Lesson 16

48.5K 360 138
                                    

Lesson 16

First Night

"Bye Mrs. Cheska Ryan!" Paalam sa akin ni Sharpay bago ako pumasok sa kotse ni RR.

"Best naman eh!" Reklamo ko siya. Ayaw ko ngang maisip na apelyido ko na ang apelyido niya. "Oy ha, you know the purpose why we had a civil wedding so no single soul in the school except me, you, RR, and Sir Neil should know about this." Paalala ko sa kanya.

"Of course, bestie." Ngisi niya. "And RR? Anong RR?" Pagtataka niya. Oo nga pala, sanay siyang i-address ko si Sir - este si RR ng Sir noon.

"Ah, it's my new name for him," sabi ko kay Sharpay habang nginunguso ang direksyon ni RR na nasa loob ng kotse. "Kasi nga Rodrick Ryan." Paliwanag ko.

"Ahhhh... Kaya naman pala. Ang bilis mo naman lumevel up, best!"Humagikhik siya. "Baka sa susunod honey o sweetheart na tawag mo sa kanya ah. Yieeee" Kutya niya sa akin. Wow ah, kadiri. Kung alam lang niyang Shithead Asshole ang nasa contacts ko. Duh.

Hinampas ko siya sa braso, "Pasaway kang babae ka!" Inilapit ko ang bibig ko sa kaliwang tainga niya. "Kilala mo naman kung sinong type ko 'di ba? At hindi si RR 'yun! Ayun oh!" Sabay pasimpleng turo ko kay Sir Neil na kinakausap ng parents ni RR.

"Hoy gaga! May asawa ka na! Makuntento ka na diyan sa asawa mo. Ang yummy-yummy na nga ni Sir oh!"

"Mas gaga ka! Yummy-yummy ka diyan!"

"Basta bestie, mamaya, alam mo na, okay lang naman na may mangyari sa inyo pero... you know... nag-aaral pa tayo, gumamit kayo ng con-"

"Ugh! Sharpay, please. Umuwi ka na lang, okay? Ano ba 'yang utak mo ha? Ilang porn ba ang pinapanuod mo, gaga? Isa pa, walang mangyayari sa amin. AS IF! Manigas siya!"

"Oh kita mo, manigas daw oh - " Tinakpan ko ang bibig niya baka marinig na ng mga taong nasa paligid namin ang kalibugang namumugad sa utak ng kaibigan ko.

"Letse ka, bestie! Iba yung tinutukoy ko!" Saway ko sa kanya. "Just go home! Andyan na ang sundo mo oh!" At tinuro ko ang silver na Porsche na magpapark malapit sa kinatatayuan namin. "Uwi na, shoooo!" Sabay tulak sa kanya.

"Hehe, bye Mrs. Ryan! See you on Monday!" Sabay kindat sa akin at tumakbo papunta sa kotse. "Bye po, tito and tita!" Sigaw na paalam sa parents ko. My parents also told their goodbyes to my bestie.

Nasa loob lang ng kotse si RR at may katext kaya sa phone.

"Baby!" Tawag sa akin ni Mom. "Uy, don't forget to give him this." Binigay niya sa akin ang isang kahon na kasya sa palad ko. Kulay itim ang kahon at may silver na ribbon. "That's your wedding gift to him. Bigay mo ha!"

I nodded, "Okay, whatever. Sabi ko na sa'yo, Mom, hindi niya kailangan ng regalo." I rolled my eyes.

"Enjoy your dinner later, okay?" She gave me a peck on the cheek. "And... don't forget, yung Victoria's Secret na lingeries nasa may maliit na box kapag andoon na kayo sa unit niya. Lahat ng gamit mo pala nakakahon." Magsama kayo ni Sharpay, Mom. Bakit ganyan ang mga iniisip niyo? Yung totoo?

"Mom. I. Don't. Need. Them." I emphasized.

"Cheskie," kinalabit ako ni Dad. Pagkalingon ko niyakap niya ako. Awww... "Kapag sinaktan ka ni Rodrick, don't hesitate to call me, okay? I'll beat the shit out of him if he hurts you." Tinapik-tapik niya ang balikat ko habang yakap ako. "You're all grown, bunso. Visit us sometimes, okay? At magpakabait ka kay Rodrick." He patted my head and hugged me more tightly.

Sumilip siya sa bintana ng kotse. "Rodrick, alam mo na yung napag-usapan natin dati. Take care of her." Seryosong sambit ni Dad kay RR.

RR nodded, "Makakaasa po kayo, Tito."

My Professor is an EyesoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon