STP: Chapter 42

978 17 0
                                    

PAKIRAMDAM ko ay lutang na lutang ang isip ko. Magdamag akong walang tulog, magdamag na pinagmamasdan ko lang ang alon sa dagat. Magdamag na dinadama ang malamig na simoy ng hangin.

"Mom" tumingala ako sa langit. "Mommy, pwede ko po bang maramdaman ang yakap mo?" saad ko habang nakatingin parin sa langit.

"Mommy, kung ikaw ba yung nandito. Mararanasan ko po ba lahat ng yon nung bata ako? Mommy.." nagsimulang mag-ulap ang paningin ko. "Sabik na sabik po ako sa pagmamahal ng isang ina. Gusto ko rin pong maranasan na mahalin ng isang ina." nagsimula nang mag-alpasan ang mga luha ko.

"Mom, haplusin mo po ako. Sobra akong nasasaktan ngayon, sobrang sakit malaman na matagal na pala kayong wala. Na lumaki pala akong hindi kita kasama." napatakip ako sa mukha ko at pinakawalan ang hikbi ko.

"M-mom? A-ano kayang pakiramdam na minamahal ka ng nanay mo? A-ano po bang..p-pakiramdam ng....may inang nag-aalala sa'yo? M-mommy." hagulgol ko. "Mommy, b-buong buhay ko, b-buong buhay ko mom....w-wala akong ibang hinangad kung hindi ang pagmamahal ng isang ina...p-pero h-hindi ko na po yon hihilingin. k-kase alam kong..k-kahit anong gawin ko....w-wala na. Wala kana mommy, k-kaya alam kong h-hindi ko yon mararanasan." kumikirot ang dibdib ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Tumayo ako at naglakad palapit sa dagat, ngumiti ako sa nalalapit na pag-litaw ng araw.

Nang dumampi ang tubig sa mga paa ko ay tila hindi ko 'yon maramdaman. Namamanhid ang buong katawan ko sa sakit.

"Mom? C-can I....can I be with y-you?" saad ko habang naglalakad parin patungo sa malalim na bahagi ng dagat. "Mom, g-gusto po kitang makasama. M-mommy." patuloy lang ako sa paglakad hanggang sa mapansin kong nasa dibdib ko na ang tubig.

"K-kunin m-mo....na ako." nahihirapang saad ko nang umabot na sa leeg ko ang tubig.

Bago pa ko sakupin ng tubig ay narinig ko ang boses ng lalakeng sinisigaw ang pangalan ko. Hindi ako nagkakamali, hindi kahit kailan ako pwedeng magkamali. Boses yon ng lalakeng mahal ko.

Kahit nakatalikod ako ay pinilit kong ngumiti kahit hindi niya 'yon nakikita. "I love you, Kavin. I always will." iyon ang huling salitang binigkas ko bago pa ako tuluyang sakupin ng tubig.

Nararamdaman ko ang unti-unting pagkawala ng hangin sa katawan ko. Hindi ko ipinikit ang mata ko, gusto kong maaninag ang sinag ng araw sa huling pagkakataon. At ang langit, ito ang huling oras na makikita ko ang mundong kinalakihan ko, ang mundong naging mapait sa'kin. Ngumiti ako sa huling pagkakataon, paalam, Kavin.

IKATLONG PERSONA

Isang sasakyan ang makikitang huminto sa tabi ng dagat, isinisigaw niya ang pangalan ng babaeng unti-unti nang nilalamon ng tubig.

"Valerie!...V-valerie!" nang mawala sa paningin niya ang babae ay walang pag-aalinlangan na nilusob niya ang dagat kahit pa humahampas ang alon nito.

Nang pumantay na sa bewang niya ang tubig ay nilangoy niya na ang kaninang lugar na pinagtatayuan ng babae. Ilang oras pa ay umahon na siya na hawak ang katawan ng babaeng walang malay at tila ba wala ng buhay dahil sa maputla nitong kulay.

Inilapit niya ang tenga niya sa puso ng babae. Nagsimula siyang mataranta nang wala siyang marinig na pintig mula ro'n "Shit, no you can't... damnnit! V-valerie please come on." ginawa nito ang mouth to mouth resuscitation at ang cardiopulmonary resuscitation. Ilang beses niya pang ginawa iyon ngunit walang naging resulta sa babae.

Nagdesisyon siyang buhatin ito at isakay sa sasakyan. Kaagad niyang pinaandar ang sasakyan at pinaharurot iyon patungo sa hospital.

Nang makarating sa hospital ay kaagad lumapit sakanya ang mga nurse at inasikaso ang babae.

"I don't care about your other patients, do you understand!?" galit na sigaw niya nang sabihin ng babae na busy ang lahat ng doctor at hindi nila mahaharap ang babae.

"Putangina!" he cursed loudly at halos lahat ay namutla nang marinig iyon.

"Calm down bro, dalhin niyo na siya sa loob. Ako nang bahala." saka ay tinapik ng lalake ang balikat niya. Mabilis na sumunod ang lalake sa pinagdalhan ng babae.

"Sir hindi ka po pwede sa loob." humarang ang mga nurse sakanya nang akmang papasok din siya sa loob.

Hindi na siya nagpumiglas at napasuntok na lang sa pader. "Please, please do everything. Please, save her." pagmamakaawa niya.

Napadausdos nalang siya sa pader at napaupo sa sahig. Ipinatong niya ang mga siko niya sa tuhod niya at tinakpan ang sarili sa mga palad niya.

Kalahating oras din ang lumipas bago lumabas ang doctor sa silid na pinagdalhan sa pasyente.

"Bro" nang marinig iyon ng lalake ay kaagad siyang napabaliktwas ng tayo.

"She survived. Good thing that you take her here immediately." may kumawalang luha sa lalake nang marinig iyon sa doctor. Yumakap naman ang doctor sa lalake.

"Oh god. Thanks bro, thanks a lot Keegan." saad niya habang yakap parin ang doctor.

"Go ahead bro, pumasok kana." tinapik niya ito sa balikat bago siya tinalikuran.

Nang makapasok sa loob ay nanlambot ang ekspresyon niya habang nakatitig sa babaeng walang malay sa kama.

"Valerie" lumapit siya sa babae at umupo sa upuan. Hinawakan niya ang kamay ng babae at hinalikan ito.

"I'm still here Valerie, why do you have to do that? Baby I'm so scared...so fucking scared." kumawala ang mga luha sa mata ng lalake. Kung pagmamasdan ay masasabi mong mahal na mahal niya ang babae.

Gumalaw ang daliri ng babae kaya bahagyang nagulat pa ang lalake at dali-daling pinunasan ang nagkalat na luha sa pisngi niya.

Maya-maya lang ay nagmulat na ng mata ang babae.

"Mommy" saad ng babae at tila hindi napansin ang presensya ng lalake sa tabi niya.

"Mommy" muling bigkas ng babae at may isang butil ng luha ang kumawala sa mata niya.

"Shh, I'm here Valerie. Everything's will be alright hmm?" saad ng lalake, ngunit deretso lang ang tingin ng babae sa kisama na para bang may tinititigan doon.

"Ayaw mo po ba akong makasama? Mommy, I really want to be with you. I badly want to hug you so tight." wika ng babae at sunod-sunod na lumandas ang mga luha sa mga mata niya.

Hinaplos ng lalake ang pisngi ng babae at iniharap ito sakanya.

"Valerie, look at me." utos niya sa babae. Tumingin naman sakanya ang babae ngunit parang wala parin ito sa sarili.

"Tita Valeria loves you so much. I may not feel it, but I know she made you feel it. So please Valerie, be strong hmm? I'm still here, I love you. I love you damn much love." yumakap siya sa babae ng wala siyang narinig na salita mula sakanya.

Tila wala parin sa sarili ang babae at malayo parin ang iniisip.

Seeking The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now