CHAPTER 32

7.1K 157 3
                                    

CHAPTER 32

WYATT'S POV

Lumabas ang doctor mula sa ICU at agad naman kaming lumapit sa kaniya.

"Doc, how's my fiancée?" agad na tanong ko.

Nakita kong huminga ng malalim ang doctor kaya bumilis ang pag tibok ng puso ko.

"Tatapatin na kita Mr. Roberts. Nasa critical stage ang fiancèe mo sa ngayon." Parang tinakasan ako ng buong lakas ko dahil sa narinig.

"There is a blood clot in her brain, and she requires immediate surgery."

Unti-unting bumigat ang aking pag hinga.

"S-So, you mean.. she's in c-coma?" Unti-unting tumango ang doctor bilang sagot.

Napayukom ang mga kamao ko at napalunok dahil sa luhang nag uumpisang mahulog sa mga mata ko.

"Marami siyang natamong pinsala sa katawan. at, dahil na rin sa pag tama ng kaniyang ulo sa kaniyang pagkahulog ay may dugong namuo sa kaniyang utak. Ang tapang lang ng fiancèe mo dahil nailabas niya pa ang baby niyo bago siya nawalan ng malay."

Nagulat ang doctor ng bigla ko siyang hawakan sa balikat. "D-Doc, gawin niyo na ang surgery. Handa akong mag bayad kahit magkano, iligtas niyo lang ang fiancèe ko."

"But before we conduct a surgery. Kailangan mo muna pumirma. Magiging risky ang operation na 'to, Mr. Roberts. Kaya, kailangan namin ang pahintulot niyo. "

Napahawak ako sa aking ulo at napapikit. "Wyatt, anong gagawin mo?" tanong ni Alcina na hindi parin natatapos sa pag-iyak.

"Mr. Roberts, I just want to remind you that your fiancée could die at any time if she is not operated on immediately. However, if you agree, we have a 50/50 chance of saving her. You must decide now."

"Kuya..p-paano na?" naiiyak na sambit ni Trish.

Napapikit ako ng mariin bago hinarap ang doctor.

"I will sign it. Gawin niyo na ang surgery."

Pag alis ng doctor ay napaupo na lang ako sa at inilabas ang sakit na nararamdaman ko. I don't wan't to loose Effie. I can't live without her. Oh, God! Please help my fiancèe.

"Wyatt." Pinahid ko muna ang mga luha ko bago inangat ang tingin kay Sevv.

"Hinalughog na ng mga police ang bahay niyo pero hindi nila nakita ang kasambahay niyo."

"Paanong hindi nila nakita, e tatlo lang sila ni Effie ang tao sa bahay kanina."

Nag kwento kasi si Trish kanina, at sabi niya noong mangyari ang insidente ay hindi nag nag pakita si Rona.

"Mukhang wala siya sa bahay niyo noong nangyari kay Effie 'yon," aniya.

Mas lalo akong nagugulohan. Paano siya mawawala, at tiniming pa talaga sa gabing 'to.

"Wyatt, dahil sa pagkawala niya ay isa na siya sa suspect ng mga police. Kailangan siyang mahanap dahil baka may alam siya sa nangyari." Napabuntong hiniga na lang ako at muling napahawak sa ulo ko
Kung sana ay mas maaga pa akong nakauwi ay hindi sana nangyari kay Effie ito.

Naramdaman kong hinawakan ni Sevv ang balikat ko. "Dadalhin ko muna si Trish sa police station. Kailangan ang statement niya. Pati ikaw din sana, pero mas kailangan ka ni Effie ngayon." Muli kong inangat ang tingin sa kaniya.

"Sige bro, salamat," ani ko.
Nilapitan ako ni Trish at niyakap.

"Naniniwala po ako na magigising si Ate, kuya." Napakagat labi siya para pigilan ang muling pag hulog ng luha niya. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinimas ang likod niya.

OBLIVION 1: Wyatt Roberts  (Soon To Be Published Under Bibliothéque Publication)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon