STP: Chapter 15

1.2K 28 0
                                    

Tahimik lang akong sumisimsim sa milktea na inorder ko habang ang lalake sa harap ko ay hindi na yata kakayanin na hindi maubos ang pasensya dahil mula kanina ay hindi ako nagsasalita.

"If it's not about the company then you are not allowed to answer their questions, understood?" tanging tango lang ang isinasagot ko sakanya magmula kanina. Inaasar ko lang naman at tinitignan ko kung hanggang saan aabot ang pasensya niya.

"Are you dumb? Could you open your mouth and speak up?" konti na lang mapipikon ko na siya.

"Keep at it and you'll find what you're looking for, it's hard to be dumb for life Valerie." nananakot ka ba? edi wow natakot ako.

"Are you really going to wear out my patience? Speak up before I completely strip you of the right to speak up, for life." sa wari ko ay hindi nanga siya nagbibiro sa'kin. Inaasar ko siya pero hindi ko nais na hindi na makapag-salita habang buhay!

"We are no longer in your company, kaya tigilan mo ang panenermon sakin Kavin!" napatakip kaagad ako sa bibig ko.


Talaga bang sinigawan ko siya?


"And also stop raising your voice at me. Kung ayaw mong yang palda mo ang itaas ko." pinamulahan ako sa sinabi niya at hindi makapaniwalang tinignan ko siya at bigla akong napaupo sa sofa at tinakpan ng unan ang mga hita ko.

"What the fuck Kavindre!?" nakita ko ang pag-ngisi niya at mula ron ay kumuha siya ng isang bote ng wine at glass shot at pumasok na sa kwarto niya.

Kaagad na hinawakan ko ang mga pisngi ko na hanggang ngayon ay nagiinit parin sa hiya.

----

"Do I look like I care? If you have to kill him, then do it. Oh wait no, blackmail him. Use his family to make him speak." ganon na lang ang inabutan kong eksena nang lumabas ako ng kwarto para uminom ng tubig. Ano raw kill? sino nanaman kaya ang tinatakot ng lalakeng to!


teka biro lang ba yon?


"Damn, Damian pakealam ko ba riyan?!" Hindi ko naman gustong makinig pero kase bakit sa tapat pa siya ng refrigirator nakatayo?


uhaw na uhaw na ako!


"Put your cellphone on loud speaker Damian and tell him to listen carefully to what I am going to say." kitang-kita ko mula rito sa kinatatayuan ko ang pamumula ng tainga niya. Sobrang busy ha di man lang nararamdaman ang presensya ko?


Tulak ko kaya 'to? Nauuhaw na kase talaga ako parang tuyot na tuyot ang lalamunan ko!


"Who ordered you to destroy the name of my company to my clients? This is your last fucking chance to speak up asshole." hindi ko marinig ang sagot sa kabilang linya dahil hindi naman naka-loud speaker ang kanya.

Nakita ko ang pagtaas-baba ng balikat niya. Aatras na ba ko? babalik na ba ko sa kwarto ko? Teka kasi mukhang papatay talaga tong lalakeng to e!

"Speak now who ordered you. You have a family, right? You have a daughter. Your wife is pregnant, isn't she? and is currently in the hospital to give birth. Now you choose, will you say who the hell ordered you to do that or I will kill your wife and children right now without hesitation?" parang nanigas ang mga paa ko nang marinig ko ang mga sinabi niya. Natutulog ako sa iisang bubong kasama ang mamamatay tao!?

"You heard everything I said, didn't you?" napapitlag ako nang nasa harapan ko na pala siya.

"Paalisin mo ako rito, papasok parin ako. Magta-trabaho parin ako, pero hayaan mong umalis ako sa puder mo. A-ayoko rito Kavin, m-may bahay ako. H-hindi ako aalis sa trabaho ko sa'yo, basta bukas na bukas din aalis ako rito, paalisin mo'ko." nanginginig ang mga tuhod ko habang nakikipag-laban sa tingin na ipinupukol niya sa'kin.

