Janin

160K 4.9K 841
                                    


Janin


Natapos kong ayusin ang mga upuan. Inilagay ko sila sa gilid para malinisan ang sahig. Kailangan kong pakintabin ito, knowing Ms Glam, hindi nya ako palalabasin kung hindi ito kumikinang sa kintab. Huling araw ko na rito, saan kaya ako magtatrabaho sa susunod?


"Sasabihin ko kina Mama na uuwi ka pagkatapos ng OJT mo, Ate."


Naalala ko bigla ang sinabi ni Gio. Ayokong umuwi. Ayokong bumalik sa bahay na 'yon. Para saan pa? Hindi naman nila ako kailangan ngayon. Nasa tabi nila ang totoo nilang anak. Maiintindihan ko pa kung wala ngayon si Gio doon. Nakikita lang nila ako kapag wala ang anak nila.


Mas gusto kong mag-isa...


Dumaan ang buong apat na oras kong paglilinis ng conference room nang di ko namamalayan. Napansin ko nalang na tanghali na nang maramdaman kong nagugutom na ako. Inayos ko ang mop, itinabi ko muna sila sa isang gilid bago lumabas ng silid.


Pagkabukas ko ng pinto, may lalaking nakatayo sa harap. Naka-itim syang cap, puting facemask at itim na uniform. Pinadala kaya sya ni Ms Glam? O baka nandito sya para tignan kung nalilinis ko ngang mabuti ang conference room? Isa ba syang spy?


Nilagpasan ko na sya at dumiretso sa canteen. Pagkarating ko sa canteen, kumuha ako kaagad ng pagkain at umupo sa bakanteng table. Tinabihan naman ako nina Karen at kaagad na kinumusta. Wala naman akong maikwento sa kanila at sanay na sila na tahimik lang ako. Nakinig nalang ako sa kwentuhan nila.


Dumiretso ako sa function room pagkatapos kong kumain. Nagulat ako nang makita ko ang janitor na naglilinis sa loob. Ang kaninang kumikinang na sahig ngayon ay mukhang pinaliguan ng tubig.


"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko.


"Naglilinis."


"Bakit mo binasa ang sahig?"


"H-Hindi ba dapat?"


"Nalinis ko na yan kanina hindi mo ba nakita?"


Hindi sya nakasagot.  Huminga ako nang malalim.


"Sorry, sorry," sabi nya.


Gusto kong mainis pero mapapagod lang ako. Wala na ako magagawa pa. Kailangan nalang namin bilisan. Kumuha ako ng mop at nagsimulang magtrabaho. Aabot kaya kami sa pagtapos nito hanggang mamayang hapon?


"Bago ka lang ba rito?" tanong ko.


"Ah, oo eh. Sorry talaga sa ginawa ko. Akala ko kasi mas mapapabilis eh."


"Bilisan nalang natin maglinis."


"Let's ask for help," aniya. Kinuha nya ang kanyang cellphone sa bulsa nya.

Dear Ex-BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon