STP: Chapter 3

2.3K 45 0
                                    

I love being a teacher, I also love being a veterinarian. But I has to choose between them. I do love my both proffesion, but I need to give up one of them.

"Ms.Zehra, a lot of animals needing your treatment, our clinic needs your attention. You must choose between being a veterinarian or a teacher." napa-buntong hininga na lang ako sa sinabi ng manager ko.

"I won't force you to choose our clinic, choose what proffesion your heart's belong to, Valerie. I'll take a leave." matapos yon ay umalis narin siya at naiwan akong tulala sa restaurant.

Nagtalum-baba na lamang ako habang iniisip kung ano nga ba ang nais ng puso ko, gayong ang dalawang yon ay napalapit na sa puso ko. Ipinag-kumpara ko ang dalawa, sino ang mas may kailangan ng serbisyo ko? Ang mga hayop? O ang mga batang kapos sa buhay at kailangan ng kalinga ng isang guro na tatayo narin bilang kanilang ikalawang magulang?

Bumuntong hininga ako at lumabas na ng restaurant.

Mag-aalas nuebe na at hindi pa ako nakakarating sa bahay. Magmula kase kanina ay pahinto-hinto ang sasakyan ko, hindi ko alam kung anong naging problema.

Bumaba ako upang tignan ang makina nito, may isang wire na napuputol na, kaya pala mula kanina ay hindi maayos ang serbisyo nito sakin.

"Nagtatampo ka nanaman sakin, sorry na kung ang tagal mong naghintay kanina at natusta ka pa yata sa init ng araw." parang wala sa sarili na kinakausap ko ang sasakyan na walang buhay.

Pumasok na ako ulit sa loob at dadaan na lang ako sa talyer para maipaayos ito.

Napapadyak ako sa pagka-dismaya nang tuluyang huminto ang sasakyan ko, pakakalmahin ko na sana ang sarili ko nang mapagtantong nasa isang liblib na lugar ako. Walang ilaw at mga bahay, at ang tanging ilaw na nagmumula sa tree house na di kalayuan sakin ang nakita kong liwanag. Bukod sa natatakpan ng makakapal na ulap ang buwan ay sumabay pa na namatay maging ang ilaw ng sasakyan ko.


"Ahh, this can't be!" inis na kinuha ko ang cellphone ko sa sling bag ko. I dialed my dad's number to ask for help.

"Daddy, ugh pick it up." napasapo na lang ako sa noo ko nang makailang beses na pag-riring ng numero ni dad ay hindi ako sinagot nito.

"What are you doing right now, it's 9 in the evening yet you're still busy. Damn." usal ko sa hangin. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapamura sa pagka-dismaya. Walang oras na naging busy si dad pagdating sa'kin. But now that I need his help, where is he?

***

Napapitlag ako nang mag-ring ang cellphone ko, nang tignan ko ang oras ay ala una y medya ng gabi at nakatulog ako.

"Where are you Eri? Bakit hindi ka umuwi?" bungad niya sa kabilang linya nang sagutin ko ang tawag niya. Huminga muna ako ng malalim bago it sagutin.


"I'm calling you before, wala akong nakuhang sagot dad. I was just going to ask for help. Nasiraan ako ng sasakyan, and I don't know where exactly I am. Masyadong liblib itong lugar wala man lang nga akong makitang mga ilaw, so-" naputol ang sasabihin ko nang mamatay ang cellphone ko, what the f- seryoso ba 'to??? Bakit ngayon pa nalowbat.


Napahilot na lamang ako sa sentido ko sa di malaman na gagawin. I-locate niya na lamang sana ang lokasyon ng cellphone ko. Mababaliw na ako rito.


Napapitlag ako nang sunod-sunod na busina sa paligid ang narinig ko. Napatakip na ako ng tainga dahil halos mabingi na ako sa patuloy na pag-busina nila. Nang matigil ang ingay ay iminulat ko ang mga mata ko, halos maestatwa ako nang makitang limang mamahaling kotse ang nakapaligid saakin, at may mga taong papalapit sa sasakyan ko, na halos hindi ko maaninag ang mga mukha dahil sa sobrang dilim ng paligid. Kaagad na inilock ko ang mga pintuan ng sasakyan at pumunta sa likuran, niyakap ko ang mga tuhod ko dahil sa takot na nararamdaman.


"Ahhhh!" sigaw ko nang sabay-sabay na basagin nila ang bintana ng sasakyan ko gamit ang baseball bat.


Mabuti na lamang ay tinuruan ako ni dad kung paano gumamit ng baril, para sa ano mang oras ay may ipang-dedepensa ako. Kaagad na kinuha ko iyon sa bag ko at kinasa iyon.

Tuluyan na nilang nabuksan ang pinto at hinatak ako palabas.


"Fucking try me, assholes." usal ko sakanila. Tinangka akong hawakan ng isa sakanila ngunit kaagad ay pinaputok ko ang baril sa noo nito. Ganon na lamang ang gulat ko nang walang balang lumabas mula sa baril na hawak ko. Oh shit I'm dead

Sinubukan kong tumakbo sakanila ngunit kaagad ay nahawakan ako sa buhok ng isa.

"You'll regret this, let me go! Let me leave not unless you wanna die right now, right there!" pananakot ko sakanila ngunit sabay-sabay na humalakhak ang mga ito na ikina-kunot ng noo ko. Nagliwanag ang buwan dahilan para makita ko sila isa-isa, kasabay non ay ang paglapit saakin ng isang lalake at may kung anong itinakip ito sa ilong ko. After that, everything went black.

Seeking The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now