CHAPTER 30

7.5K 143 1
                                    

CHAPTER 30

EFFIE'S POV

Ilang buwan na rin ang nakalipas at wala na ring gulo na nangyayari. Maayos na kami ni papa, magkasundo na rin kami ni Trish. Si Wyatt naman ay tuloy parin ang pamamalakad sa company. Matagal na rin siyang 'di kinukulit ni Chelsea dahil bumalik na iyon sa State kung saan siya pinanganak. At, syempre 'yong tyan ko ay malaki na rin at almost kabuwanan ko na rin.

"Ma'am l, ano pong gusto niyong kainin?" tanong ni Rona sa akin. Siya ang maid namin na kinuha ni Wyatt, matanda lang ako ng isang taon sa kaniya. Unang kita ko sa kaniya ay parang may nararamdaman akong kakaiba pero isinawalang bahala ko na lang iyon baka kong ano;ano lang ang iniisip ko.

"Kahit ano lang, mag luto ka na lang din ng iba pang pagkain, dito kakain si Trish,"ani ko.

"Sige po, ma'am,"sagot niya at bumalik na sa kusina.

Nasa trabaho si Wyatt at kami lang ni Rona ang nasa bahay. Medyo tinatamad akong gumalaw-galaw dahil na rin sa bigat ni baby na nasa tiyan ko.

*Ding dong! Ding dong!*

Agad namang tumakbo sa labas si Rona para pag buksan ang nag dodoorbell. Baka si Trish na 'yon.
Ilang sandali lang ay bumalik siya ngunit walang kasama.

"Si Trish na ba' yon, 'asan siya?" tanong ko sa kaniya.

"Wala pong tao sa labas ma'am, e. Ito lang ang nakita ko."

Binigay niya sa akin ang isang puting sobre.

"Ano naman to?" Binuksan ko iyon, may isang pirasong papel ang nasa loob.

"Ma'am, babalik na po ako sa kusina." Tinaguan ko lang ito.

Binuksan ko ang papel at nagulat ako sa sulat na nakalagay dito.

"GET READY, EFFIE, BECAUSE I'M GOING TO COLLECT A DEBT."

Kumunot ang noo ko matapos mabasa ang nasa ang sulat. Utang? Wala naman akong inutangan, ah. Pero, bakit may pangalan ko? Baka si Wyatt ang nagutang. Imposibl, 'andaming pera ni Wyatt para umutang pa sa iba.

Muli kong pinasok ang papel sa sobre at binitbit iyon papuntang kwarto.

Nilagay ko ito sa drawer sa side table at nahiga sa kama. "Baka pinag titripan lang ako ng mga tambay diyan sa labas," bulong ko habang nakatitig sa kisame.

I shrugs..

Bakit ba ang boring pag wala si Wyatt dito sa bahay? Nakakainisss!

Umupo ako sa kama at kinuha ang cellphone ko saka tinawagan si Wyatt.
Ilang ring lang ay nasagot niya agad ito.

"Hello love, napatawag ka?" bungad nya sa kabilang linya.

"I already miss you," saad ko. I heard him chuckle.

"Agad? Kakaalis ko lang diyan, ah." S

"Eh, na miss kita agad, e. Bakit ba?" Ngumuso-nguso ako na akala mo naman ay nandito si Wyatt sa tabi ko.

Tumawa ito. "Aww.. you sound so cute love. Don't worry, uuwi agad ako mamaya pag agad kong natapos ang trabaho ko."

As if naman na maaga sIyang umuuwi, eh palaging gabi siyang natatapos.

"Anong gusto mong bilhin ko?" tanong niya. Nag isip-isip muna ako saglit bago sumagot.

"Uhm.. daan ka sa park tapos bili ako ako street foods, maraming nag bebenta doon." Ewan ko ba, namimis kong kumain ng mga 'yon eh.

"Alright, masiyado ka nang matakaw, ah. Tumawa ulit ito.

"Para rin naman kay baby ito, ah," sagot ko. Totoo naman, diba nga kung ano ang kinakain ng nanay ay siya ring kinakain ng baby?

OBLIVION 1: Wyatt Roberts  (Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon