish bowl at sa loob ay meron isang Beta Fighting Fish na kulay silver. Ang puso ni Lily ay sabay na biglang ang lakas ng dagundong na para bang gustong kumawala nito sa kanyang dibdib.

He cleared his throat. "Sorry I thought you are already open. Balik na lang ako." Akmang lalabas na ngunit pinatigil siya ni Lily.

"No, Damon. Come in."

Nahihiyang naglakad siya patungo kay Lily at inilapag ang fish bowl sa may lamesa na naroon.

"Si Silver kasi, mahina kumain. Hindi ko alam kung bakit. Kaya naisipan ko dalhin sa'yo."

Natuwa si Lily kasi hindi akalain niya na into aquatic animals pala itong si Damon. May kinuha si Lily na test strip to check the water ph ng fish bowl. "Hm? Okay naman ang water PH. What's wrong with you Silver?" kausap ni Lily ang isda at nakadungaw sa gilid ng fish bowl. Sa kabilang gilid naman dumungaw si Damon. "Can we talk about us?"

Natigilan si Lily at tumayo saka tumalikod. "Damon ikakasal na ako. There's no us. And nothing about us."

"I know Lily, what happened in Phuket-"

"Should stay in Phuket," paglilinaw ni Lily.

He grabbed Lily's arm. "Lahat nang iyon ay totoo. Lahat nang iyon hindi mawala sa isip ko."

Guns & Romance: Rigel Monreux (Mafia Series 1)Where stories live. Discover now