Chapter 19

61 4 0
                                    

Aria and I did enjoy the games. Kita ko kong paano siya ngumiti at tumawa habang sumasali kami sa mga activities o palaro. Nakakagaan lang sa pakiramdam dahil nagkaroon ako ng oras na maka bonding siya.

We also won a prize ng manalo kami sa isang laro, it's a black and white tumbler. Ng matapos ang event ay agad ko ng tinawagan si manong Phabian para sunduin kami dahil sinabi ko kay Aria na ako ang maghahatid sa kanya sa bahay nila. Sila Shantal at Cielo naman na kapatid niya ay nauna ng umuwi dahil may pupuntahan pa daw.

Pansin ko pa na ang tahimik niya ng makasakay na kami sa kotse. Nasa backseat kaming dalawa at nakatingin lang siya sa labas ng bintana na parang ang lalim ng iniisip. Hindi ko maiwasang ma curious pero pinili ko nalang na manahimik at hayaan siya. Maybe she's just enjoying the view outside the window?

Tinext ko naman muna si Jaxson na medyo mali-late ako ng dating sa practice namin ng band dahil kailangan ko pang ihatid si Aria at nag reply naman siya na okay lang at hihintayin nila ako.  Ng makarating kami sa tapat ng mansyon ay nauna akong bumaba at hinintay si Aria na bumaba. Napakunot ang noo ko ng hindi siya bumaba kaya pumasok ako ulit sa loob.

"Aria, we're here." sabi ko pero umiling lang siya.

"I don't want to go home yet, Mom is on a business trip. I felt alone inside my room." sabi niya kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot para sa kanya.

"Is she always on a business trip?" tanong ko at tumango naman siya.

Kong palaging busy ang nanay namin ay palagi talaga siyang naiiwan dahil may pasok siya at ang kasama lang niya ay mga maids. I can't imagine how boring and suffocating her life is dahil halata naman na hindi din siya pala kaibigan tulad ko at malamang hindi din niya masyadong kinakausap ang maids nila base sa nakita kong pakikitungo niya sa mga kaklase niya kanina. Nagsasalita lang siya kapag tinatanong o kinakausap.

Napabuntong hininga nalang ako at tumango.

"Do you want to come with me?" tanong ko at agad din naman siyang tumango at tumingin na ulit sa labas ng bintana.

Pinaandar na ulit ni manong Phabian ang kotse. Naisipan kong dalhin nalang muna siya sa band practice para kahit papaano, mag-enjoy siya saglit. Ng makarating kami sa bahay nila Zeddie ay nauna akong bumaba at pinagbuksan siya ng pinto. Sinabi ko naman kay manong Phabian na hindi na niya ako kailangan pang sunduin mamaya dahil magta-taxi nalang ako para hindi na siya ma hassle pa dahil mukhang pagod siya at walang tulog dahil siguro sa sideline niya.

Sabay kaming pumasok ni Aria ng gate at naglakad papasok ng bahay nila Zeddie. Tahimik lang siya at panay ang kakatingin sa mga nasa loob, she's observing the house. Ng makarating kami sa music room ay agad kong binuksan ang pinto at rinig ko kaagad ang ingay ng mga instruments sa loob na pinapatugtog nila. Pinauna ko naman si Aria na pumasok bago ako sumunod at isinara ng tuluyan ang pinto.

Napalingon lahat ng mga kasama ko sa amin at itinigil ang pagpapatugtog ng instruments ng makita nila kami ng kapatid ko.

"He's here." sabi ni Aria kaya napalingon ako sa kanya, she was now looking at Sam.

Napaiwas ako ng tingin ng magtagpo ang tingin namin ni Sam. Hinawakan ko ang kamay ni Aria at iginiya siya papunta sa couch at pinaupo, lumapit naman si Jaxson sa amin. He look at Aria for seconds and then me. He already know about Aria because I told him.

"Hi." bati ni Jaxson kay Aria pero ngumiti lang ito ng tipid.

"Isinama ko muna para mag-enjoy siya." sabi ko at tumango naman si Jaxson, ngumiti pa siya ng bahagya bago bumalik na ulit sa mga kasama namin.

"Will you be okay here?" tanong ko kay Aria at tanging tango lang ang isinagot niya.

Tuluyan na akong lumapit sa mga ka bandmates ko at umupo sa isang high chair sa gitna katabi si Jaxson na nasa gilid ko at nakaupo din sa isa pang high chair. We then started the practice as the instruments played again. Jaxson and I had a duet, it was a song by IV of Spades entitled Mundo.

He's Iglesia I'm Catholic (Bestfriend Series #2)Where stories live. Discover now