STP: Chapter 38

935 15 0
                                    

TATLONG ARAW narin nang huli kaming mag-kita. Parang kanina lang ang naging pag-uusap namin, hindi ko man aminin pero namimiss ko na ang lahat sakanya.

Sinagot ko ang tawag na mula kanina ay walang tigil ang cellphone ko sa pagba-vibrate. Fuck this, nag-mumuni muni pa ako!

"What!?" inis na sigaw ko, hindi ko tinignan ang name caller bago ko sinagot kaya wala akong ideya kung sino ang kausap ko ngayon. Wala rin naman akong pakealam, nagdadrama pa kasi ako tapos nangiistorbo!

"Oh calm down bitch. Ang init ng ulo mo ha, nabasa mo na ba? Kung ako rin yan iinit ang ulo ko." napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Pinagsasabi mo ba?" nakataas ang isang kilay ko kahit hindi naman niya nakikita.

"Oh, clueless much." humagalpak pa siya ng tawa kaya inis ng pinatay ko ang tawag, siraulong Lyxen na iyon!

Nag-ring nanaman ang cellphone ko at siya ulit ang tumatawag kaya inis na dinecline ko iyon. Apat na beses siyang tumawag hanggang sa sinagot ko na lang.

"Kung sisirain mo lang ang araw ko Lyxen, pweden bang kay Lendon na lang ang sirain mo!?" singhal ko sakanya, tumataas ang alta presyon ko!

"Bakit ba ang init init ng ulo mo bitch, inaano ka ba?" naiimagine na ng utak ko ang mukha niya ngayon, kung kaharap ko lang yon ay masama na ang tingin sa'kin at iniirapan na ako.

"Kase sa lahat ng pwedeng tumawag sa'kin, ikaw pa ang nauna."

"Fuck you! Sasabihin ko lang naman na sikat ngayon ang ex mo!" umirap na lang ako, sikat naman talaga si Kavin.

"So?The hell I care, bitch." ganti ko sakanya.

"He's trending now because of his ex. His fucking ultra mega super duper pinaka sikat na ex. The ultra mega super sikat na actress! Base on the news bitch, they are already dating each other again! May kumakalat na photos nila sa social media, and the worse is, magkayakap sila!" biglang nanikip ang dibdib ko kaya pinatay ko agad ang tawag at inoff ang cellphone ko.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko at napainom ng tubig.

He deserves to be happy, but why the fuck am I even feeling this shit?

Tahimik akong umupo sa kama at dinampot ulit ang cellphone ko, tinurn-on ko iyon at hinintay na magbukas.

Hindi ko maintindihan kung bakit bigla nalang nanginig ang mga kamay ko habang nakatitig sa litrato nila Kavin. Nagsibagsakan ang mga luha ko na kaagad ko namang pinahid. Tangina!

BREAKING NEWS! JUST IN!

The most famous actress Keila Mirandez and the CEO of the Devrian Company, Kavin Devrian, were photographed in a private place while hugging each other. It will be remembered that they had a relationship before, is it possible for them to be together again now?

Hindi ko alam kung ano pang pumasok sa utak ko at binasa ko pa ang mga comments ng ibang tao patungkol don.

...

(Huy di ba may shota pa yung ceo?)

(Huy parang I know na may new gf na yung ceo e, anyare? Haist poor girl)

(Kaya nga, pero look at them! mas bagay sila ni Ms.Keila)

(Ship ko talaga sila, sana i-todo na nila! wag silang paasa!!! hays kinikilig tuloy ako sakanila)

(Sabi na e, temporary lang yung new girl. Sila talaga ni Keila!)

(Di naman bagay sa isang ceo ang teacher LANG! mas bagay sila ni hotty Keila!! yieee shippy!"

Imbis na maiyak ako ay umirap na lang ako sa huling comment na nakita ko, ano naman kung teacher ako? At minaliit niya 'yon?! LANG!? Hindi ko palalampasin iyon dahil matatanggap ko pa ang pangiinsulto nila sa'kin pero hindi ang propesyon ko.

...

(You all have no right to insult me, but I just let you. But seeing that my profession is being insulted, bitch, that's out of the issue.)

Kaagad naman ay dinagsa ng mga tao ang naging reply ko. Tumaas lalo ang alta presyon ko nang magreply parin iyong babae.

(Totoo naman, dapat kasi teacher ka lang nilugar mo sarili mo. Ikaw tuloy nasasaktan ngayon, tignan mo kami tahimik yung buhay kasi di nakikisawsaw sa mga taong angat sa buhay, hanap kana lang sugar daddy ghorl!)

Ang gagang 'to, anong tingin mo sa'kin walang pera? Baka kapag ipinahanap kita sampalin pa kita ng pera, kaso hindi ko hahayaang madikitan ng mga papel na pera ko ang mukha mo. Barya ang isasampal ko sa'yo pag nakita kita.

(My life is far from your useless life, in fact I can feed your whole clan. Ano g ka ba?) natawa na lang ako sa inireply ko sakanya. Itinaob ko na lang ang cellphone ko at tumungo sa banyo.

----

"Trending ka bitch! bakit mo pa kasi pinatulan yon ha? Kailan ka pa pumatol sa hindi mo ka-level VALERIE?" akala mo nanay kung sermunan ako.

"Uhm kanina lang." sarkastikong sagot ko. Napangiwi ako nang batukan niya ako at halos masubsob ang mukha ako sa mesa.

"Bakit ka nananakit!?!" pinanlisikan ko siya ng mata at tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Ikaw pa tuloy yung napasama, look at them now! pinagpipyestahan ka, ikaw pa tuloy ang napasama." nangigil na saad niya na tila ba hindi pa kuntento sa pambabatok sa'kin at gusto pa akong sabunutan.

"You know me Lyx." sumeryoso ako. "They can insult me, but not my proffession. They crossed the line, not me." nagkibit balikat ako at ininom ang soju na nasa harap ko.

"Okay fine, ano pa nga ba." umirap lang siya sa'kin at kumuha rin ng isang soju sa reff niya.

"Iinom ka rin pala ang arte mo pa." ako naman ang umirap sakanya.

"Pero pa'no kayo ni Kavin? Hindi mo ba yon aagawin?" nasamid ako sa soju na iniinom ko at naibuga 'yon sakanya.

"What the heck is wrong with you bitch!? tanginaka girl!" nag-peace sign na lang ako sakanya at kumuha ng tissue.

"Yung bibig mo kasi walang preno, yan tuloy. Alam mo namang wala na kami nung tao, gagawin mo pa akong mang-aagaw." kinagat ko ang ibabang labi ko at tumingin sa kawalan.

"I'm always asking you Eri." siya naman ang nagseryoso ngayon. "Bakit ayaw mong balikan si Kavin? E wala naman pala talagang nangyare sainyo nung kambal niya." nakatitig lang ako sa pader habang pinakikinggan siya. Maya-maya lang ay nawala nanaman ang pagiging seryoso niya dahil hindi ko siya sinagot.

"Nawindang pa ako girl nung malaman kong may kambal yung boyfie mo."

"Geez, ako rin windang nung makita ko kayo ni Lendon. Like yuck Lyxen, kadiri kaya." nakangiwing saad ko, at sa ikalawang pagkakataon ay binatukan niya nanaman ako.

"Ano ba!?!??" sigaw ko sakanya.

"Ang oa mo, ano kayo ba ni Kavin hindi naglaplapan ha? Wala lang nakakita sainyo pero ginawa niyo rin yon!"

Tangina ng bibig ng babaeng 'to, wala talagang preno!

"Palagyan ko kaya ng preno yang dila mo? Nang sa ganon alam mo kung kailan ka hihinto."

"Whatever, iwan mo na yan dyan. Tara sa mall, magwaldas ng pera." ako naman ang bumatok sakanya.

"Magsasayang ka nanaman ng pera!" tinaasan niya lang ako ng kilay. "Bitch? pera ko 'yon hindi sa'yo." nilampasan ko na lang siya at nauna na sa sasakyan niya.

Nang makarating kami ay nag-ikot ikot lang ako. Siya naman ay humiwalay sa'kin at may gusto raw bilhin.

"Uy siya 'yong new girl di ba? maganda pero basura ugali. Eww yon." wow back-handed compliment.

"Oo nga siya nga, akala mo kung sino. Kaya siguro binalikan si Keila kasi pangit ugali." bubulong-bulong e naririnig ko naman! nahiya pa silang sabihin sa harap ko mismo.

Nilingon ko sila at tinaasan ng kilay, sabay naman silang namutla at tila nakakita ng multo. Sa isang iglap ay nagtatakbo na sila paalis sa harap ko.

Seeking The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now