Chapter 15

44 5 0
                                    

Dumating ang araw ng alis namin para mag camping sa isla at sinigurado ko muna na kumpleto na lahat ng gamit na dadalhin ko bago ako umalis. Tinawagan ko na din si Shantal at tinanong kong gusto niyang sumama pero busy daw siya at hindi makakapunta.

Ng masigurado kong okay na ang lahat ay tuluyan ko ng isinukbit sa balikat ko ang bag ko at lumabas ng kwarto ko. Pumunta ako sa terrace ng bahay namin dahil nandoon si grandma at nagpapahangin. Kailangan ko munang magpaalam sa kanya na aalis na ako.

"Grandma." tawag ko sa kanya ng makarating ako sa terrace at agad naman siyang lumingon sa akin.

"Bakit apo?" tanong niya at ngumiti.

"Aalis na po ako." sabi ko at tumango naman siya at ibinuka ang dalawang kamay niya para lumapit ako sa kanya at yumakap.

Agad naman akong lumapit sa kanya at niyakap siya.

"Mag-iingat ka, apo." sabi niya at tumango naman ako at agad ng kumalas sa pagkakayakap sa kanya.

"Nadala mo na ba lahat ng gamit na kailangan mo?" tanong niya at tumango ako ulit.

"Oh siya sige na, naghihintay na ang mga sundo mo sa labas." napakunot ang noo ko sa sinabi ni grandma.

"Po?" tanong ko at napalingon sa labas ng sliding window.

Kitang kita ko ang limang kotse na nakaparada sa labas ng bahay namin. Hindi ko maiwasang magulat ng bahagya. Bakit ang daming kotse?

There's a white Acura, blue Ford ranger, red Range Rover, brown Ferrari and lastly is the black Lamborghini.

"Sige na apo puntahan mo na ang mga sundo mo." sabi ni grandma at tuluyan na akong nagpaalam ulit sa kanya at naglakad na pababa at palabas ng bahay.

Ng tuluyan akong makalabas ng gate ay sakto naman na bumaba na ang mga sundo ko sa mga kotse nila. Walang iba kundi silang lima.

The Acura is owned by Sam, Ford ranger ay kay Zeddie, Range Rover kay Arson, Ferrari ay kay Alexis and lastly is Jaxson's Lamborghini. Porma na porma sila at kong titignan mo ay talagang handa na mag camping. Mukha silang mga modelo dahil sa suot nilang mga beach shirts at shorts, with matching sunglasses pa.

"Hi princess!" sabay sabay na bati nila Alexis, Arson at Zeddie sa akin at ngumiti naman ako.

Naiilang ako sa pagtawag nila sa akin ng princess. I'm not used to it.

"Janica nalang." sabi ko at sabay sabay naman silang tumango.

Agad na lumapit sa akin si Jaxson at kinuha ang bag ko at siya na ang nagdala.

"Are you ready?" tanong niya at tumango naman ako.

Inilagay niya kaagad sa compartment ang bag ko at pagkatapos ay agad siyang lumingon sa akin.

"Sam." tinawag niya si Sam na ngayon ay nakasandal sa kotse nito, the white Acura.

"Ikaw na ang bahala sa kapatid ko." sabi niya kaya napakunot ang noo ko at hindi maiwasang maguluhan.

Lumingon ako kay Jaxson ulit at binigyan siya ng nagtatanong na tingin. Mukhang naintindihan naman niya.

"Mauna na kayo ni Sam sa isla, may bibilhin at susunduin lang kami." sabi niya at wala akong nagawa kundi ang mapatango.

Agad na akong naglakad palapit sa kotse ni Sam at agad naman niya akong pinagbuksan ng pinto ng kotse niya. Ng tuluyan ng pinaandar ni Sam ang kotse niya ay tahimik lang kami sa byahe. Napapalingon naman ako sa kanya minsan at alam kong napapansin niya dahil lumilingon din siya sa akin kaya hindi na ako kailan pa na lumingon sa kanya ulit at pinili nalang na tumingin sa labas ng bintana.

He's Iglesia I'm Catholic (Bestfriend Series #2)Where stories live. Discover now