Chapter TWENTY-SIX --> A Childhood Memory <--

5.8K 181 47
                                    

=====> Chapter TWENTY-SIX —> A Childhood Memory <—

[Weendy's POV]

Hindi ko maisarado 'yong bibig ko dahil sa sobrang gulat. May topak ba 'tong lalaking 'to? Kabod nalang magmamartsa sa school ng may school tapos idedeklara niyang fiancé ko siya? Aba ayos din 'to ah!

"Teka nga!" Pumikit ako ng madiin at saka umiling. Baka sakali kasing nagkamali lang ako ng dinig. "Ano ulit 'yong sinabi mo?" Inilagay ko 'yong kamay ko sa likod ng kanang tainga ko at inihilig ang katawan sa kanya. "Pakiulit nga. Nabingi yata ako?"

"I said..." Nagulat ako noong bigla niyang kunin 'yong kamay ko, at lalo naman noong lumuhod siya sa harapan ko. Napatingin sa amin 'yong ibang dumadaan sa corridor, habang 'yong ibang kaklase ko naman sa loob ng room ay biglang naghiyawan.

Tumingin si—ano ulit pangalan niya?—sa akin at ngumiti. "Ako ang lalaking pakakasalan mo, Weendy Marie Forteza." Hinalikan niya ang likod ng palad ko at parang nabingi yata ako sa hiyawan at kantyawan ng mga tao sa paligid ko.

"Sagutin mo na 'yan!"

"Invited kami sa kasal ha!"

Hindi ko alam kung saan ba ko namula, kung dahil ba sa kalokohang ginagawa ng lalaking 'to sa harapan ko o dahil sa walang tigil na hiyawan sa paligid ko. Basta, isa lang ang alam ko... Nahihiya ako!

Kumunot ang noo ko at inalis ng marahas ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "Excuse me, Mister—ugh—Mr. Whatever-your-name-is, huwag mo nga akong niloloko! Anong ikaw ang mapapangasawa ko? Nababaliw ka na ba?"

Umayos siya ng tayo habang tumatawa. Ay, baliw na nga yata 'to. "Again, ako si Yohan Montecarlos." May kinuha siya mula sa loob ng jacket niya at pinakita iyon sa akin. Napanganga ako ng kaunti no'ng makita ko 'yong picture ko no'ng bata ako... na may kasamang isang batang lalaki. Mataba 'yong batang lalaki at mukhang umiiyak siya doon sa picture habang ako naman ay naka-pigtail ang buhok, nakangiti ng malaki, namumula ang ilong at naka-peace sign sa camera.

Hindi ako pwedeng magkamali. Ako iyong batang babae doon sa litrato at hindi si Jenica dahil 'di tulad niya, wala akong nunal sa ilalim ng kanang mata.

"Hindi mo na ba naaalala..." Tumingin siya sa akin ng malamlam ang mga mata. "...ten years ago?"

*

"M-Mommy? Daddy? J-Jenica?" Lumingun-lingon ako sa paligid pero puro taong hindi ko kilala ang nakikita ko. Nakakainis naman. Bakit dito pa 'ko sa Japan nawala? Sabi no'ng classmate ko madami daw multo dito. Si The Grudge saka si The Ring.

 

"Uwaaah! Nakakatakot! Mommy! Daddy!" Tumakbo ako sa sidewalk, nababangga ko 'yong mga tao sa paligid. Umuulan ng snow. Gusto ko ng snow. Ang ganda no'n, pero ang lamig. Nagiginaw ako.

 

Humihingal ako noong huminto ako sa pagtakbo. Nilapit ko pa sa mukha ko 'yong scarf na nakapalibot sa leeg ko. Tuwing humihinga ako, may usok na lumalabas sa bibig at ilong ko.

(G4S Book3): OUR LEGACYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon