Chapter 33

57 1 0
                                    

"Poch, I miss your daddy." pagkausap ko sa aso habang hinihimas ang balahibo nito.

We're here in my room's terrace and it's already night time. I was just looking at the stars above the sky while Pochollo is peacefully laying on my lap. Moira Dela Torre's songs are playing. Nakagawian ko ng makinig ng mga kanta niya sa hindi ko malaman na dahilan.

Maybe because I'm heart broken? How funny, but maybe it's really because I'm longing to see him.

Ilang buwan na ang nakakaraan matapos namin magpunta ni Sam sa Cebu. Sa huling araw non ay tuluyan ng natapos ang ugnayan namin. We don't have any communication at all. Invited kami sa kasal nila ni Zielle pero hindi ko naisip na pumunta. Alam ko naman kasing masasaktan lang ako na makita siyang ikakasal sa iba. Ni hindi ko na alam kong ano ng nangyari sa kanya, sa kanila ni Zielle.

Maybe they're busy now preparing for their wedding or maybe... they are now already married?

Binura ko na din ang mga messages at number niya sa phone ko pero ang mga pictures ay iniwan ko. Hindi pa ako handang burahin lahat dahil yon nalang ang tanging alaala namin na masaya at magkasama.

Ilang buwan na din matapos akong pumayag na dalhin ako ng nanay ko dito sa Korea kasama si grandma at Aria. It was supposed to be at States but my sister likes here, lalo pa't dito siya ipinanganak at tumira din sila dito noong nabubuhay pa ang Daddy niya.

Dito na din ako nag college. At first, my mother don't wanted my grandma to come with us pero dahil yon ang naging kondisyon ko para sumama ay napapayag siya. Hindi ko naman pwedeng iwan si grandma sa Pilipinas dahil wala na siyang makakasama at walang mag-aalaga sa kanya.

Sa totoo lang ay labag sa loob kong sumama rito pero naisip ko din na baka ito lang ang paraan para maging maayos ang relasyon nila grandma at ng nanay ko at siguro... pati na din ako? Gusto ko din makasama ang kapatid ko. Sa tingin ko din kasi malulungkot lang si grandma sa dating bahay namin dahil nandoon ang lahat ng alaala ni grandpa.

Hindi namin binenta ang bahay at ipinagbilin namin ito sa isang caretaker. Pati ang mga negosyo namin doon na flower shop at beach and resort ay ipinagkatiwala din namin sa mga mapagkakatiwalaan na tauhan namin.

Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga at mapahawak sa pendant ng suot kong kwintas. Totoo nga talaga ang sinabi ni Sam na kapag makakakita ako ng moon ay siya ang maiisip ko. He's too far just like the moon but I keep on admiring him just like how the people admire the moon during the night. During the day, siya naman ang araw ko na nagsisilbing pag-asa. Na hindi dapat sumuko sa kahit ano pang pagsubok ang dumating.

Kailan kaya kami hahayaan ng tadhana na magtagpo ulit? kamusta na kaya siya?

I was still hoping that I'll meet him again kahit sulyap lang okay na sa akin. But for now, all I can do is to look at our pictures together everytime I miss him and pray for his safety everyday. I was hoping that if he's feeling down, he would just look up at the night sky and remember that someone out there, me... is secretly praying for him.

Dumaan pa ang maraming mga araw na unti unti na akong nagiging masaya ulit kahit papaano dahil nagkakaroon na kami ng time nila grandma, Aria, at ng nanay ko na mag-bonding. I think this is a good start for us. May mga araw na pumapayag siyang makasama kami kahit saan gumala pero hindi pa din maiwasan na maging busy siya sa work pero madalas na siyang mag work from home para makapagpahinga siya sa bahay.

Nakikita ko na siyang ngumiti paminsan minsan lalo na kapag nakatingin siya sa amin ng kapatid ko na nagkukulitan. She's a cold person but I know she's trying to be a good mother little by little to me and Aria. Hindi ko man aminin ay unti unti ko na din hinahayaan ang sarili ko na maging malapit sa kanya. Siguro panahon na din para bigyan ko ng pagkakataon na bumawi siya sa mga pagkukulang niya bilang ina sa akin at kay Aria.

He's Iglesia I'm Catholic (Bestfriend Series #2)Where stories live. Discover now