STP: Chapter 29

885 15 0
                                    

MAGMULA ng sagutin ko si Kavin ay mas lalo siyang naging territorial sa'kin, ni hindi ako pwedeng hawakan ng kahit sino, mapa-lalake man o babae. Hinahampas ko nanga minsan ang kamay niyang bigla nalang humahapit sa bewang ko kapagka may nakita siyang kumakausap sa'kin.

"Oo nga!" natatawang sigaw ko sakanya sa kabilang linya.

"Is this for real?! Kailangan mo siyang ipakilala sa'min ni Lendon! he's your first boyfriend...." napawi ang ngiti ko nang matahimik siya. "Alam mo marami-rami kang kailangan i-explain. Sa'kin walang problema e, pero kay Lendon.....Hmmm di ko sure." saka ay bumuntong hininga siya.

Sa tingin ko nga ay mahabang paliwanagan ang gagawin ko lalo na't si Kavin ang first boyfriend ko na hindi man lang nila nalamang nanligaw sa'kin. Madalas ay nagkakausap kami sa telepono ngunit madalang lang ang pagkikita naming tatlo kaya hindi rin ako nakahanap ng magandang tyempo para sabihan sila tungkol kay Kavin. Maging sina mom at dad ay walang alam. Ngunit pakiramdam ko ay nakakaramdam narin sila tungkol sa'min.

KAD

What time will end your meeting love? I'll fetch you.

Napangiti ako nang mabasa ang text niya, pinalitan ko narin ang pangalan niya dahil last time na nakita niya iyon ay halos maging zigzag na ang noo niya sa pagka-pikon. 3:38 narin ng hapon at hindi pa nangangalahati ang meeting ng mga teachers. Halos hindi ko masagot ang mga text ni Kavin sa'kin.

TO KAD

I'm not sure what time this meeting will end love, I'll just tell you right away when it's over ok?

Okay love, I miss my baby so much:<

Natatawa ako sa pagiging clingy niya maski sa text kaya tuloy nagagawi palagi ang tingin sa'kin ng mga kapwa ko guro at tumitikhim na lang ako at pasimpleng nagta-type sa cellphone.


ME

Tapos na ba ang trabaho mo? Andami mo yatang oras para I-text ako?

Hindi ko na hinintay ang reply niya at nakinig na lang sa sinasabi ng Principal.

Matapos ang meeting ay nag-text kaagad ako sakanya. Halos mang-hina ang tuhod ko habang naglalakad, ito ba talaga ang nakatadhana? Ang malayo sa'kin ang mga batang tinuring ko nang mga anak? Akala ko ay magiging maayos na ang lahat simula nung hindi na itinuloy ni Kavin ang pagtuturo sa eskwelahan na 'to, hindi pa pala.

Paglabas ko ng gate ay nakita ko agad siya na prenteng nakatayo at nakasandal sa kotse niya at naninigarilyo. Kaya mas lalong nadagdagan ang inis na nararamdaman ko. Matamlay ako nang makalapit sakanya, idagdag pa ang inis na dinulot niya. Kaagad niya namang itinapon ang sigarilyo at inapakan ito upang mamatay ang upos.

"Seems like you're tired, did something happen?" hindi ko siya sinagot at tinitigan lang, ngayon ko lang kasi siya nakitang naninigarilyo at ayoko sa ganoon.

"Kailan ka pa natutong manigarilyo?" deretsong tanong ko sakanya, wala akong nakitang reaksyon sa mga mata niya.

"Love, I only smoke because it calms me down." he explained. para akong nainsulto sa sinabi niya.

"So ano ako? You mean hindi kita napapakalma, na hindi kita kayang pakalmahin?!" napataas ang boses ko sa sobrang iritasyon, alam kong maliit na bagay lang iyon para maging ganito ang reaksyon ko. Alam kong mali na ibuntong ko sakanya ang inis ko sa trabaho.

"N-no love, I mean it just helps me calm down for a while. You are the only one who can calm me down for a long time, all the time love. I can't calm myself by not smoking, that's my only choice when you're not around love, so please don't be mad." nakonsensya naman ako dahil parang takot na takot siya sa inasta ko. Hindi parin ako nagsalita, ayokong magsalita dahil naiinis parin ako. Mali ang ginagawa ko ayokong sakanya magalit kaya hanggat kaya ko ay ayoko munang magsalita.

"I can't see you being mad at me, so tell me love. Did something happen? You don't get mad easily because of simple things love. So please tell me what happened?" daig niya pa ang bulate na hindi mapapakali hanggat hindi makalusot sa lupa, hindi rin siya mapakali hanggat hindi nalalaman ang rason ko.

"Gusto ko ng umuwi, pagod ako, gusto ko nang magpahinga." nakita kong bumagsak ang balikat niya pero kumilos agad siya at pinagbuksan ako ng pinto at sinuutan ng seatbelt. Tahimik lang ako hanggang makarating sa condo, nararamdaman ko ang pagtitig niya sa'kin. Napapakagat ako sa labi ko, nafu-frustrate ako sa sarili ko.


Tinalikuran ko siya at pumunta sa kusina upang uminom ng tubig. "Umuwi kana. Sa ibang araw na lang tayo mag-dinner date. Pagod ako ngayon." halos ibagsak ko ang basong hawak ko dahil sa nararamdaman kong gusto kong maiyak. Nang humarap ako ay nakatayo parin siya malapit sa sofa at tila nagsusumamo ang mga mata niya sa rason ko.

"Kavin, pagod lang ako. Umalis kana." ayokong ibuntong sakanya ang inis na nararamdaman ko kaya hanggat maari ay pinapaalis ko siya. Ayoko kasi sa mga salitang lumalabas sa bibig ko kapag naiinis o galit ako.

Lumapit siya sa'kin at basta na lang ako niyakap, pakiramdam ko ay sinasakal ang puso ko sa konsensya.


"L-love." he called me. Halos gumaralgal na ang boses niya. I know him so well, he can't bear to see me mad at him. That's his biggest weakness.

"You tell me. p-please?" he said while still hugging me. Bumibigat ang mga mata ko sa paghaplos niya sa likuran ko.


"I-im sorry." panimula ko. "Nadala lang ako sa inis ko. I didn't mean to raise my voice Kavin." hinigpitan niya lang ang yakap sa'kin at hindi nagsalita.

"Y-yung lower section na tinuturuan ko. K-kalahati sakanila, w-wala na Kavin." doon na tuluyang bumuhos ang luha ko at napahikbi sa dibdib niya. "P-pinaampon sila ng mga magulang nila. N-nalaman ko na, h-halos ang lahat sakanila......nasa ibang bansa na. H-halos iilan na lang ang natira s-sakin." patuloy ang pagiyak ko habang siya ay patuloy na pinapatahan ako at hinahaplos ang likuran ko.

"M-masakit para sa'kin Kavin. Alam ko naman na....p-para iyon sa magandang kinabukasan nila. P-pero selfish ba ako? k-kase..h-hindi ko maiwasang hindi masaktan kahit na wala akong karapatan." humahagulgol na ako sakanya at nakakapit narin ang mga kamay ko sa braso niya dahil pakiramdam ko ay hinang-hina na ang mga tuhod ko.

"K-kavin, p-pano ako magsisimulang magturo ulit? G-gayong sila na ang nakasanayan ko? N-nasasaktan ako ng sobra, m-mahal...na mahal ko kasi sila." ako na ang kumalas sa pagkakayakap sakanya dahil naramdaman kong basa na ang longsleeve polo na suot niya.

Tumingin siya sa'kin at ikinulong ang magkabilang pisngi ko sa palad niya, pinunasan niya ang mga luhang nagkalat sa mukha ko.

"Hush now, love." he said using his soft voice. He caresses my cheeks and gave me a peck of kiss on my lips. Dinama ko iyon, at effective na kaagad ay kumalma ang buong sistema ko.

"Everything will be alright, hmm? Just think positive, they will be happy for sure. Not now love, but I am hundred percent sure that they will love their new lives soon." he said as he hugged me again tightly.

"Be happy for them, hmm love? I'll be there for you, you don't have to torture yourself and bear the pain all alone."

"You can get over it. Try to accept it with all your heart, they will be better love I promise." kumakalma ang puso ko at tila ba nawawalan iyon ng pangamba, nababawasan ang sakit at para bang hinahaplos iyon ng mga salita niya.

Seeking The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now