STP: Chapter 35

948 19 0
                                    

ISANG LINGGO narin magmula nang mangyare 'yon. Palagi ko paring tinitignan ang cellphone ko dahil baka sakaling kausapin niya ulit ako.

Pero ano pa bang inaasahan ko? Niloko ko siya. I cheated with his twin. Kung ako rin ang nasa posisyon niya ay makikipag-hiwalay rin ako, dahil walng katumbas na rason ang mangaliwa.

Ngunit alam ng d'yos na hindi ko ginusto iyon, pinipilit kong alalahanin ang mga nangyare nung gabing lasing ako. Pero sigurado ako, sigurado ako na si Kavin ang nakasama ko sa bar. Sigurado ako na siya ang kasama ko sasakyan. Pero naiinis ako sa sarili ko dahil isa lang ang hindi ko masigurado, kung may nangyare ba talaga sa'min ng kambal niya.

HUMARAP ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko, mukha akong miserable at walang patutunguan.

***

"Okay lang po ako nay, saka sa ganda ko po bang 'to ay iiyak ako sa lalake?" pilit kong ikinukubli ang totoong nararamdaman ko, ayokong kaawaan nila ako. Ayoko.


"Eri." napapikit ako nang mariin, magmula kanina ay kinukulit ako ni nanay Liza, dahil alam niya raw kung nagsasabi ako ng totoo o hindi.

Tinitigan ko siya sa mga mata, kahit wala pa akong sinasabi ay niyakap niya ako ng mahigpit at hinaplos ang likod ko. "Hindi mo kailangang magpanggap sa'kin Eri, kilala kita. Hindi masamang maging mahina minsan nak, ilabas mo ang lahat sa'kin at makikinig ako." yumakap ako pabalik sakanya at tumingala upang pigilan ang mga luhang nagbabadya sa mga mata ko.

"Nay, naging masama po ba ako?" saad ko habang nakayakap parin sakanya.

"Hindi Eri, napakabait mo. Lumaki ka nang kasama ako. Napakabait mong tao Eri." napangiti ako roon, kung naging mabait naman ako sa lahat, bakit ako ginaganito?

Bakit ako nasasaktan ngayon sa kasalanang hindi ako sigurado kung ginawa ko.

"Pero nanay, ako po ang nakasakit."

"Nanloko po ako." lumandas na ang mga luha sa mata ko nang pakawalan ko ang salitang iyon.

Umiling-iling siya sa balikat ko. "Hindi Eri, alam kong hindi mo magagawa iyan." pero nagawa ko po! niloko ko ang lalakeng mahal ko!

Humiwalay ako sa pagkakayakap sakanya. "Nanay, niloko ko po siya bakit ayaw mo akong paniwalaan?!" nasigawan ko siya dahil sa naguumapaw na emosyon ko.

"Dahil hindi gan'yan ang Eri na pinalaki ko! hinding-hindi mananakit ang alaga ko!" umiling-iling ako sakanya at napahikbi narin.

"Pero bakit siya nanay? H-hinusgahan niya agad ako, n-naniwala agad siya....a-alam ko po sa sarili ko na h-hindi ko siya niloko. M-mahal na mahal ko po yun eh." hagulgol ko sakanya. Buong-buo parin yung sakit, bakit gano'n? kung ako ang nagloko bakit ako ang higit na nasasaktan?

"Nay..." sinugod niya ulit ako ng yakap, nanghihinang yumakap din ako sakanya. "Nanay...p-pano ko po sasabihing h-hindi ko talaga siya n-niloko?....n-nay......pa'no ko po siya pababalikin sa'kin? N-nanay." patuloy ako sa paghagulgol. "Mahal na mahal ko po si Kavin, nanay..." napahigpit ang kapit ko sakanya dahil nanghihina ang buong sistema ko sa sakit na nararamdaman. "Bakit po hindi niya muna ako pinakinggan?.....b-bakit po h-hindi siya sa'kin naniwala?" humihikbing saad ko.


"E-eri ang daddy mo." napabitaw ako sa pagkakayakap sakanya nang sabihin niya 'yon.

"Oh god, my daughter. What happened to you? W-why are you crying?" mas lalo lang akong naging emosyonal nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa'kin.

"D-daddy."

"Anong nangyare Liza!?" sigaw niya kay nanay Liza, hindi ko magawang ilabas sakanya ang nararamdaman ko hindi tulad nang ginawa ko kay nanay.

"T-tungkol sa lalake Rendel." deretsong sabi ni nanay.

"Lalake? sino ang putanginang lalake ang nagpaiyak sa prinsesa ko? sino!?" nanggagalaiting saad niya, nanginig ako bigla sa takot.

"Eri, sino? ano ang pangalan ng lalake na nanakit sa'yo?!"

"Liza, umakyat ka sa kwarto. Kunin mo ang baril ko." nanginig lalo ang buong katawan ko nang marinig iyon. Hindi gumalaw si nanay Liza, alam kong ayaw niya rin ang gagawin ni dad.

"N-no daddy, he didn't hurt me. I'm the one who hurt him." agad na dipensa ko.

"I don't give a damn about it VALERIE! Hindi ka iiyak nang ganyan kung talagang ikaw ang nanakit! Sino ba ang gagong lalake na 'yon!?" alam ko na, na mangyayare 'to, pero higit naman na kaya rin ni Kavin gawin ang binabalak na gawin sakanya ni dad.

"At isa pa, kailan ka pa nakipag-relasyon? Anak bakit hindi ko alam ang tungkol diyan?" naguilty naman agad ako, itinago ko lang naman yon dahil alam kong hahadlangan ni daddy ang relasyon namin.


"I'm just afraid that you might not accept him, he was the first man I loved. That's why I hid it from you daddy, I'm sorry." gumuhit ang galit sa mga mata niya.

"Si Kavin ba Eri?" kalmado na ang boses niya ngunit mariin ang pagkakasabi niyo noon.

Kahit nagaalinlangan ay tumango ako.

Natanaw ko rin si mommy na nasa hagdan at pinagmamasdan ako, nang magtama ang tingin namin ay umiwas lang siya.

"Eri, huwag mong iyakan ang lalakeng yon. Hindi pwede ang relasyon ninyo." iyon ang ayaw kong marinig at iniiwasan kong marinig mula sakanya.

"D-dad, w-why? Aren't you happy that f-finally I had the courage to bring a man into my life?" umiwas siya ng tingin sa'kin na para bang iniiwasan niya na malaman ko kung ano ang totoo.

"Dad, tell me." my voice trembled. "Why can't we have a relationship dad? Please tell me."

"Hindi mo maiintindihan Eri." mariing sagot niya at hindi parin makatingin sa'kin.

"Then make me understand! I'm so clueless daddy..." pumiyok ang boses ko kasabay nang paglandas ng mga luha ko. "Ngayon lang ako nagmahal pero hinahadlangan mo."


"Dahil sa mata ng diyos! sa mata ng batas! kasalanan ang umibig sa kapatid mo!" pakiramdam ko ay tumigil ang pintig ng puso ko.

"Rendel!" sabay na sigaw ni mommy at nanay.

"D-dad, why are you making my pain worse? d-do you really need to....come up with a nonsense reason to stop us?" akala ko ay kapag umuwi ako sa bahay ay mararamdaman ko na may karamay ako, pero nagkamali ako.

"Magkapatid kayo Eri, kapatid mo si Kavin. Kaya parang-awa mo na anak, hindi tamang makipag-relasyon ka sakanya." para nakong mababaliw at paulit-ulit na umiiling nang hinawakan niya ako sa magkabilang braso.

"Let me go dad!" hindi na'ko makagalaw, wala na akong lakas. Sobra akong nanghihina, daig ko pa ang pinapatay sa mga oras na 'to.


"Eri, I'm sorry." para akong lantang gulay na nakakulong sa mga braso niya, natulala na lang ako habang pilit na pinoproseso ang sinabi niyang kapatid ko ang lalakeng minahal ko.

Namanhid na ang mga mata ko, wala nang luha ang gustong kumawala. Pero durog na durog parin ako, hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Patuloy parin akong dinudurog ng isang salitang 'yon.

Seeking The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now