"You won't leave." mariing sagot niya sa'kin.


KAVINDRE

She's trembling like a child like I killed someone infront of her! I just scared that idiot to tell me the truth, but I didn't know that she was there in the whole conversation, fucking listening.

"You won't leave." ganon ko ba siya natakot para gustuhin niyang umalis sa tabi ko?

"W-wala ka nang kailangan sa'kin, assistant mo na'ko at hindi ko tatalikuran yon. P-pangako, hindi kita tatraydorin, y-yung mga narinig ko. P-promise I'll keep it as a secret, just p-please l-let me leave this house." her voice stuttered while saying that and the fear was evident in her voice. How stupid of me to let her hear everyting.

"Ayokong makasama ka sa iisang bahay. K-kakayanin mong pumatay ng mga inosente?" pumiyok ang boses niya at napahagulgol na. I knew it, iyon ang kinakatakot niya.


Tangina gago ako pero hindi ko kayang pumatay ng inosente!


"I will never ever kill innocent people, especially children Valerie. So can you please calm down?" I still don't face her. I don't want to see that I made her cry. I really don't want a crying woman in front of me, especially if it's her.

Unti-unting nawala ang boses ng paghikbi niya.

"M-matutulog na'ko." natakot nga sa'kin. Hindi ko na siya pinansin at pumasok narin sa silid ko.


Tsk! how I hate myself because I made her cry, and I fucking want to punch myself for letting her know my bad side. Maybe not yet, but just a little piece of it.

----

VALERIE

"Yes dad, uuwi na rin po ako. Tatapusin ko lang po ang duty ko ngayon at uuwi narin ako pagtapos."

"Yes dad I missed you too, and also mom."

"Okay, I will dad. I love you too." mabilis na pinatay ko na ang tawag, ni hindi ako nakatulog ng maayos sa mga narinig ko kagabi. Ni hindi ko alam kung pa'no ko siya ulit haharapin ngayon.

"Let's go." mabilis na pumasok na'ko sa loob ng sasakyan niya upang hindi na humaba ang usapan.

"Good morning Sir.Kavin" bati ng mga nadadaanan namin. Para naman akong bula, hindi ba sila pwedeng bumati rin sa'kin?


Edi don't! good morning self.


Nang makasakay na kami sa loob ng private elevator niya ay pinindot niya na ang huling numero. Dahil sa huling palapag pa ang opisina naming dalawa. Private elevator dahil ayaw na ayaw niya raw sa maingay lalong lalo na sa siksikan.

"You have a meeting to attend today Sir.Kavin, and also here's the papers you need to sign." hindi siya nagsasalita kaya alam kong may kulang pa.

"Ah, with Mr.Sandejas and Mr. and Mrs. Alcantara po ang meeting niyo today. Inshort dalawang meeting lang po ang naka-schedule sa'yo ngayon." ano pa ba? gumaganti ba 'to sa'kin? parang nasabi ko naman na lahat e!

"Ah about sa mga materyales na idineliver kahapon andyan narin po yung mga feedbacks pirma mo na lang po ang kulang." kumuyom ang kamao ko nang hindi parin niya ako sagutin, sa tuwing kase mangyayare 'to ay may kulang pa sa mga report ko.


kaltukan ko kaya to?


"Goodnews po na wala naring nag-back out na mga kliyente. I'll check your free scheds para mai-set ko na ang ibang mga meetings mo with other clients." parang sigarilyo lang ang pasensya ko madaling maupos. Kaya bago pa mangyare yon ay magpapaalam na'ko.

"I'll go ahead Sir.Kavin, have a nice day." hanggang sa pagtalikod ko ay hindi parin siya sumagot. Pag ako naman ang gumagawa niyan ay pikon na pikon ka!






Don't forget to leave a comment every chapters if may napansin kayo guys!😊 have a blessed day!

Seeking The Past (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon