STP: Chapter 18

1.1K 16 0
                                    

"Bakit hindi mo naman sinabing uuwi kang bruhilda ka!? Edi sana nasundo kita sa airport." mahilig talaga tong babae na 'to sa surpresa.

"E ayaw naman kitang istorbohin alam ko namang busy ka rin Eri." pabiro ko naman siyang hinampas.

"E hindi pa naman ako bumalik sa pagiging guro ko! nasa bahay lang ako. Next week pa ang balik ko." nalimutan ko yatang hindi ko nga pala nasabi sakanya. Tumaas tuloy ang dalawang kilay niya.

"Hindi ka na guro?!" para bang hindi siya makapaniwala. "Kailan pa? Bakit hindi ko alam yan??" pa'no akong sasagot niyan. "Don't tell me you resigned for nothing!?" tinakpan ko ang bibig niya para ako naman ang makapagsalita.

"Mahabang kwento, gusto mo parin bang malaman?" pinaghahampas niya ang kamay ko kaya inalis ko na sa bibig niya.

"Ikwento mo, wala akong pake kahit abutin ka nang isang araw sa pagkukwento. Natututo ka nang maglihim sa'kin." at pinaningkitan niya ako ng mata na para bang hinuhusgahan ako.

"E baka gusto ka lang non! pumayag kang umalis sa pagiging guro para lang maging assistant niya?" napahilot na lang ako sa sentido ko, kanina pa kase ay nagwawala na siya buhat nang ikwento ko sakanya ang mga nangyare.

"Tapos na yon hayaan mo na, saka isang linggo narin na hindi niya ko ginugulo. Pero ang utak ko naman ang ginulo niya." hindi parin nawawala sa utak ko ang nangyare nung nakaraan sa kanila ni dad. Pakiramdam ko tuloy ay iyon na ang mga sagot sa katanungan ko, pero nong naron na'ko sa oras na malalaman ko na ay tumanggi ang puso ko.

"Hays." bumuntong hininga siya bago magsalita. "25 years Eri, antagal mo nang namimilipit kakahanap ng sagot sa mga tanong mo tapos sinayang mo." napaigtad ako nang kurutin niya ako sa tagiliran.

-----

Narito kami ngayon sa sikat na bar, bali-balita raw kase na palaging mga sikat din ang nagpupunta rito, bihira ang makikita mong hindi popular. Ewan ko ba naman dito kay Lyxen, ako ang nasa pilipinas pero mas marami pa siyang alam kesa akin.

Halos mabasag na ang eardrums ko sa kalabog ng tugtog isama mo pa ang mga lightings na talagang ikakahilo mo pag sinabayan ng alak. Sabagay ano nga bang ipinunta ko rito? Syempre para malasing at makalimutan ang problema.

Sa dulong table ang napili namin ni Lyxen, bukod kase sa walang masyadong tao roon ay hindi pa masyadong naaabutan ng lightings.

"Cheers sissy!" at iniabot niya sa'kin ang shot glass na may wine na. Siya na ang pumili nang iinumin namin kabisado niya naman kase ako at pareho lang kami ng taste. "Cheers!"

"Eri, bathroom lang ako. Dyan ka lang ha." tumango na lang ako at ininom ulit ang wine na nasa shot glass ko. Nilingon ko si Lyxen na tinutungo na ang cr, at zigzag nanga ang lakad.

"Lonely?" biglang sumulpot ang lalake sa harap ko. Kahit may tama na ako ng alak ay hindi parin mawawala ang takot ko sa mga lalakeng mabalbas ang mukha. "No I'm not, I'm with my friend." mukhang hindi siya kumbinsido at nakatayo parin sa harap ko.


"So, where's your friend?" hindi ko pa man din dala ang baril ko, kung dala ko lang ay hindi ako magdadalawang isip na iputok sa bumbunan nang lalakeng 'to. He's so fucking annoying, and that was the most thing I don't like. Ayoko nang kinukulit ako.

"Come on darling, dance with me. Enjoy the night." nanggalaiti ako sa galit nang hawakan niya ang kamay ko at pinwersang itinayo ako at sinakmal pa ang pwetan ko. Tanginang to ah!

Akmang sasampalin ko siya nang sa isang iglap lang ay nawala na siya sa harap ko. Nakita ko na lamang na bulagta na siya sa sahig. "Lendon!"

"Who gave you a permission to touch her asshole." hindi ko inaasahan ang pagdating niya.

"Oh my god sissy, what happened?!" siya namang dating din ni Lyxen na kalahating oras yata nag-banyo.

"Nag-banyo lang ako, nagpa-sakmal ka na!" tinampal ko ang kamay niya na yumakap sa bewang ko.

"Anong nagpa-sakmal gago lang yan at biglang hinatak ako patayo. Saka ikaw naman! nakipag make-out ka pa yata sa banyo!" singhal ko sakanya, natahimik lang kaming dalawa nang hatakin kami ni Lendon palabas ng bar.


"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo rito?" he's deadly serious now again.



"Drinking, didn't you see me before?" sarkastikong sagot ko, ako lang naman ang may kakayahang gantuhin siya saming dalawa ni Lyxen.

"I'm not asking for your sarcastic jokes Eri, let's go home. Ihahatid ko na kayo." I rolled my eyes at him, paniguradong masakit ang ulo namin nito.

"Hindi naman to ang daan pauwi sa'min Lendon." singhal ko sakanya nang mapansing iba ang dereksyon na tinatahak namin.


"We will go home. My home." at nag-desisyon nanga ang boss. "Let's drink together, natuto na kayong mag-inom nang hindi ako kasama." may bahid ng pagtatampo ang boses niya. "See? nababastos na kayo. Lakas ng loob niyo hindi niyo naman kaya ang sarili niyo."

"Kaya ko naman eh, hindi ko lang dala ang baril ko." mabilis na depensa ko. Ito namang si Lyxen ay napipi na yata, hindi kase iyan sanay na makitang galit si Lendon.

Tinapik ko ang hita niya at pinanlakihan ng mata. "Antagal Lendon, inom na inom na'ko sumasakit na ang ulo ko dahil nabitin ako!" natampal ko ang noo ko sa naging sagot niya.

"My pillow?" tanong ko kay Lendon nang magsimula na siyang magsalin ng alak sa baso. "Wait a minute." kapag kase rito sa bahay niya ang inuman namin ay may yakap akong unan, hindi ako sanay na wala. "Here's your pillow, princess." he sarcastically said. I just rolled my eyes at him and started to drink my shot.


"So how's my two stubborn princess?" ngingiti-ngiting tanong niya sa'min. "Iyang si Eri ay marunong nang manlalake tanungin mo yan. Naglilihim na sa'tin." sinamaan ko naman ng tingin si Lyxen, kailan pa'ko nanlalake?


"Ows, marunong ba 'yan dumaan sa hirap?" tanong ni Lendon. "Kaya ako hindi nagkaka-boyfriend eh! Lagi niyo na lang pinapahirapan manligaw kaya sumusuko." nag-cross arm ako at ngumuso. Lumalabas nanaman ang pagiging childish ko.

Inakbayan kami ni Lendon dahil nasa pagitan namin siya ni Lyxen. "Walang mahirap sa lalakeng pangarap ka. Walang pangarap na madaling maabot, how would we know if he's deserving and his love towards you is pure and genuine if he can't even pass our challenges?" eh ang hirap-hirap naman ng mga ipinapagawa nila!

"Kung wala rin namang boyfriend tong si Lyxen ay dadaan din sa'tin ang magtatangkang manligaw sakanya. But sadly, sa ibang bansa nag shota kaya hindi natin naagapan." maang na tumingin sakanya si Lyxen. "Hoy, hoy, hoy! matino yon 'no. Saka isa pa niligawan naman ako non no." depensa niya.

"Saan? e ang balita ko naka-partner mo lang 'yon sa isang movie tapos boom kayo na." pang-aasar ni Lendon. "Oh gosh, ganon kabilis Lyxen? Easy to get ka lang pala?" panggagatong ko saka at sabay kaming humagalpak sa tawa ni Lendon.


"Alam niyo bubuksan ko na 'to at maginom pa tayo. Ang babastos ng bibig niyo e! Palibhasa mga wala kayong lovelife!" pikon na saad niya. Nakikipag sabayan lang ako pero...


Lasing na rin ako!

Seeking The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now