CHAPTER 20

8.2K 151 1
                                    

CHAPTER 20

EFFIE'S POV

Nagising ako sa isang silid na hindi pamilyar sa akin. Inikot ng tingin ko ang buong kwarto, kung 'di ako nag kakamali ay nasa hospital ako. Dumapo ang tingin ko sa kamay ko ay may dextrose na nakaturok dito.

Biglang bumukas ang pinto at nilabas nito si Wyatt na kitang-kita ang pag aalala sa mga mata niya.

Nilapitan niya ako at niyakap.

"Tinakot mo ako. Bakit ba kasi bigla-bigla ka na lang tatakbo?"

Bumigat ang dibdib ko ng maalala ang mga nangyari sa office.

"H'wag mo nang ulitin 'yon, you scare me to death." Unti-unting bumagsak ang mga luha ko.Paano ko na aatim na lokohin ang lalaking nasa harap ko.

"Are you crying?" aniya ng maramdamang umiiyak ako.

Kumalas siya sa pag kakayakap sa'kin at hinarap ako.

He cupped my face and brought his to the same level as mine.

"I'm sorry, love. I'm sorry kung nasaktan kana naman ni Chelsea. I promise, 'di na mauulit 'yon," he said and kiss my forehead.

Lalo akong napahikbi. Bakit ba hindi ko kayang aminin sa kaniya? Ayokong mawala siya dahil siya nalang ang meron ako. Oo, nagmumukhang makasarili ako sa ginagawa ko pero ayokong iwan niya rin ako.

"Sshhh.. stop crying. Malulungkot din si Baby niyan," aniya at pinunasan ang basa kong pisngi.

I'm sorry, Wyatt. I am really sorry.

Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit na ikinabigla niya ngunit nang mapagkuway niyakap nya tin ako pabalik.

"I love you," bulong ko at binaon ang mukha ko sa dibdib niya para itago ang aking pag iyak.

"I love you more," turan nito.

Ilang minuto din kaming nasa ganoong position hagang sa maisipan niyang lumabas at bilhan ako nang makakain.

Nakatungo lang ako ng biglang may kumatok sa pinto at pumasok si Alcina.

"Hey." Niyakap niya ako at umupo sa tabi ko.

"Kumusta pakiramdam mo?" Hinawakan niya tiyan ko at hinimas ito. " Eh, ikaw baby? Kumusta ka?"

Tinignan ko siya at muling tumulo ang mga luha ko.

"Hey, why are you crying? Anong problema? May masakit ba sa'yo?

Masakit? Oo, 'yong puso ko.

"B-Bess, what if 'di si Wyatt ang ama?" Natigilan ito dahil sa sinabi ko.

"Paano kung 'yong lalaki sa club ang ama n-nito?" nag cracked ang boses ko dahil sa paghikbi.

Matagal na 'di nakasagot si Alcina habang tinitignan lang ako.

"Bess, paano ko s-sabihin sa kaniya?" Napayuko ako at hinayaang ilabas ang mga luha at sakit na nararamdaman ko.

I don't want to lose him.

Naramdaman kong niyakap nya ako.
"Shhhh.. don't say that. Kung hindi man si Wyatt ay maintindihan niya iyon."

Napahagulgol na lang ako. Ayokong iwan ako ni Wyatt pero ayoko rin siyang lokohin at pagmukhaing tanga.

Biglang tumunog ang pinto at may paper bag na nahulog sa sahig.

"W-Wyatt."

Parang nanigas ako ng makitang nakatayo si Wyatt sa harap ng pinto .
Tinignan niya lang ako habang gumuhit ang sakit sa kaniyang mga mata.

OBLIVION 1: Wyatt Roberts  (Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon