STP: Chapter 34

929 17 0
                                    

MABIGAT ang ulo ko nang gumising ako, sinusubukan kong gumalaw ngunit tila may nakadagan sa bewang ko.

"Hmmm." he groaned while still sleeping.

Biglang pumasok sa utak ko ang nangyare kagabi, the last thing I knew before everything went black was, i'm inside his car.

Napahawak ako sa sentido ko nang kumirot iyon, napanganga ako nang mapagtantong wala akong kahit na anong suot na damit. Bumaling ako kay Kavin na masarap parin ang tulog.

Ang gago, nakuha ako nang hindi man lang ako sinusuyo. In short walang kahirap-hirap.

Naka-dapa siya at ang sarap pag-masdan ng mukha niya habang natutulog. Lumapit ako sa mukha niya, at nang akmang nanakawan ko siya ng halik ay biglang nagmulat ang mga mata niya kaya kaagad na napalayo ako at tumikhim.


"You took advantage of me. You knew I was drunk at wala akong palag sa'yo. But it doesn't mean na pinatawad na kita sa ginawa mo." gusto ko tuloy sampalin ang sarili ko ngayon.

Naramdaman ko ang paggalaw ng kama senyales na umupo na siya at bumangon. Hindi siya nagsasalita kaya nagtatakang lumingon ako sakanya.

Kumalabog ang dibdib ko at tila may tambol na ayaw magpaawat sa loob.

WALANG tattoo ang hubad niyang dibdib.

WALA ang couple bracelet namin sa pulso niya.

IBANG-IBA ang aura niya.


HINDI SIYA SI KAVIN.


"K-kadmiel?" gamit ang kumot ay pinambalot ko iyon sa hubad na katawan ko at natatarantang tumayo. Buti na lang ay may suot siyang boxer kaya nang hilain ko ang kumot ay walang sumalubong sa'kin.


"N-no, t-this can't be....h-hindi.." natatarantang saad ko at napasabunot narin ako sa buhok ko.

Did I fucking cheated on him with his twin?!? fuck!fuck!fuck!!!!

"T-tell me, t-this is just a nightmare! Hindi! hindi pwede! A-anong ginawa mo?!" parang bulkan na sumabog ang puso ko sa galit. Nag-unahang magsialpasan ang mga luha ko.

"PUTANGINA!" malakas na mura ko sakanya, naiinis ako! hindi dahil wala siyang kibo kundi dahil hindi ako sigurado kung may nangyare sa'min o wala.


H-hindi pwede....wala akong kahit na anong saplot....at siya? tanging boxer lang, anong ineexpect ko?


Nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo sa sahig.


Umiiling-iling na napahagulgol ako, naramdaman ko na lang ang presensya niya na nakalapit na sa'kin. Itinulak ko siya gamit ang buong lakas ko.


"Layuan mo ako!" sigaw ko sakanya. Bakit ko hinayaang mangyare 'to? Hindi ko 'to ginusto. Hindi!


"You shouldn't crying right now." tila walang emosyon na sabi niya.


Buong lakas na tinitigan ko siya sa mga mata niya. "S-sabihin mo sa'kin. G-ginalaw mo ba ako? May nangyare ba s-satin?" nakatitig lang siya sa'kin at walang bahid ng kahit anong emosyon ang mukha niya.


"I don't feel sorry for that." muling lumandas ang mga luha ko sa sinabi niya, may nangyare sa'min nang hindi ko alam? May nangyare sa'min at wala akong nagawa para pigilan iyon.


Sinampal ko siya ng malakas at nanghihinang napalayo sakanya. "Ang gago gago mo naman!" humikbi ako sa harap niya, sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko yata kakayanin na malaman ni Kavin ang tungkol dito.


Hindi ko naman siya niloko, hindi ko naman 'to ginusto.



"B-bakit?" pumiyok ang boses ko. "B-bakit Kadmiel, anong nagawa ko sa'yo para gawin mo sa'kin 'to?" humihikbing saad ko.


"Kadmiel bakit!? sagutin mo ako! kailangan ko nang paliwanag mo! m-mahal na mahal ko ang kambal mo. A-alam mo 'yon, k-kaya b-bakit?! Putanginaaa! bakit mo'ko pinagsamantalahan!?!? b-bakit naman Kadmiel. B-bakit?" naninikip ang dibdib ko, kahit pa sinusuntok ko na ang dibdib niya at sinasampal siya ay hindi parin sapat. Hindi iyon sapat para gamutin ang puso ko.


Hindi ko alam kung anong magiging paliwanag ko kay Kavin, hindi ko na alam. Naba-blangko ang utak ko sa mga sandaling ito.


Tumayo siya at napahilamos sa mukha niya, napapitlag ako nang suntukin niya ang pader. Nagiwan ng marka ng dugo niya sa pader at bahagyang nawasak iyon dulot ng pagkakasuntok niya.


"Ano bang meron kay Kavin!? Ano?! Hindi ko maintindihan kung ano bang meron sakanya!" natigil ang pag-iyak ko at hindi makapaniwalang tinitigan siya.


"Boyfriend ko ang kambal mo Kadmiel,
ano rin bang hindi mo maintindihan don!?" nakipag-labanan ako ng titig sakanya habang mahigpit na hawak ang kumot na nakabalot sa katawan kong walang saplot.


"Pero ako ang una mong nakilala! Bakit siya?!" panandaliang natikom ang bibig ko, tila hindi maproseso ng utak ko ang sinabi niya.


Nag-alpasan muli ang mga luha ko nang bumukas ang pinto at iniluwal noon si Kavin. Pakiramdam ko ay huminto sa pagtibok ang puso ko. Hindi ako nakapag-salita, ni hindi ko kayang gumalaw. Ni titigan siya sa mga mata niya ay hindi ko kaya.


Ngayon Kavin, may karapatan ka nang saktan ako. Niloko kita, niloko kita gamit ang kapatid mo.


Inaasahan kong magagalit siya, sisigawan niya ako, sasaktan niya ako, mag-aaway sila ng kambal niya pero ni isa ro'n ay walang nangyare.

Malamig na tinitigan niya lang ako at tumungo sa kama upang umupo. Si Kadmiel naman ay tahimik lang at nakadako rin ang tingin sa'kin, ngunit wala akong pakealam sakanya. Iniisip ko ngayon kung pa'no ko sasaluhin ang malamig na titig na ipinupukol sa'kin ni Kavin.


"You're no different from your mother." pagbasag niya sa katahimikan.


"K-kavin, a-ako ang may kasalanan sa'yo. Wag mong idamay ang mommy ko." tinatagan ko ang boses ko sa abot nang makakaya ko at hnayaan ko siyang magpatuloy.

"You're far away from the woman I knew. Because the woman I know has dignity in herself. Far from the woman I'm facing now." tama Kavin, okay lang na insultuhin mo ako. Kasalanan ko, ako ang sisihin mo.



"I don't think you have any dignity left in yourself." kahit ako ay nandidiri sa sarili ko, pero sana inalam mo muna Kavin. Hindi ko naman ginustong mangyare 'yon.


"Am I not good enough for you? Am I not good in bed so you tried my twin? How did he treat you in bed last night? Did you enjoy it?" parang punyal iyon na bumaon sa puso ko. Lumandas nanaman ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan.


Nakatitig lang ako sakanya at sinusubukang hanapin ang lalakeng minahal ko at mahal ako. Ang lalakeng nangako na hindi ako sasaktan at rerespetuhin ako habang buhay.

"Don't look at me like that as if you're blaming me for being guilty." daig pa ng puso ko ngayon ang buhangin sa pagkakapiraso, hindi piniraso kung hindi pinino. Pinino na parang tinanggalan na ako ng karapatang mabuhay.


"I pity you. And I also regret that a cheater like you became my girlfriend." hindi ko na alam kung sa paanong salita ko pa ipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Walang katumbas na salita dahil sobrang sakit, tangina ang sakit sakit!

Seeking The Past (COMPLETED)Where stories live. Discover now