Chapter 63

925 34 0
                                    

Chapter 63: The True Ruler of Southwest Land

ANG MULING pagsikat ng araw sa kalangitan ang naging simbolo ng panibagong umaga sa buong Southwest Land. Hindi nila mawari ang kanilang nararamdamang saya at ang ngiti sa labi ang nagrerepresenta. Umani ng positibong pananaw ang usap-usapang nangyari kahapon. Marami ang nadismaya sa pinakitang pagpaslang ni Lunar kay Elaine. Kung susumahin, ang pagkapanalo ni Elaine ang umalingangaw sa bawat sulok ng lugar. Walang pinapalampas sa kanilang pagkwento at halos makalimutan na nila ang ibang labanan.

Kumalat ang balita sa buong lupain hanggang sa labas ng Southwest Land. Matunog ang pagkawagi ni Elaine ngunit sa pananaw nila, isa itong delubyo sa kanila.

Sa kasalukuyan, isang dalaga ang mapayapang natutulog sa kwartong yare sa bato at ang disenyo ay gawa sa ginto. Napapalibutan ng pulang karpet ang sahig at may maliit na chandelier sa kisame. Ang mga gamit dito ay masasabing mamahalin at iniingatan dahil sa ganda at linis nito, isa ang king size bed na may mga kurtina pang humarang kung ika'y hihiga sa loob nito. Ang kwartong ito ay walang dudang para lamang sa mga maharlika kaya nagmistulang prinsesa ang mukha ng dalagang nakahiga sa kama. Mala porcelana ang kutis nito at mga labing pulang-pula. Sumabay pa sa puting kamang hinihigaan niya ang kulay puti niya ring buhok. Nakasuot siya ng puting bistida at nakalagay ang mga kamay nito sa tiyan. Kung susumahin, para siyang anghel ngunit napakalayo ng estado niya para maging anghel. Siya kasi si Elaine Hidalgos at ang kokoronahang Emperor ng Southwest Land. Natutulog siya't pinagpapahinga ang sarili sa nangyari kahapon. Hindi na niya nalaman ang iba pang detalye dahil nawalan na siya ng malay.

Ang dalaga ay unti-unting dumilat. Ang paningin niya ay malabo dahil sa pagkahilong nararamdaman. Nawala naman agad ang hilo nang siya'y makaupo. Sinandal niya ang likuran sa headboard ng kama at napahawak sa sentido.

Nasaan ako? Tanong niya sa sarili at nilibot ng tingin ang paligid. Malayong-malayo ang kagandahan ng kwarto sa mga nakalipas niyang natulugang kwarto. Kaya nagtataka ito kung nasaan siya. Hanggang sa maalala ang nangyari sa kanya kahapon.

Nanalo ba ako?

Gumawi siya sa isang double door na gawa sa salamin, ito ang nagsilbing pasukan ng liwanag ng araw. Nakakapukaw ang atensyon nito dahil tanaw sa hinihigaan niya ang kulay puti't asul na kalangitan.

Dahan-dahan siyang umalis sa kama at inalalayan ang sarili dahil sa mabigat na pakiramdam. Pagod pa ang katawan niya at ang kanyang mana ay hindi pa sapat para mabawi ang nawala. Pumunta siya sa sliding door at pumasok dito. Tumambad sa kanya ang balkonaheng gawa sa marmol at ang kalangitang napakaginhawang pagmasdan. Umiihip dito ang malamig na hangin at ang init na binibigay ng araw ay katamtaman lang.

Ngumiti siya at inamoy ang sariwang hangin. Pumunta siya sa railings ng balkonahe at tumingin sa ibaba. Doon ay napagtanto niyang nasa Mount Olimpus pa rin siya dahil sa natanaw niya ang Colossal Arena.

Ang ngiti sa kanyang labi ay napalitan ng seryosong mukha dahil sa sensitibo niyang magic sense. May naramdaman siyang malakas na mana na animo'y naghihintay lang ng salita niya para magpakita sa kanya.

"Yel," utos niya. Lumitaw sa likod niya si Yel at yumukong nakahawak sa kaliwang dibdib nito, simbolo ng pagbibigay galang sa kanya.

"Ano po iyon, Emperor Elaine?" tanong ni Yel.

Nanlaki ang mga mata ni Elaine at humarap kay Yel na may gulat sa kanyang labi.

"Emperor? Nanalo talaga ako?!" bulalas ng dalaga at gumuhit ang ngiti sa kanyang labi.

Tumayo ng maayos ang matanda at lihim na tumawa. Ngumiti siya at tumango. Sabay sambit ng "Opo, Emperor."

Napanganga si Elaine at kalaunan ay malawak na ngumiti. Tinaas niya ang kanyang mga kamay saka mahinang napatalon.

I'm a Ghost in Another WorldWhere stories live. Discover now