Chapter 6

2.5K 100 0
                                    

Chapter 6: Family First

ANG INIT na nagmumula sa sikat ng araw ay magaan na sa balat. Ito na rin ang simbulo na natapos na ang pag-aararo kaya ang mga magigiting na magsasaka ay kasalukuyan nang lumililim sa maliit na kubo; magkasama sila Elaine, Esang, at amang si Duardo.

Magkakatabi ang mga kubong narito para pagpahingahan kaya may iba rin silang kasamang magsasaka nagpapapawi ng init mula sa haring araw. Nakaupo sila sa damuhan habang hinahabol ang kanilang paghinga. Ang ilan pa nga'y ginamit nang pamaypay ang kanilang strawhat.

Kasalukuyang hinayaan ni Elaine na manlambot ang kanyang likod sa sinandalan niyang likuran ni Esang. Malakas siyang bumuga ng hangin dahil sa init na naramdaman at gumawi sa sakahan na ngayon ay putik-putik na.

Ang hirap pa lang maging magsasaka, sa isip-isip ni Elaine at pinaypay ang sarili gamit ang kamay.

Alas tres y medya na ng hapon at napagpasyahan nilang ituloy-tuloy ang pagpapahinga dahil hindi na kinakaya ng kanilang katawan ang napakainit na kapaligiran.

Sa pagpaypay naman ni Elaine, napahinto siya nang makita ang dalawa niyang kasamahan na nakangiti sa ginawa nitong wind magic. Kanina pa siya nagpapaypay gamit ang kamay para makakuha ng hangin ngunit sila Esang at Duardo ay walang hirap na pinapalamig ang kanilang katawan gamit ang wind magic.

"Ako rin!" reklamo ni Elaine. Pinagitnaan niya si Esang at ang kanyang ama at nang maramdaman ang lamig sa wind magic, nanlambot ang kanyang katawan at nakahinga ng maluwag.

Ang laking tulong talaga ng mahika. Hindi na kailangan ng electric fan, sa isip-isip niya.

Ilang minuto ang lumipas at naisipan nilang bumalik sa kanilang tahanan. Pagkapasok ila sa pintun, gulat na may ngiti ang kanilang naging reaksyon nang tumambad sa kanila ang lamesang puno ng masasarap na pagkain. Lumabas naman sa pintuan si Helena na may bitbit na kalderong naglalaman ng kanin. Lumabas din si Jacobe at dali-daling umupo sa gilid ng lamesa.

"Gutom na ako!" masayang sambit ng batang lalake habang sinisipa niya ang kanyang mga paa sa hangin.

"Wala ka namang ginawa!" bulyaw ni Esang na nakaupo na rin.

"Meron kaya! Naglaro ako sa labas."

"Hintayin mo lang talagang lumaki ka at pahihirapan kita magsaka. Tandaan mo 'yan!"

Dinilaan na lang ni Jacobe si Esang at tumingin kay Elaine. "Nawala na ba amnesia mo, ate?" tanong niya.

Umupo si Elaine katabi ni Esang at umiling sa batang kapatid bilang tugon.

"Akala ko pa naman malaking tulong na nakabalik na si Ate Elaine sa pagsasaka, hindi pala," sarkastikong sambit ni Esang.

Biglang nahiya ang buong kalamnan ni Elaine. Halos masira ang sakahan dahil sa maling pinaggagawa niya. Buti na lamang ay natuto na siya ng kaunti. Ngunit mas maraming nagawa ang kanyang ama at kapatid kaysa sa kanya.

Hindi naman kasi ako magsasaka, sa isip-isip ni Elaine.

Nilapag ni Helena ang sinaing sa gitna ng lamesa at naglagay ng mga plato sa harapan nila. "Mayamaya'y narito ang Kuya Joziah niyo."

Gumuhit ang ngiti sa labi nila Esang at Jacobe. Sumama naman ang mukha ni Helena nang makita ang batang anak na kumukuha ng pagkain kaya agad niyang tinapik ang kamay ni Jacobe.

"Hindi pa tayo nagdadasal!" singhal ng ina.

"Aray! Huhu. Sorry."

Napabuntong-hininga na lamang si Helena at bumalik sa pag-ayos ng hapagkainan.

I'm a Ghost in Another WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon