Chapter 29

36 1 0
                                    

Ng dumating ang umaga at tumigil na ang malakas na ulan ay ipinasara ko muna ang resort at hindi tumigil ang mga rescuers sa paghahanap kay grandpa. Nag absent ako sa school para lang manatili sa resort at tumulong sa paghahanap habang si grandma at Aria naman ay ipinagpahinga at pinasamahan ko sa isang tauhan namin sa hotel na nireserve para sa amin dahil hindi kami umuwi ng bahay.

Tumulong na din ang parents ko pero hindi ko magawang magpasalamat. Panay pa ang bangayan nila pero hindi ko nalang pinansin dahil tutok ako sa paghahanap kay grandpa. I know that they wanted to help but it's making me uncomfortable, ni hindi nga sila magkasundo kahit ngayon lang.

Ang ipinagpapasalamat ko lang ay nandito ang mga Tito ko para din maghanap kasama ang mga rescuers. Umuwi talaga sila dahil sa nangyari. Nagpapasalamat din ako sa presensya ni Sam dahil pinuntahan niya talaga ako matapos niyang malaman ang nangyari. Kasama ko siya ngayon dito sa dalampasigan habang hinihintay na bumalik ang mga rescuers kasama ang parents at mga tito ko sa paghahanap kay grandpa.

It was so cold but I didn't mind it dahil ang gusto ko lang ay mahanap si grandpa. Hindi din ako kumain dahil wala akong gana. Napaupo ako sa buhangin habang nakatingin lang sa malawak na karagatan at ganoon din ang ginawa ni Sam. It's already six in the morning but there's no sun. Makulimlim lang ang kalangitan at malamig ang simoy ng hangin.

Kanina lang ay iyak ako ng iyak habang yakap ni Sam at ngayon naman ay hindi ko na siya kinikibo. Mukhang naiintindihan naman niya kaya nanatili nalang din siyang tahimik.

Napalingon ako sa kanya ng bigla niyang hubarin ang jacket na suot niya at ipinasuot ito sa akin. He then kiss me on my forehead and let me lean on his shoulder so I can't help but to close my eyes. His presence is really giving me comfort.

"Gusto mong kumain?" nagsalita na din siya matapos ang ilang oras na katahimikan namin.

Umiling lang ako at hindi na nagsalita pa. Pagod na pagod ako at gusto ko ng magpahinga pero hindi pwede hanggang sa hindi pa nakikita si grandpa, gusto kong gising ako kapag nakita na siya.

Biglang hinawakan ni Sam ang mata kong nakapikit at naramdaman kong pinahid niya iyon at ngayon ko lang napagtanto na umiiyak na naman ako... ng tahimik.

"Please... don't be that too hard on yourself, Elish." bigla niyang sabi pero pinanatili ko pa din na nakapikit ang mga mata ko at nakatikom ang bibig ko.

I never wanted to cry in front of anyone because it makes me feel weak dahil nga sanay akong malamig palagi ang palikitungo sa iba, sanay akong matapang ang tingin nila sa akin kahit sobrang bigat na sa loob but to Sam... I am always allowed to be everything I wanted to be. I can be weak whenever I wanted to at natatakot ako dahil habang tumatagal ay nagiging mas komportable ako kapag kasama ko siya. The comfort that I was feeling when I'm with him na hindi ko naramdaman sa ibang tao at sa kanya lang.

I wanted to tell him that I'm tired but I can't. Ang nasa isip ko lang ngayon ay si grandpa ko. He must be so cold right now and we didn't know where he is. Baka naanod ang katawan niya sa malayo. Gusto kong isipin na okay lang siya at buhay pa siya pero pinanghihinaan na ako ng loob lalo pa't hanggang ngayon ay hindi pa din siya mahanap.

Sabay kaming napatayo ni Sam ng maaninag namin mula sa malayo na pabalik na ang mga rescuers kasama ang parents ko at mga tito ko. Kumabog ng malakas ang dibdib ko at hindi na mapakali sa kinatatayuan ko. Mabuti nalang nandito si Sam nakahawak sa akin dahil pakiramdam ko anumang oras ay tutumba ako.

Naunang bumaba ang parents ko na may malungkot na mga mukha at sumunod naman ang mga rescuers. Napatakip nalang ako sa bibig ko at tuluyan ng napaupo ng makita kong may binubuhat silang tao at natatakpan ito ng tela.

He's Iglesia I'm Catholic (Bestfriend Series #2)Where stories live. Discover now