Chapter 11

47 3 0
                                    

I was in a good mood when I went to school the next day. Nakakagaan lang sa pakiramdam dahil binigyan ako ni Sam ng libro na may pirma ng favorite wattpad author ko. Simple man kong isipin ng iba ay napakalaking bagay na yon sa akin, napakalaking bagay na kapag may taong nag effort para sa akin at mismong tao na hindi ko pa kaano-ano.

Ni hindi nga kami magkaibigan pero ang bait niya sa akin. Naririnig ko ang pangalan niya sa classroom minsan na pinag-uusapan ng mga kaklase ko. I even also heard from my schoolmates that he's so friendly kaya daw nakaka fall. Halos ang mga naririnig ko ay tungkol kay Jaxson at sa mga kaibigan niya, lalong lalo na si Sam.

They are really famous then and until now. Halos lahat ng babae dito sa school ay sila ang pinapantasyahan. Kong noon ay creepy at weird ang tingin ko kay Sam dahil palagi siyang nakangiti at lumalapit sa akin, ngayon naman ay hindi na. I'm aware now that he's just like that because he's friendly and it's normal for him.

"Mukhang good mood ang bestfriend ko ngayon ah!" sabi pa ni Shantal habang nakatingin sa akin.

Nandito kami sa math park ngayon at kakatapos lang namin mag lunch. Nagbabasa ako ng libro na bigay sa akin ni Sam at siya naman ay abala sa cellphone niya.

"Palagi naman." sagot ko habang patuloy lang sa pagbabasa.

"Weh? palagi ba talaga? baka palaging nakasimangot at seryoso." sabi niya pero umiling lang ako.

I focused myself on reading bago matapos ang lunch break.

"Video call daw tayo mamaya after class sabi ni Solana!" excited niyang sabi at tumango naman ako.

Matagal na din simula noong doon na nag-aral si Solana sa Canada. Minsan nalang din namin siya nakakausap dahil pareho kaming busy sa mga pag-aaral at personal naming buhay. Si Amari naman ay ganoon din. Wala na kaming balita pa sa kanya dahil hindi siya palaging active sa social medias niya na lahat ay naka private.

"Mauuna na ako." sabi ko kay Shantal kahit hindi pa naman tumunog ang bell.

Agad naman siyang lumingon sa akin.

"Ang aga pa, dito ka muna." sabi niya at tumingin ulit sa cellphone niya at nagtipa.

"May gagawin pa ako." sabi ko kahit wala naman talaga, gusto ko lang pumunta na sa classroom at mag nap.

"Okay, ingat." sabi niya habang abala pa din sa cellphone niya at agad naman akong nag bye at tuluyan ng umalis.

Ng makarating ako sa building namin kamuntikan pa akong mabangga ng isang lalaki na nagmamadaling umalis. Namukhaan ko siya at walang iba kundi si Arson. Hinahabol siya ng dalawang babae na sa tingin ko ay napag-tripan na naman niya. The playboy, he's indeed a playboy.

Lahat nalang yata ng babae sa campus ay iniisa- isa niya. He's a walking red flag because after he will use girls for his own pleasure, he'll immediately dump them like a trash.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad sa corridor. Napatigil pa ako dahil natanggal ang liston ng sapatos ko, dapat kasi nag school shoes nalang ako. Ng akmang uupo na sana ako ng bahagya para ayusin ang liston ng sapatos ko ay napatigil ako dahil biglang may sumulpot at siya ang kusang nag-ayos ng liston ko.

"Sam?" gulat kong tanong sa mahinang boses.

Bahagya siyang tumingala habang abala pa din ang kamay niya sa pag-aayos ng liston ng sapatos ko.

"Hi, Elish." bati niya sa akin at ngumiti.

Ng matapos niyang ayusin ang liston ng sapatos ko ay agad na siyang tumayo.

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya.

"Nag-iikot ikot lang." sabi niya at nakapamulsang lumingon sa likuran ko.

He's Iglesia I'm Catholic (Bestfriend Series #2)Where stories live. Discover now