CHAPTER 34

9.6K 157 15
                                    

*Phone Ringing*

Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga. Napahawak ako sa pisngi kong basang-basa habang rinig na rinig ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Natuon ang paningin ko sa cellphone konh nasa itaas ng bedside table.

Incoming call from : Alcina

"Hello.."

"Wyatt...nagising na siya! Nagising na si Effie!"

Natigilan ako sa aking narinig.

"S-Si Effie.. b-buhay siya?" Nagugulohan ako sa mga nangyayari.

"Syempre, hindi naman siya mamamatay, e. Ano babg sinasabi mo? Bumalik ka na rito, hinahanap ka niya dali!" Pag tapos niyang sabihin 'yon ay binaba na niya ang tawag.

Sandali akong natigilan. Inikot ko ang tingin ko sa kuwarto, nakita ko ang papel na nilukumos sa itaas ng bedside table. Dahan-dahan ko iyong binuksan at napaawang ang mga labi ko.
"GET READY, EFFIE, BECAUSE I'M GOING TO COLLECT A DEBT."

"W-Wait..panaginip lang l-lahat 'yon?" bulong ko sa sarili habang nilibot ang paningin ko sa loob ng kuwarto.

Bigla akong napatayo nang maalala ang sinabi ni Alcina. Agad kong kinuha ang mga gamit ni Wyter na nakapatong sa kama at agad na bumaba at sumakay sa kotse.

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan. Gusto kong makasiguro na hindi panaginip ang lahat ng 'yon.

Pag dating ko ng hospital ay palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko.
Nadatnan ko sila Alcina kasama sila Sevv at Trishna nasa labas ng PACU. Agad naman akong sinalubong ni Trish at niyakap.

"K-Kuya, nagising na si ate," mangiyak-ngiyak na sambit nito.

"T-Talaga.." Napalunok ako, parang hindi pa na aabsorb ng utak ko ang lahat. Tinignan ko sila Alcina at tumango-tango lang siya habang naluluha ngunit nakangiti.

Humiwalay si Trish sa pagkakayakap sa akin at giniya ako sa pintuan ng PACU.

Umawang ang labi ko ng makita ko siyang nakahiga at dilat ang mga mata habang malamlam na nakangiti sa 'kin.

"Hey..love,"mahinang sambit niya.

Napatakip ako ng bibig at otomakitong bumagsak ang mga luha ko. Oh, God! This is real!?

Agad ko siyang nilapitan at niyakap.

"A-Akala ko iniwan mo na ako!" ani ko habang humahagulgol.

"Oh, God! Oh God! Hindi mo alam kung gaano ako natakot.." naramdaman ko ang kamay niyang umangat at hinimas ang likod ko.

"I'm sorry, kung natakot ka. Hinding-hindi kita iiwan," mahinang saad niya.

Inangat ko ang tingin sa kaniya at hinawakan ang pisngi niya.

"Totoo ba n-na b-buhay ka?" Hinimas-himas ko ang mukha niya.

"Hindi naman ako nawala." Pinahid niya ang luha ko.

"Stop crying.. hindi naman kita kayanh iwan." bulong niya habang hinahawakan ang pisngi ko.

Muli ko siyang niyakap para maramdaman na buhay siya.. buhay si Effie.

Tinakot ako ng isang mahaba at masamang panaginip. Oh, God! Thank you, Buhay ang babaeng mahal ko.

Inilipat na si Effie ng kuwarto at ako ay parang hindi pa rin makapaniwala. Anong klaseng panaginip 'yon? Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman na ang lakas parin ng kabog nito.

Nakaupo ako sa Bedside habang hawak-hawak ang kamay niya at tinititigan siya. Parang nanaginip pa rin kasi ako.

Tinaas ko ang kamay niya at hinalikan ito. "H'wag mo nang uulitin 'yon, dahil ikamamatay ko rin," bulong ko.

OBLIVION 1: Wyatt Roberts  (Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication)Where stories live. Discover now