CHAPTER 11

10K 209 4
                                    


WYATT'S POV

"Wyatt, what's bring you here?" tanong ni Primo ng makapasok ako sa bahay niya.
Deretso lang ako sa sofa niya at umupo.

"Birthday na birthday mo, bakit nandito ka?" tanong niya at binigyan ako ng isang beer in can.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa tatay ko." Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa inis.

"Oh, bakit? Nag away na naman kayo?"

"As usual, he made his own decision again. Bro, he wants me to engage Chelsea, and the engagement party will also be held tonight."

Napabuga siya ng beer dahil sa
sinabi ko.

"Fuck! That's gross!" Pinunasan ko ang braso kong may beer dahil sa pagbuga niya.

"Seryoso pare? So, ikakasal kana pala?" Humalakhak ito.

"Congratulations, Wyatt Roberts ikakasal ka sa sa isang matinong babae," sarcastic niyang saad at muling tumawa.

"Gago! Mas gugustohin ko pang tumalon sa building kisa pakasalan 'yong makating babae na 'yon. Nandidiri ako sa kaniya."

"Anong plano mo?" tanong nito at ngumisi.

"That's why I'm here, I need your help, bro. "

EFFIE'S POV

Naglalakad ako sa daan kahit gusto ko pang matulog.
Wala na pala akong stock ng pagkain sa bahay, nakalimutan kong mag grocery.

Tinignan ko ang relo ko, 9 a.m. na rin pala at tirik na tirik na rin ang araw.
Napahinto ako sa pag lalakd nang may biglang humintong puting van sa harap ko.

Bumukas ito at at nilabas ang tatlong naka itim na lalaki, nakatakip ang mga mukha nito at naka sumbrero.

"S-Sino kayo? Bitawan niyo ako!!" Hinila nila ako at pilit na isakay sa kanilang sasakyan.

"Ano ba! Bitawan niyo ako! Sino ba kayo!?" sigaw ko ngunit parang wala silang narinig. Nag pupumiglas man ako ay hindi pa rin 'yon sapat para makatakbo ako at makahingi ng tulong.

"Bitawan niyo ako!" Rinig na rinig ko ang kalabog ng dibdib ko at naiiyak na rin ako. Masiyado silang malakas, hindi sapat ang lakas ko, hangang nag tagumpay silang ipasok ako sa loob ng van.

Nanginginig ako dahil sa takot. Diyos ko, ikaw na po ang bahala sa akin.

"A-Anong kailangan niyo? Bakit niyo ako dinukot" Nanginginig ang boses ko dahil na rin sa mga luha kong sunod-sunod sa pag patak.

"H'wag kang matakot, hindi ka namin sasaktan." Nag salita ang lalaki na nasa tabi ko.

" Hindi niyo ako sasaktan, bakit niyo ako sinakay dito? Ano to, trip niyo lang!?"

Tumawa ang lalaking nag mamaneho ng Van.

"Hindi ko alam na may sense of humor din pala 'tong secretary ng WR Food Company."

Aba, gago rin 'to, sense of humor? Mukha ba akong nag papatawa? At paano naman nila nalaman na secretary ako ng WR food company?

"T-Teka, kilala niyo ako?"

"Yeah, relax ka lang diyan, hindi ka naman namin sasaktan kaya h'wag kanang maingay diyan."

"Kung hindi niyo ako sinakay dito, edi sana hindi kayo na iingayan! "

Tinakpan ng katabi ko ang tainga niya dahil sa pag sigaw ko.
"Ano ba 'yan miss, may megaphone ba 'yang bibig mo?" tanong niya.

Pinahid ko ang mga luha ko bago muling nag salita, "ano ba talaga ang kailangan niyo sa'kin? Kung wala naman kayong kailangan sa'kin, puwede bang ibaba niyo na ako dahil nagugutom na ako hindi pa ako nakakakain!"

OBLIVION 1: Wyatt Roberts  (Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon