Chapter 16

30 2 0
                                    

******

AFTER A few months matapos malibing ang Ina ni Mj at naging maayos na 'rin ang lahat.

He became more approachable than before.

Nagkasundo na 'rin kami sa ilang mga bagay na labis kong pinasasalamat. Siguro, natauhan na ako sa mga pagtataray ko sa kaniya or whatever the true reasons.

"Ihatid mo 'ko sa beach," wika ko habang nag-a-apply ng make up sa mukha ko. Nasa tabi ko siya ngayon habang binabantayan lang ang bawat kilos ko.

"Marunong ka 'bang lumangoy, senyorita?" kuryoso'ng tanong niya sa 'kin. Napalingon ako sa gawi niya at napabuga na lamang ng hangin ng mapansin na seryoso nga siya.

"Alam ko namang hindi ako marunong lumangoy tapos-." natigil ako sa pagsasalita ng biglang tumunog ang cellphone ko. Sinulyapan ko pa siya kaunti bago kunin ang cellphone kong nakapatong sa mesa.

From:Amaya
Message:Nilipat na ang venue! Sa Lagare spring resort na 'raw!

Napabuntong hininga na lamang ako. Akala ko ba sa London Beach kami maliligo tapos ngayon... napairap na lamang ako sa hangin at kinuha ang ilang mga gamit ko.

"Ihatid mo ako, huh? Mabigat tong dala ko," wika ko at pinakita sa kaniya ang dalawa kong bag. Tumango naman siya bilang pagsang-ayon.

"Saan ba banda ang punta mo?" nakasimangot na tanong nito sa 'kin pero inirapan ko lamang siya.

"Sa lagare," mahinang usal ko habang naglalagay ng maskara sa pilikmata ko.

"Lagari?" nakataas na kilay na tanong nito kaya napalingon ako sa kaniya at gumanti ako ng taas kilay.

"Di'ba sa hardware 'yan matatagpuan? Yung saw ba ang tinutukoy mo?" Napasapo na lamang ako sa noo ko. Kaya pala ang tagal niyang na-gets ang ibig kong sabihin dahil ibang lagare pala ang tinutukoy niya.

"Mj, please lang, 'wag mo'ng pasakitin ang ulo ko. Hindi mo 'ba narinig ang resort na 'yan kahit isang beses man 'lang?" stress na tanong ko sa kanila.

"Kapag hindi ka marunong 'wag nang sumama," biglang pumantig ang tainga ko kaya napalingon ako sa kaniya at tiningnan siya ng masama.

"Wala akong sinabi na ikaw," he mumbled.

Umirap na lamang ako sa hangin at inihagis sa kaniya ang isa kong bag at nasalo naman niya 'yun.

"Hindi naman ako maliligo makikienjoy lang!" inis na turan ko sa kaniya at inirapan pa. Humahagikgik naman siyang umalis at naglakad palayo sa 'kin habang bitbit na niya ang dalawa kong bag.

Napatingin ako sa gawi ni Mj at pinukol agad siya ng masamang tingin ang kaniyang likod. Porque hindi marunong lumangoy basta niya na lamang akong ganon-ganunin.

"Hoy, kapag ako marunong ng lumangoy ilulunod kita sa dagat!" Sigaw ko sa kaniya. Bahagya naman naman siyang napahinto at lumingon saka habang nakangisi.

"Hindi ako natatakot! Alam ko, hindi ka 'rin marunong lumangoy hanggang tatanda ka. Magdala ka na lamang ng salbabida kapag maligo ka." Umusok ang ilong ko sa inis at bumuga na lamang ako ng hangin para tumigil ang inis ko sa kaniya.

"Tandaan mo 'yan! Huwag na huwag mo talaga akong i-underestimate dahil hindi ako marunong lumangoy! Bilog ang mundo, marunong 'din akong lumangoy next time." Mahina naman siyang natawa kaya inakma kong ibato sa kaniya ang sapatos at mabilis naman niya'ng iniharang ang kamay niya.

"Next time means next life," tumatawa niyang wika at naglakad na paalis. Padabog kong nilagay sa gilid ng mesa ang sapatos ko at nagmartsang sumunod sa kaniya.

A FEW MINUTES IN our trip nakarating na kami sa lagare results. Nakasimangot si Mj dahil sinabi ko sa kaniyang hindi siya sasama sa 'kin at papauwiin ko siya.

SenyoritaWhere stories live. Discover now