Chapter 18

50 5 0
                                    

When night came and we finished eating, agad kaming nagtampisaw ni Shantal sa dagat dahil nag-aya siyang maligo. Panay lang kami tawanan dahil kong ano ano nalang ang sinasabi niya na nakakatawa at ng mapagod ay agad na din kaming umahon. I immediately went for a walk again. Nakakagaan sa pakiramdam ang katahimikan sa paligid pag gabi.

After what happened earlier, Sam did apologize by what he did, he kissed me for pete's sake! pero sinabi ko naman sa kanya na okay lang dahil alam kong nadala lang din siguro siya ng emosyon niya. It wasn't even that so big deal for me, mas magiging big deal yon kapag sa labi niya ako hinalikan. Wala pa akong first kiss sa labi dahil naka reserve ito sa lalaking dadalhin ako sa altar hindi sa lalaking mga naging boyfriend ko palang.

Ngayong gabi ay sa tent kami ni Jaxson matutulog ni Shantal dahil napakiusapan niya si Jaxson at napapayag. Ayaw niya daw kasing matulog sa nipa hut dahil naiirita siya kay Jerld, nagkasagutan lang naman sila kanina ng pumasok ako sa nipa hut dahil sa unan at dahil sa nangyari sa junior high na pag-aaway nila noong nandito pa si Solana na naungkat na naman. They really hate each other, ewan ko ba kong bakit hindi nalang sila magbati at hindi napapagod sa kaka-away.

Ng bumalik ako sa mga kasama ko matapos kong maglakad lakad ay naabutan ko silang nakapalibot na naman sa bonfire na ginawa nila ngayong gabi, nagja-jamming sila. Si Jaxson ang kumakanta at si Sam naman ang abala sa pag strum ng guitar. Medyo nailang pa ako ng lumingon sila sa akin kaya agad akong tumabi kay Shantal na lasing na ngayon.

Lasing na din ang iba gaya ni Jerld na panay ang sayaw at inaawat ni Cheska. Si Alexis naman ay may pinag-uusapan sila ni Zeddie habang tawa ng tawa na halatang mga lasing na din at si Jaxson at Arson naman ay abala lang sa pag tungga ng alak at nakatingin lang sa bonfire na parang ang lalim ng mga iniisip.

"Beshywap, antok na si me. Grabe dami kong nainom pero dipako lasheng ha! kala mo." biglang sabi ni Shantal at ngumiti pa ng pagkalawak-lawak. Mukhang proud pa siya na hindi daw siya lasing sa lagay niyang yan.

"Shan, hatid na kita sa tent, lasing ka na." sabi ko pero mabilis siyang umiling at tinungga ulit ang bote ng alak na hawak niya kaya napailing nalang ako.

Agad kong inagaw sa kanya ang bote pero nagmatigas siya. Bigla nalang siyang tumayo at nagulat nalang ako ng bigla niyang ihinagis ang bote papunta kay Zeddie, buti nalang hindi siya natamaan. Kita kong napahinto silang dalawa ni Alexis sa pag-uusap at gulat na napalingon kay Shantal.

"Nakakainish! la ng laman!" sabi niya at nakita ko pang napakunot ang noo ni Zeddie kaya agad na akong tumayo at inalalayan na si Shantal papunta sa tent ni Jaxson dahil baka kong ano na namang gawin niya.

Ng makapasok kami sa tent ni Jaxson ay agad ko siyang ipinahiga at kinumutan. She keeps on murmuring and I even don't understand what she saying. Bigla niyang tinanggal ang kumot na itinakip ko sa kanya kaya napabuntong hininga nalang ako at kinumutan ulit siya pero panay ang alis niya dito.

"Mainit!" reklamo niya kaya napabuntong hininga ulit ako.

"Shan, it's cold." sabi ko pero wala na akong nagawa kundi ang sumuko dahil panay ang alis niya ng kumot.

Pinili ko nalang na tabihan siya at tinapik tapik ang braso niya para tuluyan siyang makatulog. Ang hirap talaga mag-alaga ng kaibigan na lasing dahil sobrang likot.

"Beshywap." bigla niya akong tinawag habang nakapikit kaya agad kong itinapat ang tenga ko sa bibig niya.

"I'm here, Shan." sabi ko at hinintay ang sasabihin niya.

"Di ko sha gushto, inish ako sha kanya." sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

"Sino?" tanong ko pero hindi na niya ako sinagot dahil tuluyan na nga siyang nakatulog at humihilik pa.

He's Iglesia I'm Catholic (Bestfriend Series #2)Where stories live. Discover now