Chapter 35

29 1 0
                                    

*****

Napatingin ako sa kakarating na si Grethel. Hinihingal siyang huminto sa 'kin na para bang hinahabol ng multo.

Tinaasan ko siya naman agad siya ng kilay.

"Si Shenneah," turo nito sa kay Shenneah na paparating. Masama ang tingin ang ipinukol nito kay Grethel. Nagtatago pa si Grethel sa likod ko.

"Senyorita, tayo na," naagaw ang atensyon ko kay Manang na pababa ng hagdan. Hinila ko naman si Grethel sa tainga kaya napadaing siya.

"Ihatid mo kami sa mall."

"Woah, ikaw pa ang nag-request. Namimingot pa," nagtatampong wika nito at yumakap pa kay Shenneah pagkatapos. Binatukan agad si Shenneah pagkalapit niya kaya napadaing pa siya ng mahina bago muling yumakap.

Napairap na lamang ako ng patago dahil sa kanilang dalawa. Haist, my innocent poor eyes.

"Manang, tara na. Shenneah, sasama ka 'ba?" Tanong ko. Agad naman niyang siniko si Grethel kaya nakakalas ito sa pagkakayakap sa kaniya.

"If you'd agree."

"Sure!" Nakangiti kong wika. Napatingin ako kay Grethel na ngayon ay nakasimangot at mahinang naglalakad patungo sa garahe. Good!

"Lets go!" Nauna na akong maglakad sa kanila at pumasok sa sasakyan.

Nasa passenger seat kami dalawa ni manang habang nasa front seat naman si Shenneah.

"Saang mall ba?" Tanong ni Grethel at sandali akong sinulyapan sa rearview mirror.

"KCC." Maikli kong tugon. Nagsimula na siyang magmaneho at nasa labas ng bintana lamang ang tingin ko. I want to enjoy myself through shopping.

Masiyado ng marami ang mga nangyari sa buhay ko niyong nakaraan at kinakailangan kong i-handle. 

"Senyorita, ayos ka 'lang ba?" Tanong sa 'kin ni Manang at hinawakan pa ang kamay ko. Tumango naman ako ng mahina habang hindi pa 'rin inaalis ang tingin sa labas ng bintana.

"I saw, Jibrelle IG's last time that their wedding are held in the first day of December." Shenneah broke the ice.

Hindi ako kumibo pero deep inside ramdam na ramdam ko ang kirot at sakit sa puso ko. Nasasaktan ako, nasasaktan ako kahit ilang beses ko ng ipinaalam sa sarili ko na hindi na siya akin at lalong hindi na siya magiging akin.

"I told you,"

"Binalita ko lang kaya sa kaniya. She deserved to know-,"

"But, she's not deserve the pain,"

"Mas lalo siyang-."

"Tama na, I'm fine. Malayo lang talaga ang inisip ko. Don't mind me," wika ko at saka sumandal sa headrest.

Sa tingin ko ay hindi pa 'rin sila natigil sa pag-away. Magbulungan pa 'rin kasi silang dalawa. Haist, paano ba naging magkasintahan tong dalawang 'to kung lagi pala silang mag-aaway.

Kung sa bagay.... The more you hate, the more you love...

Maayos naman kaming nakarating sa SM at nagkasundo na silang dalawa. Binigyan ko sila ng hindi gaanong kalakihang pera para kahit papano ay mabibili nila ang gusto nilang bilhin.

"Doon tayo!" Masayang wika ni Shenneah at hinila si Grethel papunta sa stands ng mga Teddy bear. Napangiti na lamang ako habang nakatingin sa kanila at napailing.

I always hope their happy ending. Deserve nila 'yun. Kung sa bagay, legal sa parents nila ang kanilang relasyon.

May mga tao talagang pinagpala pagdating sa pag-ibig habang ako nama'y minalas. Napayuko na lamang ako sa sariling buhok.

SenyoritaWhere stories live. Discover now