Chapter 6

57 5 0
                                    

First week of class is not that so bad. Mga madali lang na lessons at activities ang binibigay ng mga teachers. When weekends came, napagdesisyunan kong pumunta sa resort namin para tumulong sa mga staffs namin sa pag-aasikaso doon. Isasama ko din si Shantal at Jeon dahil free time naman daw nila at wala silang ginagawa.

Bago ako tuluyang pumunta ng resort namin ay sinigurado ko munang malinis ang bahay. Ipinagluto ko din ng lunch si grandma at pinuntahan siya sa flower shop namin. I can't help but to smile when I finally entered at our flower shop, I saw her busy checking the flowers. She really love flowers so much.

Ayaw ko na nga sana siyang hayaan na mag trabaho dito dahil may mga staffs naman kaming mag-aasikaso kaso gusto niya talaga kaya hinahayaan ko nalang. Ito na din kasi ang nagsisilbing libangan niya. Kapag bored siya sa bahay ay pumupunta siya dito sa flower shop namin para tulungan ang tatlong staffs namin.

Ng makita niya ako ay agad naman siyang ngumiti. Agad akong lumapit sa kanya at nagmano at niyakap siya.

"Apo, akala ko ba pupunta ka sa resort? anong ginagawa mo dito?" she asked when I finally let go of our hug.

"Pumunta lang po ako dito grandma para ibigay sayo to." sabi ko at ipinakita sa kanya ang lunchbox na nakasilid sa paper bag.

"You cook for me?" she asked and I nodded.

"Opo, para po may makain kayo mamaya. Kainin niyo po to ha, huwag po kayong magpapalipas ng gutom." sabi ko at ngumiti naman siya at tumango.

"Thank you, apo." she said and I also smiled at her.

"Hindi po ba kayo sasama sa akin sa resort?" tanong ko pero umiling lang siya.

"I'd love to but I wanted to stay here and help our staffs. Siguro apo ay sa susunod nalang." sabi niya at tumango naman ako.

Nagyakapan ulit kami at sinabihan siyang huwag magpapakapagod. Pati ang mga staffs ay sinabihan ko din na huwag pababayaan si grandma bago ako tuluyang lumabas ng flower shop.

Tuluyan na akong nagpahatid sa driver namin papuntang resort. I was just busy looking outside the window of the car while manong Phabian, my driver, is busy driving.

Biglang nag ring ang phone ko kaya agad ko itong dinampot mula sa loob ng sling bag na dala ko. Tumatawag si Jeon at agad ko namang sinagot.

[Hey beautiful!]

"Hi, why did you call?"

[Uhm... gusto ko lang sana magpaalam sayo. Can I bring Sam and one of my friend at the resort?] he said at mukhang nahihiya pa dahil bakas sa boses niya.

"Yes sure, you can."

[Thank you beautiful! see you!] sabi pa niya bago tuluyang pinatay ang tawag.

Napailing nalang ako at napangiti. Ang kulit niya talaga.

Pagkarating sa resort ay agad na akong bumaba. Nakita ko kaagad ang receptionist namin at agad ko siyang tinanong kong nasaan si grandpa. Sinabi naman niya sa akin kaya agad kong pinuntahan si grandpa. I saw him whose busy looking at the people that are swimming at the sea.

Pansin ko na parang ang lalim ng iniisip niya dahil seryoso ang expresyon ng mukha niya habang nakatingin sa dagat. Agad ko naman siyang inakbayan dahilan kong bakit agad siyang lumingon sa akin. I smiled at him and he smiled back. Agad naman akong nagmano sa kanya.

"Grandpa, ang lalim po yata ng iniisip niyo." sabi ko pero ngumiti lang siya at hinaplos ang buhok ko.

"Don't mind me apo, natutuwa lang akong pagmasdan ang dagat at ang mga naliligo." he said while smiling.

He's Iglesia I'm Catholic (Bestfriend Series #2)Where stories live. Discover now