CHAPTER 31

7.1K 152 5
                                    

CHAPTER 31

EFFIE'S POV

"Ate what do you want to eat?" Trish asked me. Nandito parin siya sa bahay, 'di na siya umuwi kahapon dahil nag aalala daw siya sa amin ni baby.

"May cake doon sa ref, 'yon na lang kainin natin habang 'di pa nakakabalik si Rona," sagot ko.

Nag grocery kasi si Rona dahil na ubos na ang stocked namin.

"Alright, wait me here!" she said at iniwan ako sa sala.

Hays.. napakaboring na araw na naman. Nasa trabaho na naman si Wyatt at mamayang gabi pa ang uwi. Sunod-sunod din ang meeting niya sa ibat-ibang investors nito dahil 'di natapos kahapon 'yong isa niyang meeting.

Bumalik si Trish na may dala-dalang cake at orange juice. Nilapag niya ito sa glass table at umupo sa sa tabi ko.

"Ate, may napansin ka ba kay ate Rona?" Out of no where niyang tanong.

Napalingon ako sa kaniya. "Ah, bakit?" tanong ko at sumubo ng cake.

"Parang kakaiba kasi ang kinikilos niya or sadiyang masiyado lang akong suspisyosa." Tumawa ito dahil sa sinabi niya.

Napapansin ko rin kay Rona 'yon. Parang naiilang siya pag nasasalubong ako at parang hindi rin siya makatingin sa mga mata ko. Nakita ko siya last time may kausap sa phone at masyado niyang hinihinaan ang boses niya na parang natatakot na may makarinig ng pag uusapan nila. Hindi ko nalang 'yon pinansin hindi naman kasi ako chismosa.

"Hay nako, Trish h'wag mo nalang pansinin, gutom lang 'yan." saad ko at lumamon ulit.

Ilang sandali lang ay dumating na si Rona at pawis na pawis.

"Nandito na po ako ma'am," aniya ng makapasok.

"Oh, 'anyare sa'yo? Parang hinabol ka ng aso sa daan." Sinalinan ko siya ng juice sa basong hindi ko ginamit at inabot sa kaniya.

"Inumin mo muna para ma refresh ka." Inabot niya naman ito sa 'kin.

"Thank you po, ma'am. Ang init kasi sa labas, e," sagot niya at nilagok ang juice.

"Sige po ma'am, sa kusina na po ako para makapag luto na ako ng lunch," anito, tumango naman ako bago siya umalis.

"Mainit ba sa labas ate? Parang makulimlim nga, e,"saad ni Trish.

Oo nga, makulimlim, dahil sabi sa weather broadcast ay uulan mamayang gabi.

"Baka naman nainitan lang siya, ikaw naman," sagot ko sa kaniya at tinuon ang tingin ko sa TV.

Buong mag hapon lang kami ni Trish na nasa bahay at nanood ng tv. Bukas na lang daw siya uuwi dahil mukhang lalakas ang ulan.

"Ate, anong oras ang uwi ni kuya?" Tanong niya sa 'kin. Mag alas a-alas-otso na kasi at wala pa rin siya. Nagsisimula na ring umulan.

"Baka maya-maya ay nandito na rin 'yon. Matulog kana diyan," ani ko at hinalikan siya sa noo.

"Good night, ate." Nahiga na ito sa kama.

Nang nakatulog na siya ay lumabas na ako ng guestroom para pumasok sa kwarto namin. Kinuha ko ang cellphone ko sa bed side table at dinial ang number ni Wyatt but cannot be reached ito.

Hays...

Nasaan na ba 'yon? Lumalakas pa naman ang ulan. Nahiga muna ako saglit ngunit hindi ko namalayan na nakatulog ako.

Nagising ako dahil sa malakas na kulog at kidlat,tinignan ko ang oras sa phone at 10:12 p.m na. Wala pa rin si Wyatt. Wala rin ni isang tawag o text galing sa kaniya.

OBLIVION 1: Wyatt Roberts  (Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon