STP: Chapter 9

1.6K 35 0
                                    

Maaga pa lang ay nag-ayos na ako dahil may event ang school ngayon, ang sabi ng principal ay may biglang nag-sponsor para sa mga bata at pinaka-priority niya ay lower section na hawak ko. Ngunit hindi ko natapos ang meeting kaya't hindi ko nalaman kung sino ang anghel na 'yon na ibinagsak ng langit.

I'm just wearing a simple yet formal attire. And it really suits my curvy body. I curled my blond hair, and I took my cologne and sprayed it all over my body. I just also wear a light make-up, I don't need to put too much on my face. I'm hella gorgeous even without it.

"Good morning Ma'am Eri." bati sa'kin ng mga kapwa guro ko. Ngumiti ako pabalik at binati rin sila.

Nang mapansin ako ng mga studyante ko ay kaagad na lumapit sila sa'kin at pumalupot sa bewang ko.

"Mas lalo ka pong gumanda ngayon Ma'am Ganda." puri nila sa'kin. Binigyan ko naman sila ng halik sa pisngi. Napansin ko rin na hindi tulad noon ay palaging dumihin sila, madalas pa ay sira ang mga damit. Ngayon ay malilinis na at maayos ang mga suot na damit. At ang babango pa, amoy baby johnson powder. Ngumiti ako nang magpaalam muna silang maglaro sa play ground ng school.

"Huy Ma'am Eri" tawag sa'kin ni Ma'am Hazel, kaagad naman ay nilingon ko ito.

"Yes po Ma'am Hazel?" nakangiting sagot ko sakanya. Kapag nilalapitan ako nitong kaibigan ko na 'to ay malamang na chismis ang hatid niya.

"Ano ka ba wag ka ngang masyadong proffesional, may chika ako. Since nawala ka nung may meeting." Tama ako 'di ba?

"Ano nanaman 'yan Hazel, ikaw ha masama na 'yan baka hindi ka tanggapin sa langit." biro ko sakanya.

"Tse!" bulyaw niya sa'kin na bahagyang ikinatawa ko naman.

"So this is the tea Eri, yung sponsor daw emeged bata pa. 28 years old pa lang pero successfull na sa buhay. At ang balita ko pa isa raw ang pamilya niya sa mga bilyonaryo kaya naman pala walang ano-ano ay nag-sponsor siya rito. Tyaka balita ko rin marami ng school ang natulungan niyan, sobrang bait daw niyan. At balita ko pa, CEO raw siya." kinikilig na balita niya sa'kin. Batukan ko kaya 'to? Sinabi na ang lahat-lahat tungkol sa sponsor na 'yon ay hindi pa binanggit ang pangalan.

"Mahina ka pala sa chismis e, hindi alam pangalan." pang-bibiro ko sakanya.

"Hoy nakalimutan ko lang sabihin 'no. Kavindre Devrian ang pangalan, pangalan pa lang nakakalaglag na ng panty sis." kinikilig na sambit niya sa'kin at may extra hampas pa nga.

Halos malaglag ang panga ko nang marinig ang pangalan na sinabi niya. Am I dreaming?

"Sampalin mo nga 'ko Hazel." utos ko sakanya, halos mabingi naman ako nang sampalin niya nga ako ng parang may sama ng loob sa'kin.

"God, I'm not dreaming." usal ko sa sarili.

"Hoy Eri, nyare sa'yo d'yan? Nakakalaglag panga talaga yung sponsor na 'yon hindi na'ko nagtataka sa reaksyon mo." pang-aasar niya sa'kin at ngumisi pa ang gaga.

-----
"Magandang araw sainyo mga bata at ang ating mga mahal na guro." panimula ng principal.

"Narito tayo ngayon upang mamigay ng donasyon na damit, gamit, pagkain, at mga laruan para sa mga bata. Ngunit bago ho natin simulan ang donasyon ay atin munang pasalamatan ang sponsor ng ating paaralan." halos limang beses na yata akong lumunok sa kinauupuan ko sa di malaman na dahilan.

"Akin pong ipinapakilala sainyo, atin pong bigyan ng palakpakan ang napaka-bait at matulungin na si Mr.Kavindre Devrian" unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko nang magsimula na siyang maglakad patungong stage. Ni hindi ko nagawang pumalakpak.

"Good morning chil- I mean...ahh ang ibig kong sabihin ay, magandang umaga mga bata. Kumusta kayo?" lihim na natawa ako dahil sa pagpapalit niya ng lenggwahe.

"Okay lang po!" sabay-sabay na sagot ng mga bata. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang umakyat sa stage sina Terence, Mira at Ella at kinuha ang mikropono kay Kavindre.

"Hi po kuyang pogi." si Terence na kinuha ang mikropono mula sa kanya. Parang may kung anong nagaalborotong paru-paro sa t'yan ko nang binigyan niya ng malaking ngiti ang mga bata.

"Si kuyang pogi po ang nagligtas sa'min sa mga bad guy." nakangiting pagmamalaki ni Terence at sabay-sabay na nag-thumbs up pa sila.

"Kuyang pogi, lika po." ganon na lang ang kaba ko nang hawakan nila ang kamay ni Kavindre at dalhin ito papunta sa g-gawi ko o sa akin.

"Hi Ma'am Ganda, pogi pogi po talaga ng crush mo 'no?." hindi ko man nakikita ang sarili ko ay alam kong namumula na'ko ngayon dahil sa sinabi ni Terence. Diyos ko po ilayo niyo sila sa'kin.

"A-ahh, T-terence ano ka ba, h-hindi siya crush ni teacher. T-tyaka bata ka pa, dapat di mo pa alam yan." ipinuwesto ko ang ikalawang daliri ko sa labi niya senyales na manahimik na siya. Tyaka ay ngumiti na lamang ako sa mga kapwa ko guro na may malisya ang tingin na ipinupukol sa'kin.

"You look fine." halos maputol ang pag-hinga ko sa biglang paglapit niya sa tainga ko at ibinulong 'yon. Para bang hindi maproseso ng utak ko ang nangyare.

"Kids, I have to go there." bumalik lang ako sa sarili nang magsalita siyang muli. Halos pigil naman ang tawa ko nang wala siyang natanggap na sagot sa mga bata, malamang na hindi nila naintindihan ang sinabi niya.

"Ahh, ibig kong sabihin kailangan ko ng bumalik do'n. Tara na?" nababaliw na yata ako, dahil sa t'wing magtatagalog siya ay parang ayoko nang mawala sa pandinig ko 'yon.

------
Natapos nang maayos ang pagdo-donate ng mga kagamitan sa mga bata.

Lumingon ako sa gawi ng sponsor, para akong matutunaw sa ngiti niya habang pinagmamasdan ang mga bata na masayang tinitignan ang mga donasyon sakanila. Sa wari ko ay sincere naman siya sa pagiging sponsor.

"Eri, ipinapatawag lahat ng guro sa principal's office. Tara sabay na tayo." sumunod na lamang ako kay Hazel, pagbukas pa lamang ng pinto ay nahagip na ng mga mata ko si Kavindre na prenteng nakaupo sa harap ng long table ng office. Sa tuwing makikita ko siya ay palagi na lamang bumibilis ang tibok ng puso ko.

-----
Matapos kumain ng lahat at ang kaunting pasasalamat ng lahat ng guro ay natahimik ang lahat sa susunod na sasabihin ng principal.

"I have a good news, maybe a bad news for you Ma'am Valerie." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng principal, teka ako?

"What do you mean by that Ma'am?" ang kaninang bilis ng tibok ng puso ako ay mas lalong bumilis at nadagdagan pa ng kaba.

"Our sponsor wants to be a teacher here. He's more than qualified for being an elementary teacher. Besides, he's a high payed proffesor in every university. And he requested your section Ma'am Valerie, mas matututo ang mga bata at malaki rin ang maitutulong niya sa mga ito. Huwag mo sanang ikagagalit Ms. Zehra, ngunit minsan lamang ito. At may dalawa pang unit ang lower section na maaari kong paglipatan sa'yo." mahabang paliwanag niya sa'kin. Naramdaman ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ko, bakit kailangang ang mga batang napamahal na sa'kin? Sakanya na nanggaling na may dalawang unit pa ang lower section, bakit kailangan ang akin?

"But Ma'am, isn't it unfair? Ma'am you know how much I love those kids, hindi ko sila pwedeng ibigay na lang sakanya ng ganon-ganon na lang." nilingon ko si Kavindre na tahimik na nakikinig, nang lingunin ko siya ay nakatitig din siya sa'kin. Lakas loob akong nakipag-titigan sakanya.

"Prof. Kavindre Devrian, or whatever you are. Nakikiusap ako sa'yo, iba na lang. Kung gusto mong maging guro rito, h-hindi ako hahadlang.." tuluyan ng naglandas ang mga luha ko, na kaagad ko namang pinahid.

"Basta huwag lang ang mga batang hawak ko, alam mo kung ga'no sila kaimportante sa'kin." nagulat ako sa biglang pagtayo niya.

"Excuse us teachers, Ms.Principal. We'll talk outside." walang ano-ano ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas.

Seeking The Past (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن