Chapter 1

100 9 0
                                    

Faye POV.

PINAG-CROSS KO ang mga braso ko habang prenteng nakaupo sa sofa. We're facing at each other with his comfortable grinned despite of my intimating aura.

Naka-messy hair 'lang siya, but, he is undeniably drop dead gorgeous. Manipis ang labi niya at lumalabas ang malalim niyang dalawang biloy sa tuwing ngumingiti. Medyo may pagka-curly 'rin ang kaniyang buhok pero makinis at maputi ang kaniyang balat— porcelain. Kung una mo siyang tingnan, aakalain mo talagang anak mayaman.

“Anong pangalan mo?” masungit na tanong ko sa kaniya. Nakatayo lamang siya habang hindi naman mawawala sa labi niya ang malapad na ngiti.

“Mark Jibrelle Daniega,” nakangiti niyang wika. Napairap na lamang ako sa hangin. Seryoso? Ito yung tinanggap nina Daddy at Mommy na bagong hardenero x kasambahay na 'rin sa bahay. Porcelain kasi ang balat niya, parang galing sa ilustradong pamilya.

“How old are you?” Sunod na tanong ko sa kaniya.

“19.” Ngumiti na naman siya sa 'kin kaya tinitigan ko siya ng malalim. Napakagat labi naman siya sa paraan ng pagtitig ko at nag-iwas tingin.

“'Wag mo nga'ng ipakita sa 'kin ang ngiti mo. I hate your dimple! Baka gusto mo ipatanggal ko 'yan!” singhal ko at saka tumayo habang hindi pa 'rin inaalis ang pagka-cross ng braso ko.

Napakagat labi naman siya lalo, but despite to hide his dimple ay mas lalo itong lumabas dahil sa paraan ng pagkagat niya.

Napairap na lamang ako at naglakad patungo sa kabilang banda. Naramdaman ko naman siyang sumusunod sa 'kin pero hindi ko siya pinansin. Huminto ako sa cabinet kung saan naka-display ang mga collection ni mommy na mga expensive tea cup with saucer, small cup, flower decoration, and expensive dishes.

“Ihatid mo ako bukas sa school,” pabulong na wika ko habang pinasadan ng kamay ko ang cabinet.

“Po?” Bakas sa boses niya ang pagkagulat kaya marahas ko siyang nilingon at tinitigan ng maigi.

“Ano? Hindi ka 'ba marunong magmaneho?”

“M-Marunong,” he stutter.

“'Yun pala, 'eh! Ba't ayaw mo 'kong ihatid sa school?” iritadong-iritado na tanong ko at pinasadahan ko ng kamay ang sariling buhok.

“Hindi naman ako ang driver mo at isa pa hardenero ako dito at hindi driver.” Naramdaman ko sa boses niya ang pagkairita. He'd composed his hand to argued my plan, but, no one can hinder it, even, him.

Tinitigan ko siya ng masama habang nagsasalita. Ilang sandali pa ay napatingin siya sa 'kin at sumalubong sa kaniya ang matalim ko'ng tingin kaya napalunok agad siya.

“A-Ang t-totoo, o-ok 'lang naman sa 'kin. B-Bukas ba?” he asked then pout his lips and smiled a bit. Lumabas na naman ang dalawang biloy niya na siyang kinaiwas ko ng tingin. God, my heart beats fast.

“Oo,” mahinang sabi ko at naglakad na paalis doon. Nilingon ko pa siya ng isang beses at ngiti na naman niya ang bumungad sa 'kin. He grinned while waving his hand.

“See you tomorrow, senyorita!” pasigaw na wika nito. Tinalikuran ko na siya at bumalik sa room ko.

Napangiti naman ako ng palihim pagkapasok ko sa silid at napasandal sa pinto. Napakapa ako sa dibdib ko at naramdaman ko ang malakas na pagtibok roon. What happened with me? What it is mean?

KINABUKASAN pagkababa ko pa lamang ng hagdan ay naabutan ko na si Jibrelle na nakipag-usap sa isa sa mga katulong namin. Uminit bigla ang ulo ko at napahaplos ako sa buhok ko sa inis. Pangingiti pa ang babae habang nag-uusap sila at nagpa-cute pa sa kaniya ang babae. I clenched my hand tightly, but, I managed to hide if from my back.

SenyoritaWhere stories live. Discover now