Chapter 3

48 5 0
                                    

****

NAGSUSULAT AKO ng assignment ko habang pinapakinggan ang reasons niya. Ewan ko 'rin kung bakit ba ako nagpadala sa mga sinasabi ni Jibrelle sa 'kin na ibalik siya sa trabaho.

“Senyorita, madami kasi akong ginagawa that time tapos buong akala ko natapos na nila. 'Yun pala ay umaasa lang 'rin pala sila sa 'kin. Actually, ako lang mag-isa ang naglilinis sa silid mo at hindi nila ako tinutulungan—.” Itinaas ko ang kamay ko para patigilin siya kaya tumigil 'rin agad siya sa pagsasalita.

“I don't need your explanation. Ang gusto ko lang ay 'wag na itong maulit. I don't give you any change if it will happen again,” usal ko at tumingin ulit sa notes ko.

“Senyorita!" tawag sa 'kin ni Jibrelle kaya napaangat ako ng tingin. Ngumiti muna siya sa 'kin ng matamis.

“Paano 'yan? May lakad kasi ako bukas ng umaga kaya hindi kita maiihatid,” wika nito at nagpout pa.

“NO.” Madiing wika ko. Nawala naman ang ngiti niya at napalitan ng pagkalungkot ang mukha niya. “Ihahatid ko ako bukas sa school!” wika ko at diniinan pa ang bawat sinabi ko.

“Senyorita.”

“Papayag akong aalis ka pero sana that time naihatid mo na ako,” maawtoridad na wika ko.

“Senyorita, ano kasi... E-.”

“I don't care, ayaw kong malate sa klase kaya ihatid mo 'ko, Daniega. Naiintindihan mo 'ko? Kung ayaw mo e'de magresign kana,” desididong wika ko saka tumayo.

“Buo na ang desisyon ko,” madiing wika ko at saka pagkatapos ay naglakad na paalis.

“Senyorita!” narinig kong sigaw nito ng paakyat na ako ng hagdan pero hindi ko na siya pinansin.

I don't care!

Makikipagkita ba siya sa ka-date niya?

Aba, manigas silang dalawa ng jowa niya!

Pagkapasok ko sa loob ng silid ko ay agad ko itong sinirado at napasandal pa sa pintuan. Pakiramdam ko ay biglang bumigat ang pakiramdam ko.

Nakikipag-date siya sa ibang babae?

Who?

Maybe, I know her? My classmates? Schoolmates?

“Senyorita, please!" Tawag nito mula sa labas habang kumakatok sa pintuan. Napailing na lamang ako at tinapon ang katawan sa kama.

Hindi p'wede.

Buo na ang desisyon ko.

He is in the work not in the other place where he can leave whenever he want without any permission. I am his boss and I want to be obeyed.

“Senyorita!” Tawag nito sa 'kin. Basag na 'rin ang boses niya. “Ngayon na 'lang! Aalis na 'ko!”

“Hindi!” sigaw kong muli dito.

“Senyorita, maawa naman—.”

“Pagsinabi kong hindi! Hindi talaga! Pag-umalis ka e'de wala ka 'nang babalikang trabaho rito. Ikaw bahala, nasa 'yo ang desisyon,” mahinang wika ko pero sapat na 'yun para marinig niya.

“Hindi na ba magbabago ang isip mo?” mahinang tanong nito. Umiling naman ako kahit hindi niya ako nakikita.

“So, it means. Silent means yes," wika nito at hindi na muling nagsalita pa. Paglingon ko sa kaniya ay napansin ko ang pamumula ng mata niya. Ilang saglit pa ay bigla na 'lang itong tumakbo palayo sa 'kin na siyang kinagulat ko.

Teka, ba't siya umiyak? Dahil ba hindi ko siya pinayagan na makipag-date sa girlfriend niya? Napailing na lamang akong muli.

Grabe naman ang girlfriend niya. Por que hindi sumipot hihiwalayan agad siya. Kung ako pa sa kaniya, hihiwalayan ko na 'yon.

SenyoritaWhere stories live. Discover now