Chapter 11

38 3 0
                                    

****

NARAMDAMAN KONG lumubog ang kama kaya kahit kumikirot ang ulo ko ay lumingon ako. Nakita ko siyang malapad ang ngiti sa 'kin habang may hawak na tea sa kamay.

“Senyorita, tea. Para kahit papa'no mabawasan ang sakit ng ulo mo.” nakangiti niyang turan. Tinitigan ko lang siya sandali at saka napabuntong hininga.

“Ilagay mo sa mesa.” paos na bulong ko.

“Kakasigaw mo 'yan kahapon kaya napaos ka tuloy.” wika nito kaya napalingon ako sa gawi niya at dahan-dahang umupo sa kama at tinitigan siya ng masama.

“Sino ba namang hindi titili sa porma mo. Para kang bangkay na bumangon mula sa hukay. Yung damit mo.” singhal ko sa kaniya. Napalabi naman siyang napatingin sa 'kin.

“Talaga?” Pang-aasar nito sa 'kin kaya inirapan ko na lamang siya.

“Ano ba'ng pumasok sa kokote mo at 'yun pa ang naisipan mong isuot?” Inis na tanong ko sa kaniya. Napalabi naman siya at nagpilit ngiti sa 'kin. Yumuko siya ng bahagya habang pinaglalaruan ang kamay.

“K-Kasi, nainis ako sa 'yo.” Inis na turan nito at sinalubong ang mata ko.

“Tapos naalala kong malapit sa sementeryo kita binaba kaya ayun.... tinakot kita. Pero hindi ko aakalaing lalagnatin ka sa takot—.”

“Pvtcha!” tili ko kaya agad naman siyang napaiktad. Agad siyang tumayo at napalayo sa 'kin. Masama ang tingin na ipinukol ko agad sa kaniya.

Pvtcha! Matanggap ko pa'ng coincidence lahat ng nangyari kahapon pero ang malaman na plinano niya pala 'yun? Ang sarap niyang balatan ng buhay!

“Senyorita, 'yung boses mo... mas lalo kang mapaos sa kakasigaw mo.” nakanguso niyang wika habang naglakad papalayo sa 'kin.

“Huwag ka ng bumalik dito! P4p4tayin kitang hayop ka!” sigaw ko sa kaniya.

“Basta 'wag ka ng sumigaw.” nakanguso nitong wika.

“Oo!” sigaw ko kaya nagpatango-tango pa siya. Aalis na sana siya pero agad siyang napatingin sa 'kin kaya bumalik siya sa pagpasok at binuksan ang aircon kaya mas lalo akong gininaw.

Amp, mukhang gusto niya yata akong p4tayin ng lalaking 'to. Hindi sa lagnat kundi sa konsumisyon ko sa kaniya.

Guminaw ang paligid kaya napatili ako sa ginaw. Naagaw ko naman ang atensyon niya kaya napalingon siya sa gawi ko.

“P4p4tayin mo 'ba ako?!” inis na sigaw ko sa kaniya. Inosente naman siyang napanguso at napataas kilay. Ang sarap batukan!

“Yung aircon ang ginaw! P4tayin mo!” sigaw ko sa kaniya kaya napalingon siya sa aircon. Agad naman niya 'yung ini-off.

“Ang init mo kaya tapos ang init pa ng silid mo. Pawis na pawis ka 'na 'oh.” turan nito kaya napasapo na lamang ako sa aking noo.

“Ang init 'rin ng ulo mo baka gusto mo'ng magpalamig muna saglit.” dagdag nito habang nakangusong tinuro ako.

“Umalis ka na! P4patayin mo ako sa inis at konsumisyon! Umalis ka na bago pa ako ang makap4tay sa 'yo!” sigaw ko kaya dali-dali naman siyang lumabas. Bago pa siya tuluyang makalabas ay sumilip pa siya ng bahagya sa may pintuan.

“Ba-bye Senyorita, see you in heaven.” mahina ang pagkasabi niya pero umabot 'yun sa pandinig ko. Namula ako sa inis at halos lahat ng dugo ko ay umakyat sa ulo ko.

Yeah, I blush. Hindi sa kilig kundi sa inis.

“'Huwag kang—.”

“Oo, aalis na!” sigaw nito at malakas na sinira ang pinto. Narinig ko pa ang yabag niya na tumatakbo papalayo.

SenyoritaWhere stories live. Discover now