Chapter 16

30 5 0
                                    

"Mahilig naman pala mang-reto yang pinsan mong impakta, beshywap." sabi sa akin ni Shantal kaya napailing nalang ako.

Nandito kami ngayon sa buhanginan nakaupo medyo malayo kila Jaxson at sa mga kaibigan niya. Abala sila sa pagluluto para sa hapunan namin at hindi na nila kami pinatulong mga babae at sila na ang nagprisintang lima na magluluto.

Sila Jerld at Cheska naman ay kasalukuyang lumalangoy ngayon sa dagat kahit gabi na. Kitang kita namin silang dalawa na masayang nagwiwisikan ng tubig. Hindi naman sobrang madilim dahil may mga lights naman sa iba't ibang sulok ng isla at maliwanag din ang buwan.

"Beshywap, maligo din kaya tayo?" sabi niya pero umiling lang ulit ako.

"Bukas nalang, malamig na ang tubig. Pero kong gusto mong maligo sige lang, dito lang ako papanoorin kita." sabi ko pero agad din siyang umiling.

"Huwag na, bukas nalang din ako magtatampisaw sa dagat. Gusto kong kasama ka." sabi niya at isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

Tahimik lang kami ng maisipan kong magtanong.

"How are you Shan? " tanong ko at mukhang nagulat pa siya ng bahagya dahil inalis niya ang pagkakasandal ng ulo niya sa balikat ko pero kalaunan ay ibinalik din.

"Okay naman ako, beshywap."

"How about your heart? " tanong ko ulit pero ngumiti lang siya at alam kong pilit yon.

"Eto lumalaban at nagpapakatatag pa din. Isang taon na ang nakakaraan pero nahihirapan pa din akong kalimutan siya." sabi niya at alam ko na ang tinutukoy niya ay si Clint.

Isang taon na ang nakalipas simula ng mawala siya. I know it's hard for Shantal but she keeps on making herself stronger despite of all the problems that she have. Alam ko naman na kahit hindi sabihin ng mga kaibigan ko sa akin ay may problema din sila at hindi lang ako ang meron. Kaya anong karapatan ko para sumuko sa mga hamon ng buhay kong mismo mga kaibigan ko patuloy lang na lumalaban? I have to be strong too in any hard situations or struggles that will challenge my life.

"Shan, alam kong mahirap pero isipin mo nalang na masaya na siya at kailangan mo na din sumaya dahil sigurado ako gusto ka niyang sumaya kahit wala na siya. " sabi ko pero hindi na siya umimik pa.

"How's your family?" tanong ko pero umiling lang siya.

"Ikaw nga ang dapat tanungin ko niyan eh. Kamusta na ang relasyon mo sa parents mo? may closure na ba o nahihirapan ka pa din?"

I sigh before averting my gaze. Alam kong ayaw niyang sabihin sa akin o ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa sitwasyon ng pamilya niya kaya iniba niya at ako ang tinanong pabalik.

"I'm still adjusting." I said.

"Nakakalungkot ano? kapag tinitignan natin ang mga magulang natin at napapaisip na mahal na mahal natin sila kahit gusto natin magalit sa kanila, pero hindi nila alam ang mga pinagdadaanan natin. Gusto natin sabihin sa kanila kong anong nangyayari sa buhay natin pero hindi natin magawa dahil alam natin na hindi naman nila maiintindihan dahil hindi sila ang nasa katayuan natin."

Nanatili akong tahimik dahil sa sinabi ni Shantal. Tama siya at hindi ko magawang tumutol dahil kahit ako, yon din ang naiisip at nararamdaman ko. I badly wanted to tell my parents of what I feel but I can't because I know they won't understand me. Ni hindi nga sila magkasundo at magkaintindihan para sa akin kaya posible din na hindi nila ako maiintindihan.

Minsan nga napapaisip ako na ang swerte ng iba dahil kasundo nila ang mga magulang nila at kong may problema sila may mapagsasabihan sila at may handang dumamay sa kanila. I also wanted to tell my grandparents but I can't, I just can't because I don't wanted them to get worried. Sobra sobrang sakripisyo na ang nagawa nila para sa akin at ayaw ko ng dagdagan pa dahil lang sa mga personal kong problema.

He's Iglesia I'm Catholic (Bestfriend Series #2)Where stories live. Discover now