Chapter 51

660 30 1
                                    

Chapter 51: Downfall of the 2nd

NOONG pumatak ang alas dose ng hapon, ang mga pagod na kalahok ay pinagpahinga ng isang oras bago muling sumalang sa susunod nitong laban. Sila-sila pa rin ang maglalabanan ngunit ngayon, iba na ang kakaharapin ng mga natalo sa Upper Bracket. Ang mga nanalo sa Lower Bracket ay haharapin ang mga natalo sa Upper Bracket. Sa pagkakataong ito, ang matatalo sa kanila ay hindi na magkakaroon ng pagkakataon pang lumaban.

Samantala, habang nagpapahinga ang mga kalahok, nakita itong pagkakataon ni Haring Julyo para makausap ang Emperor. Nasa magarbong silid si Lunar na nababalutan ng gintong disenyo ang kanyang paligid. Nasa upuan siya ngayon at nasa harapan niya si Haring Julyo. Pinagigitnaan nila ang lamesa na may nakapatong na kape para sa kanila. Humigop muna si Lunar ng kape bago humarap sa hari na nakita niyang hindi mapakali.

"Anong sadya mo rito, Julyo?" panimula ng emperor.

Hindi sumagot ang hari. Mayamaya'y tumingin ito sa mata ni Lunar at pahampas na sinampa ang mga palad sa lamesa. Nakakagulat ang pinakita ng hari ngunit nanatiling kalmado si Lunar na hawak ang tasa na hinigupan ng kape.

"Hindi ba't masyadong malakas ang mga kalahok na may healing abilities? Kung tutuusin, mapakadaya. Sobrang daya!" singhal ni Haring Julyo na kaunti na lang, ilalabas na nito ang kanyang galit ngunit hindi maaari dahil isang lapastangan ang magpakita ng hindi kaaaya-aya sa harap ng emperor.

Hindi sumagot si Lunar bagkos, ngumiti pa ito habang binababa ang tasa. Ang kasamahan niya ay mabigat na ang paghinga at tila anumang oras, sasabog na ito sa kaba.

"Wala akong nakikitang mali sa pagitan ng kalahok mo sa Anastasia Kingdom," kalmadong tugon ni Lunar.

"Ngunit mahina sila! Mahina! Kumakapit lang sila sa healing ability ng isa sa kanila!" singhal ng hari at nagtiim-bagang, "Hindi sana sila mananalo kung wala ang healing ability ng isang babae sa kanila! Hindi ba't paglabag 'yon sa unang patakaran?"

"Wala akong nakikitang paglabag sa nangyari kanina." Nilapag ni Lunar ang tasa sa lamesa dahil wala na itong laman, "Kung ayan lamang ang sadya mo, makakaalis ka—"

"Hindi pwede! Hindi ako papayag sa pandarayang ginawa ni—" Napatigil si Haring Julyo nang pinanliitan siya ng tingin ni Lunar.

"Binigyan kita ng ilang minuto para kumalma ngunit parang ayaw mong makiramdam. Julyo, binabalaan kita. Hindi ko na kailangan ipaliwanag sa 'yo ang binigay kong batas sa patimpalak na ito dahil dapat kayo ang umuunawa nito."

Napatulala ang hari bago umupo at yumuko sa pinakita niyang kahihiyan. "P-pasensya na po, mahal na em—"

"Ang kaharap mo ay ako, Julyo. Kapag nagkamali ka lang bastusin ang mga batas at ang presensya ko, hindi mo magugustuhan ang kahihitnan mo," seryosong saad ni Lunar at ngumiti ngunit hindi mapapawi ang pinapakita ng mukha sa nilalabas ng kanyang awra. Tulad ni Haring Julyo, kaunti na lamang ay lalabas na ang galit na nararamdaman niya.

Umalis ang hari sa silid na kahihiyan sa dignidad ang dala-dala. Pinakita niya ang walang ka-respetuhan sa emperor dahil sa pag-iwas na matalo. Dahil ang susunod nilang kalaban ay ang Olga Kingdom na nakita niyang may healing ability din. Iniiwasan niya lang na ang katayuan niya sa iba ay hindi matapakan.

𔓎𔓎𔓎𔓎

NANG matapos ang isang oras na pagpapahinga, muling bumalik ang mga kristal na mapakita ang nangyayari sa Lunar Tournament.

Sumalubong sa mga manonood ang sampung kalahok na muling maglalaban para sa karangalan. Ngayon, sabay-sabay na silang magtutuos sa bawat silid na nakalaan para sa kanila.

Sa labanan ng Olga at Harold, agad silang nagpamalas ng galing. Ngunit mas umaangat ang kagalingan ng Olga sa team work dahil lahat sila'y may inaambag at walang tapon pagdating sa sagupaan.

I'm a Ghost in Another WorldWhere stories live. Discover now