Chapter 24

27 1 0
                                    

*****

"So, kayo na pala? Kaya pala ang blooming mo," panunukso sa 'kin ni Kylie sabay sundot. Pinanlalakihan ko naman siya ng mata pero mas lalo lang siyang natawa.

"Tumahimik nga kayo diyan," angil ko at sumimsim sa kape ko.

"So, kailan pa?" Tanong ni Shaina sabay siko sa 'kin. Sinamaan ko muna siya ng tingin bago uminom ng kape niya.

Napaisip naman ako sandali at napatingin pa sa kape ko habang iniisip kung kailan 'yun.

"I can't remember the exact date but..." I trailed off while intently thinking.

"I think, we are 2 months already-." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang pumalakpak si Shaina.

"Woah, sana all may dabidabs!" Tiling sigaw nito kaya agad ko naman siyang siniko.

"Kailan ang kasal?" Nabuga ko ang kapeng iniinom ko sa biglang tanong ni Amaya.

"Bridesmaid ako!" Sigaw naman ni Kylie.

"Hoy," pigil ko sa kanila. "Hindi pa 'no. We are only-."

"Kumusta ang mga babies ko!" Napatalon pa ako sa gulat ng may nagsalita sa likod ko. Ito naman 'oh nanggugulat..

"Babies ka diya'n! We're not your daughter. Clear?" Sarkastikong wika ni Shaina at napairap pa sa hangin. Napalingon naman ako ngayon kay Grethel na malawak ang ngisi.

"Ba't ayaw niyo naman makisama?" Inis na tanong ni Grethel sabay gulo sa buhok niya. Sabay-sabay naman kaming tatlong lumingon sa kabilang side at sabay 'ring ngumiwi at nasundan 'yun ng tawanan.

Nandito pala ang dabidabs niya. Mukhang nagtampuhan ang dalawa at gusto niyang mag-jealous ang baby niya.

"Tumahimik nga kayo!" Sita niya sa 'min at saka nanghila ng upuan sa tabi ko at saka naupo.

"Badtrip na nga ako 'eh. Dagdagan niyo pa," buntong hiningang wika nito.

"Anong nangyari sa inyo?" Pasimple pa akong lumingon sa dabidabs niya at ngumiwi.

"Nothing. We're just having a fight. Nagtatampo, hindi ko kasi naalala na anniversary namin kahapon," wika nito at napakamot pa sa ulo. Inirapan ko naman siya sabay simsim sa kape.

"Teka, ba't ka nandito? Hindi mo 'ba i-su-surprise ang dabidabs- mo?" Napaangat agad ng tingin kay Grethel ng magsalita ito. Kinunutan ko naman siya ng noo. Ang hirap talaga ng lalaking 'to.

"Ano pa'lang meron?" Taas kilay na tanong ko. Napakunot pa lalo ang noo ko ng makitang nagbilang pa siya ng kamay niya.

"Parang tama nga 'eh." Wika nito at nagkamot pa sa kilay niya.

"Ang alin?"

"Kasi, nung time na nalaman ko na ka 'yo na ni Jib, kahapon nu'n anniversary namin...." He trailed off.

"Kaya mga... 3 months na ata kayo?" Nanlalaking mata nito. I chuckled while looking at his surprise face.

I remembered. I asked Jibrelle last time about our monthsary. While remembering my smile flash on my lips..

ONE MONTH AGO.

"Ang dami ng panahon, ano? We're already one month, babe," wika nito at nilagay sa lamesita ang dala niyang kape para sa 'kin. Umikot pa siya sa likod ng sofa at saka niyakap ako mula sa likod saka hinalikan sa pisngi.

"Wala ka 'bang regalo sa 'kin?" Tanong ko habang nasa cellphone ko ang mga mata ko at nagsscroll.

Napaalis agad siya sa pagkakayakap ko at saka kumunot ang noo.

SenyoritaWhere stories live. Discover now