Chapter 22

54 5 0
                                    

The next day, it was a hard day for me. Nagdadalawang isip akong pumasok ng school dahil takot ako sa posibleng mga mangyayari pero kinailangan kong pumunta dahil malapit na ang first sem exam at hindi dapat ako mag absent.

Sa huli ay napagdesisyunan ko na pumasok nalang. Sa ilang araw na driving lessons ko ay sa wakas magagamit ko na din ang kotse ko papuntang school pero dapat ay may doble pa din akong pag-iingat.

Nalaman ko din na nahanapan ng paraan ng mga Zigfred lalo na ng ama ko na lusutan at panatilihing sikreto ang pagkatao ko kaya kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. They use all of their transactions to make me safe including their family's reputation. I'm also sure that my mother's side, the Monreal's, are also using their connections until now to hide my identity, sigurado din akong naghihintay lang ng tamang pagkakataon ang nanay ko para maipadala na niya ako sa ibang bansa.

Pero may isa pang problema, hindi nga lumabas o na broadcast sa buong pilipinas o buong mundo pero na broadcast naman sa school namin. I don't know how it happened pero malakas daw ang kutob ni Jaxson na isa sa mga schoolmates o classmates namin ang naka attend sa birthday party at posibleng siya o sila din ang nagpakalat nito sa loob ng Zigfred University. Ginagawan na ng paraan nila Jaxson at ng mga kaibigan niya ngayon para ipahanap o mahanap ang mga posibleng nagpakalat ng balita tungkol sa akin.

Pagkarating ko sa school ay agad kong ipinarada ang kotse ko sa parking lot at huminga ng malalim. Napalingon naman ako sa cellphone ko na nasa dashboard ng nag vibrate ito. Tumatawag si Jaxson kaya agad kong sinagot.

"Hello?"

[Good morning, where are you? ]

"Good morning, nandito na ako sa school." sabi ko at isinukbit na ang bag ko sa balikat ko.

[Turn on your location everyday so that I can locate you wherever you are.] sabi niya at pinatay na ang tawag.

Ginawa ko naman ang sinabi niya bago tuluyang bumaba ng kotse ko. Walang masyadong tao sa parking lot kaya kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag pero dala dala ko pa din ang kaba dahil paniguradong mamaya ay marami ng estudyante akong makikita.

Naglalakad pa lang ako papunta sa building ng HUMSS ay hindi ko na maiwasang kabahan dahil dumadami na ang mga estudyante na palakad lakad at pansin ko na ang iba ay napapatingin sa akin. I'm sure that they already watch the news on tv.

Naglalakad ako na ang tinitignan ko lang ay ang dinadaanan ko pero napatigil ako ng may humarang sa daraanan ko. It was a random girl and I even didn't know her. Hindi din siya isa sa mga classmates ko. She's beautiful and tall. Kasama niya ang dalawa pang babae na mukhang mga kaibigan niya at hindi ko din kilala. Base on their ID, they're STEM students.

"So, you're also a Zigfred huh?" the girl in the middle who blocked my way said.

"Yon nga lang anak sa labas, what a shame." sabi ng isa pa at sabay silang tatlo na tumawa.

Damn it, ayaw kong mapa-away. Sinubukan kong dumaan sa gilid para sana magpatuloy na sa paglalakad pero hindi nila ako tinantanan at hinawakan ang isang braso ko kaya napaharap ako pabalik sa kanila. May ilang estudyante ng nakatingin sa amin ngayon. Just like these three girls in front of me, I know they're also judging me base on how they look at me.

"Leave me alone." sabi ko pero hindi niya binitawan ang braso ko kaya napilitan akong tanggalin ang kamay niya at agad ng tumalikod pero nagulat nalang ako ng bigla niyang hinila ang buhok ko.

"I'm still talking to you! huwag kang bastos! " sigaw niya at hindi ko maiwasang mapa aray dahil sa ginawa niya.

Bago ko pa man siya masabunutan pabalik at pagtulungan nila ako ay natigil sila ng biglang may humablot sa kamay ng babae na sumabunot sa akin at padarag iyon na inalis. Nakita ko si Jaxson na galit na galit na ang expresyon ngayon habang nakatingin sa babae. Nandito na din sila Sam, Alexis, Arson at Zeddie. Nakita ko ang takot sa mukha ng tatlong babae ng makita nila si Jaxson at ang mga kaibigan nito.

He's Iglesia I'm Catholic (Bestfriend Series #2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें