CHAPTER 17

8.6K 178 0
                                    

CHAPTER 17

EFFIE'S POV

Pag labas ko ng bahay ay nadatnan ko ang kotse ni Wyatt sa labas ngunit walang tao ito.
Saan naman pumunta 'yon? Tinignan ko ang oras sa relo ko, 8:42 a.m pa lang naman.

Sumandal muna ako ng ilang minuto sa sasakyan ni Wyatt para hintayin siya kung saan man siya pumunta.

"Goodmorning."

Napalingon ako at nakita ko siyang papunta sa direksyon ko habang may hawak na box ng donut at coffee.

"Good morning, bumili ka pala diyan sa bagong bukas na coffee shop sa kanto. Bakit, 'di ka nag umagahan?" tanong ko ng makalapit siya.

"Hindo naman para sa'kin 'to. Para sa'yo 'to dahil alam kong di ka pag nag breakfast."

Inabot niya sa'kin ng dala niyang box ng donut at kape.
Napangiti naman ako. Kahit ang sungit ng taong to may sweet side rin naman.

"Aba, akala ko CEO ka lang ng malaking kompanya, 'di ko alam na manghuhula kana rin pala."

Umiling ito at bahagyang tumawa dahil sa sinabi ko.
"Sira! Sige na, pumasok kana at sa loob mo na 'yan kainin," saad niya at pumasok ng kotse.

Nakangiti naman akong sumakay sa kaniyang sasakyan. Wyatt is a kind person, mabait naman talaga siya, e. Kaso nga lang moody.

Binuksan ko ang box at kumuha ng isang donut saka isinubo.
"Infairness, masarap ang donut nila. By the way, thank you rito," ani ko at lumagok ng kape.

Tumango lang siya at nginitian ako habang nag mamaneho. Everytime he smiles, parang natutunaw ako. I love his signature smile.

"By the way, alam na ba ni Sevv kung bakit 'di tayo makakapunta sa opening nila?"

Tumango ako bago sumimsim ulit ng kape saka nag salita, "yeah, nakausap ko siya sa cellphone kagabi. Eh, ikaw? Bakit 'di ka pumunta do'n? Mas kailangan ka doon." Ngayon sana kami pupunta sa Aonami, peri sa nangyari kay lola ay hindi na natuloy.

"Mas importante ka," seryosong sagot niya habang nasa daan ang tingin nito.

Napatahimik ako sa sinabi nya. Minsan parang gusto ko na lang maniwala sa mga nakikita kong ginagawa ni Wyatt kisa isipin na peke ang relasyon namin.

Nakarating kami sa hospital na ni isa sa amin ay wala nang umimik.
Nauna na akong bumaba ng kotse niya habang siya naman ay nakasunod.

Pag pasok namin ng hospital ay nadatnan naming nag tatakbuhan ang mga nurses at doctor.

"Doc! Room 13 sa ICU, Cardiac arrest!" sigaw ng isang nurse sa doctor sa nurse station.

Room 13 ICU?

Fuck! Automatiko akong napatakbo papunta doon. Diyos ko h'wag naman sana.

Lola..Lola please... Halo-halo ang nasa isip ko na sinamahan ng aking kaba.
Tumatakbo ako habang nag uumpisa nang bumagsak ang mga luha ko.

Hindi... Hindi pwedeng mangyari 'to. Hindi mo ako pwedeng iwan lola...

Pag dating ko sa tapat ng ICU ay nakita kong nasa labas si Alcina na parang di mapakali. Parang nanghina ako ng makita siyang umiiyak.

"Bess anong nangyari?" kabadong tanong ko sa kaniya. Tinignan niya lang ako at mas lalong napaiyak.

Tumama ang tingin ko sa glass wall kung saan nakikita kong nirerevive nila si lola habang tumutunog ang life line minitor.

Parang gumuho ang mundo ko at hindi ko alam kong anong irereact ko. Unti-unting bumigat ang pag hinga ko at patuloy na kumawala ang nga luha sa mga mata ko.

It can't be... No! Hindi pwede!
"No.. no.. no!!" Nag tangka akong pumasok sa loob ngunit pinigilan ako ng dalawang nurse.

Hindi pwede! Hindi niya pwede akong iwan!

"Umalis kayo! Lola!!" sigaw ko habang sunod-sunod ang pag agos ng mga luha ko.

No... Hindi! Hindi mo ako puwedeng iwan lola...hindi!!
Nag pupumiglas ako ngunit Mahigpit ang pagkakahawak nila sakin.
Lumapit si Wyatt sa'kin at hinawakan ako.

"Effie."

Pawang wala na ako sa tamang pag iisip. Ang tanging gusto ko lang ay pumasok sa loob.

"Hindi, lola please...h'wag mo akong iwan! Lumaban ka pakiusap!"

Niyapos ako ni Wyatt sa bewang para pigilan akong pumasok.

"Wyatt, bitawan mo ako!" Pag pupumiglas ko.

WYATT'S POV

Nag pupumiglas at nag wawala si Effie habang humahagulgol.

"Wyatt! Ano ba bitawan mo ako!"

"Effie...Effe! Makinig ka!" Hinawakan ko ang pisngi niya at iniharap siya sa akin.

"Sinusubukan nilang iligtas ang lola mo kaya huminahon ka."

"Paano ako hihinahon kung nag aagaw buhay ang lola ko!?"

Sunod-sunod ang pag agos ng mga luha niya at hindi ko mapigilan ang masaktan.

*Toootttt... Toootttt...tooottttt...*

Napalingon kami sa loob at inihinto na ng doctor ang pag rerevive sa lola niya.

"No... No... No! Lola!! Hindi mo ako puwedeng iwan!!" Sigaw niya. Inangat ko ko na lang ang tingin ko sa taas upang hindi tumulo ang luha kong nag tatangka rin.

Tumakbo siya nang lumabas ang doctor sa ICU

OBLIVION 1: Wyatt Roberts  (Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon