Lesson 17

47.7K 385 175
                                    

Lesson 17
Beach, Please

"Cheska..." Medyo naalimpungatan ako dahil may yumuyugyog sa akin.

"Hmm?" I wanna sleep more! "10 minutes, 'Ya." Dagdag ko at niyakap pa ang unan. Unan na malambot pero matigas na mabango...

"Cheska," isa pang yugyog sa akin.

"Oh? Mamaya na please..." Nakapikit pa rin ako.

"Ugh! Cheska."

"Later..."

"Cheska!" Aba grabe naman manggising ito! Manggigising na lang tataasan pa ako ng boses!

"Ano?!" At saka binuksan ko ang mata ko.

Blink. Blink.

Tangina.

"Aaaaaaaaah!" Dali-dali akong gumulong palayo kay Sir. I was sleeping on top of him and worst? Siya pala ang yakap ko kanina! Para akong nabuhusan ng malamig tubig dahil sa nangyari.

I touched my thighs, shoulders, and... boobs. Shet, he must have felt my boobs lalo na't wala akong brang suot at nakapatong pa ako sa kanya.

Sa pagkatulala ko, naiwan ko ang mga kamay kong nakahawak sa boobs ko. Uminit ang magkabilang pisngi ko. "Naramdaman mo ba?" Nakayukong tanong sa kanya.

Mula sa pagkakahiga, umupo siya at kinusot-kusot ang mata. "Naramdaman ang ano?"

"Ito!" Nakangiwi kong sagot sabay turo sa dibdib ko.

"Ah, wala naman, wala akong naramdaman. Akala ko nga lalaki ang nakapatong sa akin," ngisi niya. This jerk!

"Nyeta ka!" Bulyaw ko sa kanya habang hinahampas ko siya ng unan. "Hoy! Cup C naman ako kahit papaano!"

"Biro lang! Aray!" Sabi niya habang dinedepensahan ang sarili. "Oo na! May naramdaman ako! 'Yun yung malambot 'di ba?" Dugtong niya.

Hinampas ko pa siya nang mas malakas. "Manyak ka! Aaaaaaah!"

"Ouch! Noong sabi kong wala akong naramdaman, galit ka. Nang sinabi kong meron, ako pa ang manyak? Ano ba talaga? Aray!"

"Bastos ka! Ugh!" At hinampas ko pa siya.

Tumayo na siya. "Tumigil ka na nga. Ano ka ngayon? Kagabi makabakod ka ng teritoryo mo sa kama, 'yun pala ikaw ang payakap-yakap pa diyan. Bangon na nga. Mag-ready ka na. We need to leave early." At saka lumabas siya ng kwarto.

Tiningnan ko nang maigi ang kwarto niya. Bukod sa kama at mesa sa tabi nito, yung buong kwarto napapaligiran ng closet. Saan ko kaya banda ilalagay ang mga damit ko?

I heard something being fried on the other side of the door. Nagluluto kaya siya? I followed him out of the room. Pagkabukas na pagkabukas ko nang pinto, the aroma of a fried sausage hit my nose. My stomach rumbled. There I see him in front of the stove, wearing an apron. Hawak ang pan gamit ang isang pot holder, yung isa naman may hawak na tongs. What a cute sight haha!

"May bread na sa mesa. Yung palaman nasa ref. Pumili ka na lang." Sabi niya sa akin habang abala siya sa pagprito ng sausage. "Maya-maya pa ng kaunti itong sausage."

Pumunta ako sa ref at naghanap ng filling. Punong-puno ang loob ng ref niya at organized ang products. As for the filling, mayroon siyang butter, mayo, Nutella, strawberry jam, margarine, at marami pang iba. Kinuha ko ang butter at umupo sa dining room.

Pero pinagmasdan ko siya sa kusina at abalang-abala siya. Medyo nahiya naman ako kung kakain na ako agad. "I'm just gonna wait for you. Sabay na ako sa'yo. By the way, saang box mo nilagay pala yung wedding gift mo?" Tanong ko sa kanya.

My Professor is an EyesoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon