Chapter 23

25 1 0
                                    

****

Manghang-mangha ako sa nakita ko. Yung maliliit na sunflower noon ay lumaki na ngayon. Ilang pulgada na 'lang at maging kasing tangkad na kami ng sunflower.

Nagawi ang tingin ko kay Jibrelle at napaawang ang labi ko ng makita kong naglatag siya ng banig sa unahan. Agad naman akong napatakbo doon at agad na naupo. Binigyan 'din niya ako ng ilang snacks.

"Tingnan mo ang sunsets. Ang ganda di'ba?" Tanong nito at sandali pa akong sinulyapan. Tumango naman ako saka kumain ng pillows na ibinigay niya sa 'kin. Humilig ako sa dibdib niya habang pinagmasdan ang papalubog na araw.

Ang ganda tingnan sa sinag ng araw na rume-repleka sa mga sunflower. Manghang-mangha ako habang pinagmasdan ang unti-unting paglubog nito.

"Sorry," he mumbled. Napatingin naman ako sa kaniya at tiningnan siya sa mata at tiningnan ng why-look.

"Dapat sa tabing dagat kita dinala at hindi dito." Mapait siyang ngumiti at inayos niya pa ang ilang hibla ng buhok ko at saka mapait na ngumiti. Tumingin 'rin siya sa papalubog na araw.

"It is still memorable." I mumbled. He sigh in relief.

"See the sky how beautiful it is when the yellow and orange are fighting?" Ramdam ko ang tuwa sa boses niya habang sinasabi 'yun. Napatingin na lamang ako ng patago habang nakatingin sa kalangitan ang mga mata ko.

"Yeah, that's true." Pagsang-ayon ko. Iniangat niya sa ere ang ulo ko kaya napatayo ako ng wala sa oras.

Napatingin ako sa kaniya at pinukol ko agad siya ng masamang tingin. Tumawa naman siya kaya inirapan ko na lamang siya at nagacross-arm.

"Ang bigat mo-."

"Ano?!" Inis na tanong ko at tiningnan siya. Nagulantang naman siya at agad napaatras. Tinaas niya pa ang isang kamay para pigilan ako. Bumuga na lamang ako ng hangin at ibinaling muli ang tingin ko sa sunset.

Napalingon ako muli sa kaniya ng may narinig akong kaluskos. Napakagat labi na lamang ako at umiwas ng tingin ng mapansin kong may hawak siyang gitara. What the hell is he planning?

Nagsimula na siyang magpatugtog ng gitara. I cupped my face to hide my blush. Hindi ko alam na magaling pala siyang tumugtog ng gitara.

Nang dumating ka by Bandang Lapis.

Alam na alam ko ang tono niya lalong lalo na't lagi ko 'yang naririnig na kinakanta ni Grethel minsan. Uncontrolled, I felt the butterfly in my stomach.

Sa araw-araw na gusto kang laging makita
Nasasabik sa 'yong paglalambing.

Ang lamig ng boses niya at ang sarap sa tainga pakinggan. Ewan ko ba pero napasabay na 'rin ako sa kaniya.

'Pag 'di ka nakikita, ang puso ko'y nanghihina
Na para bang 'pag wala ka'y wala na ring saysay
Ang buhay kong ito, whoa-oh-oh-oh
Whoa, whoa, whoa, whoa-oh-oh-oh

It is my first time to hear his angelic voice. Ang ganda pakinggan. Feel na feel niya pa ang kanta habang kinakanta ito.

'Wag ka lang umalis, 'wag ka lang lumayo
Dito ka lang sa aking tabi

Sa pagkakataong ito ay nakatitig na siya sa mga mata ko. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin pero kapansin-pansin ang nangungusap niyang mga mata. Nakaramdam tuloy ako ng kirot sa aking dibdib.

Nang dumating ka sa buhay ko
Binago mo'ng lahat pati ang aking mundo
Binigyan mo ng ngiti at ligaya ang buhay
Pangako ko sa 'yo na hindi kita iiwan.

SenyoritaWhere stories live. Discover now